◇ sixteen ◇ (birthday special)

43 8 6
                                    

"Parang tanga talaga 'tong taong 'to. Birthday na niya tapos walang plano."  Inis na sinabi ni Kisaki sa kaniyang sarili.


Pauwi na siya galing sa trabaho. Dumaan muna siya sa supermarket upang mamili ng lulutuin niya para sa kaarawan ni Hanma.


Matapos mamili ng ingredients, dumaan siya sa cake shop upang tumingin ng cake na ibibigay kay Hanma.


"Miss, ano po pinakamasarap ninyong cake?"  Tanong niya sa tindera.


"Sir, recommend ko po yung strawberry supreme. Hindi po siya masyadong matamis, pero masarap."  Sagot ng tindera.


"Magkano naman 'yan?"  


"600 lang po sir." 


"Oh sige isa nga."  Sambit ni Kisaki.


"Sir, ano pong isusulat nating dedication?"  Tanong ng tindera.


"Tumatanda ka na, Hanma."  Sabi ni Kisaki.


"Seryoso po ba kayo sir?"  Tanong ng tindera habang tumatawa.


"Oo naman. Pahingi rin ako ng tatlong kandila ah para I love you." 


------


"Ano 'yan?"  Tanong ni Hanma kay Kisaki nang makauwi na ito.


"Handa mo."  Sagot ni Kisaki.


"Parang tanga nagabala pa."


"Tulungan mo nalang ako magluto, puro ka reklamo."  Sambit ni Kisaki.


Tumulong si Hanma kay Kisaki sa paghahanda ng mga lulutuin. 


"Hiwain mo 'yang mga hotdog tapos gadgarin mo yung keso."  Utos ni Kisaki.


Makalipas ang ilang oras ng pagluluto, naihanda na nina Kisaki at Hanma ang mga pagkain.


"Tara na kain na tayo."  Aya ni Hanma.


"Teka."  Sabi ni Kisaki habang kinukuha ang cake na nilagay niya sa ref.


Inalis niya sa box ang cake at sinindihan ang mga kandila.


"Tangina, hindi mo naman kailangang ipaalala saakin na tumatanda na 'ko."  Sabi ni Hanma.


"Hanma, happy birthday. Magwish ka na."  Sabi ni Kisaki.


Pumikit si Hanma at saka inihipan ang mga kandila. Ngumiti siya nang makita niya ang reaksyon ni Kisaki.


"Tara na kain na tayo!!"


------

Iris // Kisaki x Hanma AUWhere stories live. Discover now