7th Chapter

78 3 0
                                    


Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko? o siya bang kumakatok sa puso ko.

Hmm. Bakit parang naiba yung kanta sa bago ako mapikit sa antok? Parang english yung kanta bago ako pumikit.

Haaay. Siguro nilipat ni Vic. Ayst. Dahan-dahan kong ibinangon ang katawan ko.

Ang hirap imulat ng mata ko parang sobrang kirot ng ulo ko. huhu.

Sinong pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?

Grabe naman si Vic, ang baduy niya talaga kahit kelan pumili ng kanta. Undecided ba siya? May iba ba soyang gustong pakasalan bukod sa akin? Grrrr. Masakit na nga yung ulo ko tapos ang panget pa nung sounds, nakakainsulto pa. Tss.

Dahan-dahan akong sumandal at iminulat ang mga mata ko. Gigil na akong sigawan si Vic dahil sa panget niyang choice of music.

"Vic ang panget naman ng------

o_______O

Nasaan ba ako? Kaninong kwarto 'to?

Inilibot ko ang mata ko at napako ang tingin ko sa malaking salamin sa gilid ng kama.

Mabilis akong napahawak sa ulo ko.

"A-anong na-nangyari?" bulong ko. Bakit ako may benda sa ulo? Hindi kaya, Oh my!

Naalala ko na, nabangga ang kotseng sinasakyan namin kanina. Natatandaan ko pa na nakita ko ang dugo sa kamay ko bago ako mawalan ng malay.

Pero teka? Hospital ba 'to? Bakit parang nasa isang condo ako? Hindi kaya bagong style ng hospital 'to.

Wow ha, ang talino ng nakaisip infairness.

Tumayo na ako at sinimulan maglakad palabas ng kwarto. Pakiramdam ko naman na hindi ganun kalala ang tama sa ulo ko kaya mukhang maari na akong maglakad-lakad.

Bumaba ako ng hagdan. Doon ko nalaman na hindi pala talaga 'to hospital. Bahay ata, pero diko parin sure malay natin modern hospital style bahay 'to diba? Hehe.

Walang tao sa living room pero naka-on ang player with mega speaker. Kaya naman pala rinding-rindi ako, ang laki pala nung pinanggalingan nung music.

Ini-off ko yung player kasi nga rindi na ako sa baduy na kanta. Ibinaba ko sa mesa yung remote.

"Hoy!"

"Anak ng lola mong panat!" grabeng makasigaw 'to. Nagulat ako ng todo sa kanya. Pero gwapo siya. hihi.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni guy sa harap ko.

Tanga din 'to e. "Pinatay yung player, dimo ba nakita? Kabababa ko nga lang nung remote diba?" Tss. May mata naman siya e.

"Pilosopo." he grinned.

Ano daw ? Ako pilosopo. Aba't. "Hoy mister hindi ako pilisopo noh! Sino kaba kasi ha?!" sigaw ko.

Poker face lang naman si guy. Problemado kaya siya? Hindi siya ngumingiti e.

"None of your bussiness weird."

Talagang ginagalit ako netong, "Loko ka pala e. Siguro ikaw yung nakabangga sa amin noh? Tapos hit and run ka, pero ang kaibahan lang tinangay mo ako! Ikaw ang gumawa sa akin neto noh!"

"Hindi ako ang may gawa niyan sayo! at anong hit and run sinasabe mo? Tinulungan na nga kita dyan, dapat magpasalamat kapa nga."

"Naku, palusot kapa e. Huli kana boy, umamin kana kasi bago pa ako tumawag ng pulis."

Umamin kanang lalaki ka. Siguradong ikaw ang may kagagawan ng aksidente, nagmamabait kang gamutin ako para hindi ako magsampa ng kaso.

"Bahala ka nga dyan. Weirdo."

Eyes of EbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon