≠ 16

10 2 0
                                    

"Hindi ko kailangan 'yan, Taki," Suway ko nang kumuha siya ng kung ano-ano.

"Ako magba-bayad."

Nasa grocery store kami ngayon. Ako lang naman dapat ang mamimili pero pinilit niya akong isama siya. At ito siya ngayon, sinusuway ako.

Naubusan na kasi ako ng stock ng pagkain sa bahay. Isang beses sa isang buwan lang naman akong mamili dahil mag-isa lang naman ako, hindi malakas sa pagkain.

Sapat lang sana para sa buwan na 'to ang bibilhin ko pero ang kasama ko ay maraming idinagdag na kung ano-ano. Mga candy, chichirya, enery drink at biscuit na matatamis.

Siya namam raw ang magba-bayad kaya bahala siya, ipapuwi ko na lang sa kaniya ang mga idinagdag niya dahil wala namang kakain noon sa bahay ko.

Habang nakapila sa counter, pansin kong palihim siyang kumuha ng litrato- naming dalawa. Kahit hindi ako nakatingin ay panay pa rin ang kuha niya, hinayaan ko na lang. Cute.

He gave me money para maidagdag sa pambayad ko, bayad sa mga binili niya. Kanina niya pa ako kinukulit na siya na raw ang magbabayad ng lahat pero hindi ko siya pinahintulutan.

Pagka-uwi ay inayos ko agad ang mga pinamili ko sa cabinet sa kusina. Inintindi naman niya iyong kaniya.

"Saan ko 'to pwedeng ilagay?" Tanong ng nasa likod ko.

Nilingon ko siya at nakitang hawak ang paper bag na may lamang kutkuting binili niya na siyang tinutukoy sa tanong. Umiling ako.

"Walang space para diyan, Taki. Iuwi mo na, ikaw naman ang bumili." Sagot ko.

Ngumuso siya. "Para sa 'yo nga kasi 'to, para naman may makain kang iba." Pangangatuwiran pa nito.

Humarap ako sa kaniya ng naka-pameyawang.

"Binibigyan mo talaga ako ng un-healthy foods?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He sighed, malapit nang sumuko. Ngumuso ito.

"No- para lang may makain ka if you're craving for some of these... Take it, please?"

Napa-cute pa siya para lang kuhanin ko ang binili niya. I give up, hahaba pa ang pagtatalo kapag hindi pa ako pumayag sa gusto niya.

"Okay, okay."

Kinabukasan, maaga niya akong binulabog. Linggo ngayon at maaraw ang panahon.

"Ang aga pa, Taki. Ano ba 'yon?" Bungad ko agad pagbukas ng pinto.

Kanina pa siya kumakatok at ngayon ko lang naisipang bumangon. Alas-sais pa lang!

"Good morning, babi." (bah-bi)

"I just want to ask you if... You want to help me?" He said.

I frown. "Help you saan?"

"Cleaning my house..."

What does he mean by cleaning his house? May mga kalat ba siya? Mga gamit na hindi na kailangan?

"Removing Aryes' picture..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Removing? Tatanggalin na niya ang mga litrato ni Aryes na nagkalat sa buong bahay niya?!

"H-Hey, are you sure? Baka nabibigla ka lang," Paninigurado ko pa.

Tumango ito na may kasamang pang maliit na ngiti sa labi.

"Hundred percent sure. I've spend a lot of time thinking about it,"

"And now, I made my decision."

Habang nag-aalmusal ay tulala ako.

Hindi ko lubos maisip ang sinabi ng lalaking 'yon kanina.

I just can't believe. Para kasing sa gagawin niyang 'yon ay handa na siyang putulin ang katiting na pising nakatali o kumakapit sa pagmamahal niya kay Aryes.

Ano ang ibig sabihin noon? Ginawa niya ba 'yon para sa akin- I mean, he said he like me. Is this his assurance to me? To prove that he really likes me?

Para sa dalawang taong pagmamahal niya sa kaniya, hindi ako makapaniwalang handa na siya sa ganito gayong gusto niya lang naman ako, hindi mahal.

Paano kung... na-mali lang siya ng nararamdaman? What if, it's still Aryes? Na baka naghuluhan lang siya dahil ako ang nasa tabi niya at hindi ang babaeng mahal niya.

Ganoon naman ang madalas mangyari sa magka-relasyon, 'di ba? Kapag malayo kayo sa isa't isa at may taong nariyan at malapit sa 'yo, hindi malabong mahulog ka rin rito.

Kaso hiwalay na naman sila, e. Pero kahit ganoon noon, pakiramdam ko ay maling mahalin ko siya. Kasi may ibang babae pa ring laman ang puso niya.

Paano naman kaya ngayon? Na mukhang handa na siyang umabante sa sunod na kabanata ng buhay niya... kasama ako... Siguro naman, okay na.

Legal nang mahalin ko siya because he's finally free. Malaya na sa nakaraang hindi na naman maibabalik o mababalikan. I hope he can give me some space in his heart to love him, too. Even just a little, it would mean a lot.

Kumatok ako sa nakabukas niyang pinto ng makarating ako sa bahay niya, tumukhim ako ng litrato na naman ng babae ang sumalubong sa akin.

Hindi niya napansin na pumasok ako. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama niya at medyo nakatalikod sa akin na nasa pinto. May hawak siyang kung ano.

Ah, litrato ni Aryes.

He sighed. "Ah, Aryes..."

"I just want to inform you that you're no longer my love," He chuckled.

Hindi ako umalis sa pwesto para lumapit at magpakita sa kaniya. Gusto ko lang marinig ang mga sasabihin niya.

"Since we are not longer in a relationship, isang taon na..."

Kinakabahan ako with unknown reason.

"I want to focus to Asthrea, I want to give my full attention to that gorgeous woman who's always there for me." He said, smiling.

Wala sa sariling napangiti rin ako.

"She's cute and lovely. I can't deny the fact na nakaka-in love siya," I bit my lower lip.

"A year of waiting and hoping for you is enough. I'm tired." Mahina siyang tumawa, tawang pagod na.

"Asthrea is always there to help and save me. I like her, I really do..."

Ah, Taki... Hearing those words that came from him giving me a bundle of butterflies. I love you, i really do.

"I let my feelings for her to develop for the next 9 weeks based on the extensions that I asked to her."

I'll let you, too. Dahil ako, hindi na kailangan pa ng panahon. Hulog na hulog na ako sa iyo, Takeshi. At patuloy na mahuhulog sa mga susunod pang araw kahit may parte sa akin na iniisip na ito ay mali.

"I hope you're happy... because I am with her."

The Stars Is Alive For All Where stories live. Discover now