5th Chapter

62 2 0
                                    


Sa loob palang ng sasakyan halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

Kaya ngayon na eto na kami sa may dining table, kaharap ang magulang ni Vic pakiramdam ko nalaglag na yung puso ko sa sahig. shetness.

Breath taking ang pagharap ko sa kanila. Nangangapa pa ako sa mga dapat kong ikilos.

Bawat kilos ko, titingin muna ako kay Vic. Ang baliw naman ayun at ngumingiti lang.

Amfufu. Hindi ako sanay sa ganito katahimik at kapayapang pagkain.

Tapos kung kumain sila ang bagal, kinse minutos ata nilang nginunguya ang bawat pagkain.

Kaya ang kinalabasan, gutom parin ako kahit ang tagal naming kumaen.

Sinisigaw ng instinct ko na hindi ako gusto ng mga magulang ng baliw nato. E kasi naman nakakaalarma ang reaction nila kanina.

*Flashback*

"Inhale, exhale." - si Vic na pinapakalma ako.

Andito na kami sa harap ng pintuan ng mansion nila? Ewan kung anong tawag dito. Parang building na masion e. May pagkamodern kasi ang design.

"Are you okay now? Pwede na tayong pumasok sa loob?" tanong niya habang isinasabit ang kamay ko sa braso niya.

Sh*t. This is it pansit. "Oo, yes. Ready na ako Vic"

Tapos parang magic word ang sinabe ko dahil agad bumukas ang pinto.

Gusto kong sumigaw sa ganda ng nakikita ko pero ang formal ng ambiance kaya wag nalang.

"Good Evening Dear." - bati ng isang magandang babae na sumalubong kay Vic.

She give him a peck  on the cheeks.

"Hey son." bati din naman ng isang gwapong lalaki na kakalabas lang ng elevator.

Sowsyal. May elevator pa. Hehe.

"Good Evening Mommy and Pards." - Vic.

So, ayun. Nanay at Tatay niya nga yun. Nakakahiyang lumapit sa kanila. Parang mababahiran sila ng dumi. Shetness.

"Ahm. mom, pards this is Erica."

Shets. Awkward moment overload. Geeez.

I give them a smile.

"She is my wife to be." dugtong ni Vic. Nakakailang yung mga tingin nila sa akin.

Tinaasan ako ng kilay ng mommy niya. "Fiance." he stated while giving me a death look.

"Yeah. She is my fiance." sabay higit niya sa akin. "Right?" dagdag ni Vic na parang gusto niyang may gawin ako.

"Opo. Ako po si Reen Erica Pascual. Nice to meet you po."

Huh! Grabe. Hirap naman ata nila pakisamahan.

Nakangiti ng malaki sa akin yung tinatawag na Pards ni Vic. Parang baliw din, pareho sila. Ang weird.

"So, what's your job?" medyo natatawa pa siya. Ba't kaya? May nakakatawa ba sa itsura ko?

"I'm a fashion designer/wedding planner. For now, I'm taking up tourism." yeah. What a boring introduction.

"Oh I see. You're a fashion designer but you do not know how to complement your dress and shoes."

Napatingin agad ako sa suot kong damit pagkasalita ng nanay ni Vic. Nyemas. Same color lang naman aa? Huhu. Parang inaapakan na ang puri ko.

"Mom, we're not here for your critism." sabat naman netong baliw na si Vic. Haay. Buti nalang at umimik siya, kundi nasagot ko na siguro ang babaeng 'to.

Eyes of EbaWhere stories live. Discover now