◇ twelve ◇

39 8 3
                                    

A/N: Ewan ko pero parang iba yung vibes ng chapter na 'to. Kung gusto niyo ma-feel yung vibes na sinasabi ko, mas magandang iplay ninyo yung video sa header habang nagbabasa kayo, or pakinggan ninyo direct sa YouTube yung music kung may audio problems.


yt link : https://youtu.be/cpwaQLlaNDs 


------


"Asahan ang malakas na pag-ulan mamayang gabi. Huwag kakalimutang magdala ng payong upang maging handa sa pagragasa ng ulan."  Ang sabi ng news reporter sa bukas na TV ni Hanma.


"Iiwan ko nalang sa'yo 'tong mga binili mong damit ko."  Sabi ni Kisaki.


Hindi umimik si Hanma. Patuloy siya sa pag-yoyosi habang naghahanda si Kisaki sa pag-alis.


"6pm na. Aalis na ako."  Sabi ni Kisaki.


Tumango si Hanma.


"Wala ka bang ibang sasabihin?"  Tanong ni Kisaki.


"Ingat."  Ani ni Hanma habang binubuga ang usok ng kanyang sigarilyo.


"Babalik talaga ako para bayaran ka. Salamat." Sabi ni Kisaki habang papaalis ng bahay ni Hanma.


Nang makalabas ng bahay si Kisaki, patuloy siyang naglakad palayo.


"Haaah salamat, wala nang palamunin."  Sabi ni Hanma.


Napatulala si Hanma sa kawalan.


"Masaya ba talaga akong umalis na siya?"  Tanong niya sa kaniyang sarili.


Bigla niyang naalala ang mga sandaling kasama si Kisaki.


(Flashback)


"Hanma buksan mo tv nood tayo horror."  Pakiusap ni Kisaki.


"Anong horror ba gusto mo?"  Tanong ni Hanma


"Paranormal Activity maganda."  Sagot ni Kisaki.


Napatawa si Hanma.


"Ganda ng taste mo ah."

------

"Hanma, halika dito!!"  Sigaw ni Kisaki.


"Ano?"


Lumapit si Hanma kay Kisaki na nagluluto sa kusina.


"Masarap ba? Tikman mo nga."  Tanong ni Kisaki kay Hanma habang inaabot ang sandok.


Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now