1st Chapter

137 5 0
                                    


Waaaaaah. Anong buhay na ngayon ang gagawin ko.

Nasunog na ang lahat ng mga naipundar ko.

Ang bahay, kotse at ang pera ko na nakatago sa cabinet. Huhu.

Kaya ngayon andito ako sa isang kalye na mausok at mabaho. Magisa at walang kasama. (T^T)

At higit sa lahat mababaliw na ako.
Mababaliw sa kakatawa dahil joke lang talaga yung nasunugan factor. Hehe.

Ang katotohanan ay busy lang ako sa paglalakad para makatipid sa gas. Mahal na din ang pamasahe kaya no choice kung hindi mag-walkaton ako.

Masaya na sana ang paglalakad sa mausok at tahimik na kalye nang biglang nagbago agad ang maganda kong mood ng may maliit na piraso ng alikabok ang pumasok sa mata ko na naging dahilan para mapapikit ang kaliwang bahagi nito.

"Huh! Shit! Shit!" todo sigaw ko. Anak ng pusang mahapdi sa mata. Naghe-hystetical na talaga ako sa pagtanggal ng mahapding bagay na pumasok sa mata ko. Napapalundag na ako sa hapdi, naibaba ko na din ang bagpack na dala ko, naibalibag ang laptop na hawak ko at nahubad ang t-shirt at shorts na suot ko at-at sasabihin ko sa inyo na joke lang ulit yung sinabi ko. Hehe

Ang totoo, sumandal lang ako sa isang malambot na bagay para maalis ang pumasok sa mata ko gamit ang panyo.

1 minute.
.

2 minutes.
.

3 minutes.
.

Whoo. Success ang pagtanggal ng mahapding bagay sa mata ko. *winks*

"Ahem." Isang malaking boses mula sa sinasandalan kong malambot na bagay.

Nagulantang ang puso ko este ang diwa ko ng makita ko na isang macho, ah eh lalaki pala ang sinasandalan ko.

*pacute smile* (^__^) - ako.

(^__^) - siya.

Kyaaaaaaah! Mas cute siya pag nakangiti.

"Are you okay miss?" Ang lumanay ng boses. Eeeh. Ang sweet pa. Geh. Ang landi ng isip ko ye noh?

Tumango lang ako with matching yuko at pagpilipit pa ng katawan sabay hawi ng buhok sa tenga ko. "Y-Yes, I'm okay lang." huh, aaminin ko ang landi ko talaga. Sabagay, ikaw ba naman makatagpo ng gwapong lalaki sa mausok at mabahong kalye e kung hindi ka mautal at magpacute sa harap niya. Geh push ko pa.

"Mabuti naman kung ganun."
Lumuhod siya sa harap ko at may singsing na kinuha. Yeee. Ang gentleman, nahulog ata ang singsing ko at pinulot niya pa.

"Say YES" sabi niya.

"Bakit?" takang sagot ko.

"No why's. Just say yes."

Aya? Pag-gwapo ba pwedeng magutos ng kung anu-ano lang? Geh na nga, gwapo naman talaga siya.

"YES" walang emosyon kong sabi. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing dito.

"Naks. Ang sweet niyo naman. Proposal sa kalye?!" sabat nung lalaking nagdaan.

"Proposal?" bulong ko ng makatayo siya.

Ngumisi siya at lumapit ng kaunti sa akin, "Yah. Our wedding will be on the next day"

Pagkarinig ko ng sagot niya ay rumihistro agad sa akin ang katotohanan na pilit sumasampal. Bakit nga ba ako nag-assume na singsing ko ang pinakita niya nang lumuhod siya? E wala naman akong singsing, bracelette palang ang nabibili kong alahas. Pang tatlo pa sa pangarap ko ang makabili ng singsing. Patay tayo dito.

O-H-M-Y-G-O-D! Singsing? Proposal? Tapos ngayon wedding??

Putcha naman oh, kapag sinuwerte este minamalas ako. I'm only 20 years old tapos ikakasal na ako agad-agad? Hindi ba pwedeng 21 naman? Hehe

Eyes of EbaWhere stories live. Discover now