9th Chapter

22 3 0
                                    


"Reen Erica Pascual!"


Si Vic yan, galit na galit na siya dahil halos isang oras na ata siyang nagsisisigaw sa labas. Ayaw ko kasi siyang papasukin dito sa kwarto namin.

Waaaah. Kasi naman pumayag siya na hindi ituloy ang kasal. Huhu


Dahil din sa kadaldalan niya kaya nalaman nila Ina yung about sa ulo kong may benda. Ikwento daw ba na naaksidente kami. Huhu, ayun hindi pumayag sila Ina na ituloy ang kasal dahil sa kalagayan ko.


Alalang-alala ko pa kung paano siya nagmayabang na sabihin lahat sa mga magulang ko.


~FLASHBACK~


Nagising ako nung maramdaman kong ihiniga ako ni Vic sa kama.


>mulat-mata<


"Okay naba ang pakiramdam mo? Do you still feel dizzy?" kalamadong tanong ni Vic. Ang lapit naman ng mukha niya, nakakailang.


"H-hindi na." ayan at nautal na nga ako. Ba't ba kasi tuwing malapit sa akin 'tong si Vic kinakabahan ako. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.


>blaaaaaag!


"Ay puso!!" muntik na akong mapalundag dahil sa paglagapak ng pinto.


Mabilis na lumapit sa amin si Ina at Ama,"Anak ayos ka lang ba?" bakas sa mukha ni Ina ang pagaalala.


Ako ayos? Nasugatan lang naman ako sa paa, grabe naman.


"Ina okay lang ako, medyo malaking hiwa lang naman sa paa ang nakuha ko dun sa kanina."


"Tss. She's not okay. Actually she feels dizzy becauseof her head injury."


Aba't! Dire-diretso ang dila nitong lalaki na'to. Huhu,ayoko nga ipaalam kila Ina ang tungkol dun.


Kumapit ako sa braso ni Vic tapos pasimple siyang kinurot sa tagiliran. "Ah-eh..Hehe, joke lang po yung sinabi ni Vic. Diba bee?"sabi ko tsaka siya sinamaan ng tingin.


"Nah, it's true."


Arggh! "Vic naman e." Mukhang naghihinala na sila."Erica!" pagsaway ni Ina kaya wala na akong nagawa kung hindi mag-pout.


Seryoso at kalmado namang nakisali si Ama sa usapan. "Pakipaliwanag sa amin kung ano ang nangyari at may benda sa ulo yang si Erica."


Si Vic naman nakakangiti pa. Patay nako neto dahil sa kadaldalan niya.


"We met some problems on our way here. May nagbanggaan po yung kotse sa harap namin at yung bus na kasalubong niya."


Eyes of EbaWhere stories live. Discover now