≠ 19

4 1 0
                                    

"Okay ka lang?"

"Oo, thank you."

Ang bilis ng pangyayari kanina.

Ang lalaking ka-grupo ko ay bigla na lang siyang nilapitan at sinuntok dahil sa hindi magandang pakikipag-usap sa nakababatang kapatid pala nito.

Pumutok tuloy ang labi niya.

"Sorry,"

He smiled. "Hindi mo kasalanan. Ang babaeng 'yon-" I cut him off.

"Oh, tama na. Tapos na 'yon, okay na." Pagpapakalma ko sa kaniya.

Halatang naiinis na naman, e.

Kumain lang kami ng tanghalian bago napagpasyahang magpahinga muna at matulog sa room dahil medyo napagod rin sa laro kanina.

Nakatulog ako agad dahil puyat ako kagabi. Nagising ako ay bandang alas-kwatro na. Wala si Taki sa loob, siguro ay naglalakad-lakad sa labas.

Pinusod ko ng pa-messy bun ang buhok at nag-tsinelas bago lumabas para hanapin si Taki.

And there I saw him. Naglalakad-lakad sa tabing dagat. Mukha pang malalim ang iniisip, nakabangga tuloy siya ng tao kaya napatakbo ako ng wala sa oras.

"Uy, anong nangyayari?" Salubong ko agad.

"Sabog pa, kagigising ko lang rin, e." Natatawang aniya.

Napailing na lang ako. Sinamahan ko na siyang maglibot. Baka mamaya ay may mabangga na naman siyang kung sino rito. Ang hapon na 'to talaga.

"Ligo tayo sa dagat? Hindi na mainit, oh."

Sumang-ayon naman ako sa inalok niya. Hindi kumpleto ang bakasyon na 'to ng hindi kami nakakalublob sa tubig dagat.

Bumalik kami sa kwarto para magpalit. Nagpalit na lang ako ng itim na cycling at iyong oversized ko na dilaw. Ayoko ng bikini at hindi ako magsusuot noon kahit kailan.

Inayos ko ang buhok ko at sinuot ang tsinelas. Lumabas si Taki ng cr na naka-white shirt at swimming trunks lang. May suot pang shades ang hapones.

May kinuha siya sa maleta niya, monopad at phone niya. Habang naglalakad kami paounta sa dagat ay inaayos na niya 'yon, tinesting niya pa at epic ang itsura ko dahil walang pasabi.

"Cute mo," kumento niya matapos makita ang litratong epic ako.

Nauna siyang lumusong, hinayaan ko naman siya. Ang lamig kasi ng tubig ngayon, buti na lang at medyo pawisan ako, masarap pang maligo kapag gano'n.

Nang tawagin niya ako ay sumunod a rin ako. Panay ang kuha niya ng litrato kaya nagtakip agad ako habang palusong dahil sa akin nakatapat ang cellphone niya.

"Smile, Asthrea, smile..."

Hindi ko siya pinansin at nilangoy ang distansiya namin. Pag-ahon ko, saktong nakarinig ako ng sunod-sunod na pag-click ng camera. Ang pasaway talaga nito.

"Picture naman tayo, kahit isa lang."

Pinagbigyan ko na ang nakangusong hapon sa harap ko. Pumwesto ako sa tabi niya at ipinatong ang siko sa balikat niya, hindi ko pa siya maabot sa tangkad.

Ngumiti ako at gano'n din siya. Hindi pa nakuntento sa isa, napangiwi ako sabay lagay ng kamay sa medyo taas ng mata para takpan ang sikat ng araw na tumatama sa akin.

Ang sakit sa mata. Tuwang-tuwa naman siyang kumanan ako ng stolen slash epic pictures. Grabe na talaga.

Tahimik ako nagbabad sa tubig ng bigla akong wisikan ng tubig ni Taki. Kababalik niya lang galing sa cottage dahil ibinaba niya roon ang phone at monopad na hawak kanina.

Napabangon tuloy ako at ginantihan siya ng wisik ng mas maraming tubig. Nag-gantihan lang kami at nag-wisikan na parang mga batang tuwang-tuwa sa tubig.

