Chapter Ten: Trust Nobody

Start from the beginning
                                    

I smiled and pointed at my right desk. "Pakilapag nalang dito, Mia."

Tumango ito at saka inilapag ang mga papeles na nasa lamesa ko. Lumabas na siya at napatingin ako sa salamin ng building. Nasa 24th floor ako kaya may view ako ng lungsod.

May kumatok ulit sa pinto tapos narinig kong nagbukas ang pinto.

Umupo ako sa upuan ko then signaled her to sit on the couch. She sits down then I lightly smiled at her.

"Jace. We need to talk."

I furrowed my brows and leaned on my chair. "Go on."

Napatingin si Luna sa sahig tapos nagsimulang umiyak.

"Tulungan mo ako. Alam kong sinisiraan na ako ni Tanner sayo kaya lumalapit na ako sayo kasi hindi ako ang pumatay kila mama."

Sumandal naman ako paharap sa lamesa ko at tumitig lang sakanya. "Ano ba ang kailangan mong gawin ko?"

Tumingala siya tapos nagpatuloy siya sa pagpigil ng iyak. "Hindi ko kakayaning patayin sila. I love them with all my heart and nothing can change that. And why would I ever kill my parents? Si Tanner, may plano siya na patumbahin ako. I just don't know what, how and when." She then continued sobbing into her palms.

Tumayo ako at tumabi sa kanya. I started rubbing her back trying to comfort her. "Luna, 'di ka sasaktan ni Tanner. Mabuting tao si Tanner and 'di ka niya sasaktan."

Hindi ko na alam sino dapat kong paniwalaan pero kailangan kong magplano para sa susunod kong gagawin.

"I just wish I could believe that." She speaks.

Me too Luna. Me too.

I drove Luna back to her place and then went to a KFC because Kendra has been craving chicken KFC for days now. Malayo layo yung KFC kaya ngayon lang ako nakapunta. Siguro nasa 40-minute drive din ang pagpunta ko doon.

Umalis na ako at tumawag kay Kei. After five minutes, 'di pa sya nasagot. Baka nakatulog siya.

Malapit na ako makarating sa bahay nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita kong hindi nakasave ang number niya sa cellphone ko. Ngayon ko lang yata nakita itong number aya sinagot ko ito.

"Good evening po. Sino po sila?"

Nothing. There was no response.

"Hello?" Tanong ko ulit.

Ibababa ko na sana yung call nang biglang may nagsalita. It was a child's voice that gave me creeps.

"I am a baby. and I am dying. The torture, oh boy, now I'm crying." She says then quickly hangs up.

I gulped and started to speed up. Sa sobrang kaba parang nararamdaman kong nasa leeg ko na yung puso ko.

What does that mean?!

I reached the house and rushed inside. I unlocked the door and started shouting. "Kendra? Baby nasan ka na?"

Walang sumagot. Ang tanging naririnig ko ay ang TV namin. Pumunta ako sa sala at ipinatay ito. "Kendra?" Tawag ko ulit sakanya.

"Kei? Nasaan ka ba. Hindi nakakatuwa yung pagtatago mo."

Napamura ako. Hinding-hindi gagawin iyon ni Kendra dahil hindi niya kayang makipagbiruan sa sitwasyon namin ngayon.

Pumunta ako sa kusina ngunit walang tao. Pumunta naman ako sa kwarto namin sa taas pero wala pa rin.

"Kendra!" sumigaw ako muli. "Kendra 'di ka na nakakatu- SHIT!"

Pagkabukas ko ng guest room, doon ko nakita ang katawan ni Denise na nawawalan ng mga kamay.

Di ako makagalaw. Gusto ko umalis but I'm stuck in place.

Bakit! Bakit ba nangyayari ito?!

My inconsistent breathing is the only thing I hear. Hirap akong lumunok ng sarili kong laway. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbuo ng luha sa mga mata ko.

Parang tumigil ang mundo ko nang tumingin ako sap aa ni Denise. W-wala itong mga daliri sa paa!

Kailangan kong ito report sa pulis!

Bigla akong napatakbo pababa pero pagkadating ko sa babang hagdanan ay nanlaki ang mga mata ko.

Hindi. Hindi pwedeng mangyari ito. Bakit siya pa?!

"Hi, Jason. Siguro nagulat ka sa ginawa ko kay Denise. I mean, ang ginawa ni Kendra." She says in a flirtatious tone then laughed like the psychopath that she is.

"Isusumbong kita sa pulis!" Sigaw ko sa kanya.

"You won't be able to lover boy. You are stuck with me and I have better plans."

Yet before I could run out of the door, I felt a rush of pain at the back of my head. Parang tinamaan lang ako ng baseball bat.

Bumagsak ako sa sahig at unti-unti na akong nawawalan ng malay dahil sa lakas ng impact. Doon ko nakita ang dalawang taong 'di ko aakalaing nasa likod ng lahat ng ito.

"Sleep well, my love. Makikita mo rin bukas si Kendra."

And before I knew it, I blacked out.


Unwanted Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now