≠ 32

11 1 0
                                    

Tumindi ang panginginig ng kamay ko. "Huwag niyo pong itutuloy 'yan, parang a-awa mo na..." Pakiusap ko pa.

Maging ang hininga ko ay warig-warig sa takot. Hindi magkaintindihan ang buong sistema ko sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin ngayon.

"I-I promise, kapag pumayag kang bumalik sa ospital, kapag gumaling ka na... S-Sasama ako sa 'yo..." Sabi ko.

Ito na lang ang naiisip kong paraan. Ang tanging pag-asa ko para hindi niya ituloy ang balak.

"A-Alagaan at bibisitahin kita roon, pangako, Ma. Tutulungan kitang g-gumaling para makapag-usap tayo kaagad."

Mabigat ang paghinga niya. Sinusubukan ko siyang pa-kalmahin para ibaba niya ang matalim na bagay na hawak niya at walang masaktan.

"Pag-uusapan natin lahat, okay? Aayusin natin ang mga hindi pagkakaintindihan between us." Dagdag ko pa.

"Kaya sige na, Ma, s-sasamahan kita."

Ang blangkong ekspresyon niti ay napalitan ng galit. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang nagmamadali siyang lumapit habang nakataas ang kutsilyong hawak.

"Ma, huw- ah!"

Napadaing ako tumama sa tagiliran ng tiyan ko ang kutsilyo. Agad kong hinawakan iyon at sinapo sakaling mapipigilan nito ang pagdugo.

Hindi ko iyon magawang tingnan dahil sa trauma rito. Hindi masalo ng kamay ko ang dugong lumalabas dahil labis na manginginig.

Hindi maipaliwanag na sakit ang nararamdaman ko sa nangyari. Sunod-sunod na daing ang ginawa ko dahil hindi ko mapigilan sa sobrang sakit.

"Hindi na ako babalik sa walang kwentang ospital na 'yon!"

Nanghihinang tiningnan ko siya. Hindi na kinaya ng kamay kong tumuon pa kaya tuluyan akong napahiga sa sahig.

"M-Mama..." Mahinang sambit ko.

Napapikit ako nang makita ang mga luha niyang nag-umpisa nang tumulo. Hinihingal na sinapo ko ng dalawang kamay ang tagiliran, nanatili akong nakapikit.

"Ang Papa mo..." Hinayaan ko siyang magsalita.

I closed my eyes as tears began to flow again and again. Hindi ko na alintana ang sakit ng saksak. Mas masakit ang tinik na hindi manunot-bunot sa aking dibdib.

Ang sugat na iniwan ng sarili kong ina.

"M-May ibang pamilya siya..."

Roon lang ako napamulat. Hindi makapaniwalang tumitig ako kaniya at dahan-dahang umiling. Bumigat pa lalo ang aking paghinga.

Si Papa... hindi niya magagawa 'yo. Hindi siya gano'ng klase ng tao.

"Hindi, h-hindi niya magagawa 'yon..." Nanghihinang tugon ko.

"Kung inaakalang mong nag-iisa ka at buhay prinsesa, nagkakamali ka."

"May ibang pamilya siyang sinusustentuhan gaya mo kaya ko siya iniwan. Kaya ko kayo nilayasan. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon, ha? Ipinaglaban ko siya sa pamilya ko pero nagawa pa rin niya akong maloko!"

"Hindi mo alam kung gaano ako naghirap at nagtiis ng ilang taon, makuha at makasama ka lang. Nawala na nga sa akin si Astra, pati ba naman ikaw kukunin at sosolohin niya?!"

Umiling ako at muling bumagsak ang ulo sa sahig. Mariin kong ipinikit angga matang patuloy na lumuluha.

"Napaka-makasarili ng tatay mo! Ipinagdamot niya sa akin ang ka-isa-isa naming anak na hinihiling ko kahit ibinigay ko sa kaniya ang lahat! Inilayo ka niya sa akin, Asthrea..."

Labis na galit lang ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon pero alam kong masakit ito para sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin, ang dapat maramdaman. Hindi ako makapaniwala.

"N-No. He c-can't do that. P-Papa is not like that."

Umiling siya ng maraming beses at muling tumingkayad sa tabi ko. Alam ko ang pwede niyang gawin pero wala akong lakas para lumaban, hindi ko na kaya.

"He already did."

"Ah!"

Hindi pa siya nakuntento at sinaksak ulit ako ng kutsilyo sa tiyan. Naglabas ng maraming dugo ang bibig ko, umaapaw rin ang nasa tagiliran at bagong saksak sa tiyan ko.

"Mahal kita, Asthrea... Pero kung patuloy mong kakampihan ang lalaking sumira ng buhay ko, hindi ko maaatim na makasama ka pa. Nasasaktan ako dahil hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at i-kwento ang lahat."

"Nasasaktan ako kasi hindi mo ako itinuring na ina... na naging masama ako sa paningin mo dahil sa kaniya..."

Mama...

Sanggol pa lang ako, wala na ang nanay ko sa tabi ko. Ang Papa ko ang tumayong ina, ama at kapatid sa akin dahil nag-iisa lang akong anak at kasama niya sa buhay.

Ilang taon na rin ako nang malaman kong may kapatid pala ako ngunit patay na. Namatay siya, dalawang buwan pa lang dahil sa kumplekasyon habang pinagbubuntis siya ni Mama.

Astra Vinzon. Isang taon mahigit sana ang tanda niya sa akin kung nabubuhay pa siya ngayon.

Ang sabi sa akin ni Papa, matapos mamatay ni Ate ay nawala na sa sarili si Mama. Nang mabuntis ulit si Mama sa akin at maipaganak ako, pansin ni Papa na hindi pa rin siya normal.

Tinatawag pa raw ako nitong Astra kahit napag-usapan nilang Asthrea ang pangalan ko.

Habang tumatagal ay nagiging delikado si Mama base sa kwento ni Papa. Hanggang sa gumawa siya ng desisyon na ipa-admit na sa mental hospital ang nanay ko.

She stay their for almost 5 years para gamutin at magpagaling. Pitong taong gulang ako nang una kong masilayan ang mukha ng nanay ko sa personal.

Mula noon, hinabol niya ako ng hinabol. Ilang beses niya akong sinubukang kunin sa Papa ko. Nagawa na niyang itakas ako sa school at pumuslit sa bahay para lang makuha ako.

Sa gulang din na iyon, nalaman ko kung gaano kahirap ang naging pagmamahalan ng mga magulang ko.

Si Mama ay nakatakdang ipakasal sa lalaking hindi niya naman mahal. Ipinaglaban niya si Papa sa kaniyang ama hanggang sa makasal at magsama sila.

Dalawang taon ang nakalipas, namatay sa isang aksidente ang Lolo ko na natitirang magulan ni Mama. Kasal na sila ni Papa noong mga oras na iyon.

Matapos ang pagkamatay ni Lolo, kasabay naman ng pagkabuntis ni Mama sa panganay nilang si Ate Astra. Depress pa siya noon sa nangyari sa ama.

Ang alam ko lang ay pinabayaan niya ang pagbubuntis niya, hindi nito inisip ang bata sa sinapupunan kaya nagkaroon ng kumplekasyon kay Ate nang maipanganak siya.

Sa tagal ng ipinamalagi ni Mama sa ospital, gumaling rin ito. Pero dahil pinoprotektahan pa rin ako ni Papa sa kaniya, hindi niya hinayaang makasama ko si Mama dahil sa trauma.

Siyam na taong gulang ako nang mangyari ang pinaka hindi makakalimutang parte ng buhay ko. Madaling araw rin noon ng sumugod si Mama sa bahay namin sa Manila.

Nakatamo ng pitong saksak sa katawan si Papa mula kay Mama sa mismong harapan ko. Sa dami ng dugo noon, halos maligo na rin ako sa dugong inilalabas ni Papa.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman noon ngunit hindi ko pa rin makakalimutan ang sandaling 'yon.

Nang mamatay si Papa, doon nagsimula ang galit ko kay Mama. Kinuha ako nila Lolo at Lola na magulang ni Papa at isinama sa Rizal para doon na tumira.

Ibinalik sa mental hospital si Mama sa halip na sa kulungan mapunta dahil sa sakit na iniinda. Hindi ko alam kung gaano siya katagal doon at kung kailan siya lumabas.

Mula nang araw na iyon, inalisan ko na siya ng karapatang maging ina sa akin.

The Stars Is Alive For All Where stories live. Discover now