Ngayon ko lang na-experince 'to, only child, e.

"Ang ganda, oh,"

Turo ko sa tumpok ng mga ibon na lumilipad pabalik balik sa tapat ng palubog na araw.

"Like stars, like you..."

May binulong siya pero hindi ko narinig. "Huh, ano 'yon?"

Umiling siya at hindi na inulit. Hinayaan ko na lang, baka naman hindi importante dahil hindi na niya inulit pa.

Nag-uunahang umupo kami sa buhanginan matapos maka-ahon sa dagat. Tawa pa ng tawa kaya halos gumapang na, mauna lang makaupo sa buhangin.

Alas-sais na pala.

Pinagmasdan lang naming tuluyan nang lumubog sa araw at dumilim ang kapaligiran. Ang tahimik ng paligid. Ang sarap pagmasdan ng langit at mga bituin mula rito.

Napangiti ako. Papa, ngayon lang ulit sumaya ng ganito ang anak mo, oh. Mula ng sunduin mo sila Lolo at Lola, ngayon na lang ulit nangyari 'to.

"Talking to your father through your mind?" He asked.

I nodded. Ang galing naman niya.

"Hi, Tito. I'm Takeshi po pala kung hindi pa ako ipinapakilala ni Asthrea sa inyo." Pagkausap niya sa taas.

I already did, hindi mo lang alam.

"Payag naman po siguro kayong ligawan ko ang anak niyo, 'di ba? 'Yong anak niyo po kasi, payag na,"

Nahampas ko siya sa gulat. Pumayag ba ako? Siya kaya mismo ang nagpumilit!

"Ikaw talaga, baka maniwala si Papa! Ikaw naman ang may gusto, e." Bulyaw ko rito.

"So ayaw mo? Napipilitan ka lang?" Bwelta niya pa.

Napabuntong hininga ako. Magtatampo na naman ba siya kapag sinabi kong oo? Pero hindi naman ako napilitan lang.

"Hindi naman..." I chuckled. "Hindi mo kasi ako binigyan ng time mag-isip." Pangangatuwiran ko pa.

Baka naman kasi isipin niya ay gustong-gusto kong sumama para makasama siya.

"I can't wait any longer, Asthrea." He asnwered.

Natahimik kami. Binalot ko ang sarili sa tuwalya, medyo nilalamig na pero ayoko pang umalis rito. Si Taki naman ay kinukuskos ng tuwalya ang buhok niya.

"Why?" I asked out of the blue.

Nilingon niya ako. "Hmm?"

"Why me? Ang dami namang iba riyan,"

"Bakit pa ako hahanap ng iba kung nariyan ka na? Asthrea is enough, I don't need anybody." Walang alinlangang sagot nito.

"Corny mo."

"At least gwapo."

I chuckled. "Pero seryoso, enlighten me, why do you like me?" Seryosong tanong ko.

He sighed. Umayos siya ng upo, mas lumapit pa sa akin.

"I like you because you're always being you. Too pure, too soft and makes me want to take care of you so bad." He answered.

"Having you is a blessing..."

My heart beats so fast, my cheeks immediately heated, my system gone wild.

"Someone who can be with me in any situation. Someone I can lean on. Someone I can love..."

"Ikaw na, Asthrea... Ikaw lang palagi..."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Naba-blangko ako. Grabe ang sayang nararamdaman ng puso ko pero kasabay noon ang takot sa mga maaaring mangyari.

Pero iwawaksi ko na muna iyon sa ngayon.

Masaya ako, masaya ako sa kaniya.

He looked at me with his eyes full of love, ginantihan ko iyon. Nanigas ako sa pwesto nang mapansin dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko, nagwawala na ang sistema ko sa nangyayari.

"Can I... mark this mine?"

Hindi na niya ako hinayaang sumagot kahit nagtanong siya. When his lips met mine, all of the happenings been cleared for me. I really love him.

I'm in love with Nishimura Takeshi.

The Stars Is Alive For All Where stories live. Discover now