6th Chapter

82 2 0
                                    

"Lumayas ka sa harapan ko Vic! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" syet. Pang best actress ang drama ko.

"Hindi Eric, hanggang hindi mo ako pinapakinggan hindi ako aalis. Hindi ka makakaalis."

Okay. Yun lang naman pala ang kailangan e. "Sige eto nakikinig na ako."

"Erica I just----"

"I changed my mind, sige layas na. Ayoko pala talagang makinig sa sasabihin mo." tsupi. Lumabas kana Vic bago ko pa maibalibag ang lampshade na malapit sa akin.

Sobrang nakakainit ng dugo ang scene na nangyari kanina. Yung tipong sweet scene na naging bitter. Syet. Kung hindi lang dumating yung Clianna na yun.

"Please Erica give me chance to state my side." sus. adi panalo na siya pag hinayaan ko siyang ganun. Lawyer kaya siya, takot ko lang maratrat ng mga dahilan niya.

Hindi ko na siya pinakinggan, nahiga ako sa kama saka tinakpan ang magkabila kong tenga.

Maasar ka nga, psh. La-La-La .. Todo kanta at sipol lang ako para lumubay o kaya lumabas na siya ng kwarto.

Pero, naknang. Ayaw talaga. Nanatili lang siyang nakatayo malapit sa pinto, nakayuko at topless.

Woah. Ngayon ko lang naalala na wala siyang tshirt. Bigla tuloy uminit ang buong mukha ko, nagflashback kasi yung nangyari at muntik ng mangyari kanina.

Agad kong kinuha ang unan at itunakip sa mukha ko. God! Kyaaah! Nakakahiya pala.

Tahimik na sa kwarto, siguro nagsawa na siyang mangulit. Psh. Ano ba kasing pakialam ko sa Clianna na istorbo na yun na biglang nagwalk-out kanina. Ba't kailangan niya ipaliwanag.

Sinubukan kong tanggalin ang unan sa mukha ko at parang surprise na tumambad sa akin ang mukha ni Vic.

"Waaah! Ang lapit mo. huhu." biglang pikit ko sabay cross fingers.

"Gusto ko lang naman sabihin na kapatid ko si Clianna, nakatatandang kapatid."

With that, natuhan ako. Mas okay nga pala na sinabi niya sa akin yung about kay Clianna.

"Sus. E ba't ang ganun ka OA ang reaksyon niya kanina?"

"It's because I'm one of the Ate's boy." natatawang sabi niya bago humiga sa tabi ko.

Luh? Mama's boy na nga siya tapos ngayon Ate's boy pa. Hindi naman siya ganun kamahal ng pamilya niya. Haha.

"Okay." Tumalikod ako ng higa sa kanya. Kung kanina niya pa sinabi yun adi sana kanina pa ako tulog.

Aww. Ang sakit na ng mata ko, I need some sleep. I was about to close my eyes when he speak. "Tulog kana agad?"

"Psh. Makakatulog na sana kaso nagsalita kapa."

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Okay, Goodnight honey."

Eto na naman siya, "Goodnight bee." sagot.

"What? Anong bee?" gulat na tanong ni baliw. Hindi niya ba nagets? Ginagantihan ko lang naman siya sa kakatawag niya sa akin ng honey. Bobo, naturingan pa naman na lawyer. Tss.

Hindi ko na siya sinagot, hahaba na naman ang usapan e. Antok na talaga ako.

*

Kinabukasan, nagising nalang ako na may mabigat na nakadagan sa akin.

Hanep din tong si baliw e. Makikitulog nalang nga, ginawa pa akong unan.

Tumayo akong biglaan para matanggal ang pagkakayakap niya sa akin, but in the end sumakit lang ang ulo ko. Nabigla ako sa pagtayo.

Eyes of EbaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt