4th Chapter

71 3 0
                                    

Halos mahimatay ako sa ganda ng loob ng building este bahay ni Vic. It was like, woah o___O .

Napalingon ako kay Vic nang bitawan niya ang kamay ko. Bakit ganun? Parang mas nagging gwapo siya sa paningin ko ngayon?

Shems. Nadadala ng magandang ambiance ng lugar ang kagwapuhan niya. E ako kaya lalong gumanda dahil sa pangmayaman na background? Hehe.

Pero sa totoo lang, kyaaaaaaah!! Hindi ko ini-expect na ang yaman pala netong baliw na'to.

Bahagya akong napangiti because he impress me with these. Naks. Napapaspokening dollar ako.

"Follow me Eric." he commanded. Tapos yun pumasok na kami sa elevator.

Ilang minuto lang at *ting* (tunog ng elevator)

"Waaaaaaaah!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit medyo hindi ko pa nakikita ng mabuti ang loob, pakiramdam kong masisiyahan ako. ^___^

"Lower your voice." ahe panira naman ng moment tong si baliw. Seriously? Bahay ba 'to o mall? haha.

"K. Pero Vic hindi mo sa akin nabanggit na mala-mall pala 'tong bahay niyo noh?" buong puso kong sabi. Mehehe, with matching shining shimmering eyes pacute pa yan.

"Nah. Its not our house Eric."

Weh? "Sus, pahumble kapa diyan. Future wife mo naman ako kaya wag kanang nag-iinarte diyan." hehe, ako pa lolokohin niya.

"Hindi nga Erica. Kakulit. Tss." yan siya e, pag tinawag niya na ako sa buong pangalan ko it means seryoso siya o kaya galit.

"E kung hindi ano 'to?" tanong ko nalang nung pumwesto ako sa likuran niya. Busy kasi siya sa pagbukas nung pinto.

Hinintay ko siyang sumagot pero nanahimik ang loko. Kaya ayun, dahil nainis ako. Hinawakan ko siya sa buhok at ini-umpog ng ini-umpog ang ulo niya sa may pinto.

Wahaha. Dejoke, hindi ko ginawa yun. Malapit palang dahil sa tagal ng pagtype niya ng password para makapasok kami.

"May itatagal paba yan Vic? Ano paba kasing cheche buretse yang ginawagawa mo diyan?" sabi ko sabay silip sa pinipindot niya.

Medyo kumunot ang noo niya sabay tikhim. "Please, wait for awhile honey?"

Yan na naman siya, si Eric nga ako ye. Galing netong magsabi na makulit ako, siya nga tong paulit-ulit. Psh. Baliw na nga masungit pang madalas.

Tinalikuran ko nalang siya, nakakaloka siya e.

Then I saw something na nakapagpatayo agad sa balahibo ko.

"Kyaaaaaaaah! Ang laki nung gagamba! Ta-tapos nakatingin pa siya sa akin! Waaaah!" sigaw ko sabay takbo papasok nang bigla higitin ni Vic ang braso ko.

Pero gumana ata ang adrenalin rush ko kaya nagging malakas ako this time, paghawak ni Vic sa braso ko ay natangay ko siya.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, na-out of balance ako.

This time, slow motion ang mga nangyayari.

Ako na pabagsak sa sahig habang nakatitig sa mga mata ni Vic. Ngayon ko lang napagtanto na may pagka-singkit pala siya.

Ang ganda ng mata niya, sabi ng utak ko. Oh shems. Tapos titig na titig pa siya sa akin ngayon.

Nagliliwanag ang buong mukha niya. I can't help myself to stare at him. JuiceColored, ang buong mukha ko po ay nagiinit. Why so gwapo ngayon Vic? Sumisikip ata ang dibdib ko, feeling ko hindi ako makahinga. Shets.

Dahil hindi ko na ma-take ang kabaliwan sa isip ko, I closed my eyes at dinama ang pagbagsak ko sa sahig.

Okay lang sana pero, "Ouch." daing ko, masakit ang lagapak ko lalo na dahil may something na nakadagan sa akin na super bigat.

Eyes of EbaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang