≠ 08

11 3 2
                                    

"Weh? Basted ka?" Gulat kong tanong.

"Oo nga,"

Mahina akong natawa. Hindi ko alam kung dapat ko ba siya i-comfort o tawanan na lang. Sa pagkakaalam ko, unang beses niyang nanligaw.

"Hindi raw kami compatible, psh." Usal niya pa.

I pressed my lips together to stiffle a importunating smile and gently pated his shoulder.

"Hanap ka iba, talo, e."

Umiling siya. "Pass na muna."

Tumahimik siya sandali kaya tumahimik na lang rin ako. Baka wala pa siya mood tapos masira ko pa lalo.

"Kamusta kayo ng bagong Pres, ha? Yiee!"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang hiyaw niya. Ipagsigawan ba naman, lumingon tuloy 'yong iba! Nakakahiya, baka kung ano ang isipin nila.

"Sira, tropa-tropa lang." Pasigaw na bulong ko.

Tinawanan niya lang ako. "Talaga ba, Asthrea? Hakdog!" Hindi pa rin siya tumutigil katatawa.

Inirapan ko siya at tumayo na. "Baliw. Bahala ka nga riyan."

Pumunta na ako sa room, doon rin naman ang punto ko mamaya dahil may klase na, napaaga lang ngayon dahil sa lalaking mapang-asar na 'yon.

Hindi ko pa nakikita si Taki mula kaninang umaga. Hindi ko nga alam kung pumasok ba siya o hindi. Basta ang alam ko lang, ang weird niya kanina nang magkapag-usap kami.

Nagtaka ako nang hindi lumitaw si Taki ngayong maghapon. Gabi na pero hindi ko pa rin nakikita ni anino niya. Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon?

Alas-otso na nang mag-hapunan ako, walang gana pang sumubo ng pagkain with unknown reason.

Pinag-iisipan ko kung papasok na ba ako sa kwarto o hihintayin siya sa labas, sa upuan sa harap para makita kung uuwi ba siya dahil wala pang tao sa bahay niya.

Sa huli, natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa harap ng bahay. Ewan ba pero parang kinakabahan ako. Nasaan kaya siya? Bakit ginabi naman siya ng sobra.

It's already 9:00 pm. Wala pa ring Nishimura Takeshi ang dumarating. Napabuntong hininga ako. Inaantok na ako pero gusto ko siyang makita, kahit sulyap lang sana.

Pero paano kung hindi siya umuwi? Ah, bahala na.

Si Taki... Ano ba kami? Friends? Bestfriends? O buddies? Psh, walang specific word sa kung anong meron kami ngayon na sadyang nakakainis.

Alam mo 'yon, I don't know what to act. Should I act like his bestfriend who's always should be there for him? Or as a friend na pwede niyang makasama?

Nakakainis kasi hindi ko alam kung ano ako sa kaniya.

He acted different every scenario that makes me think what's our status. Make me lose my mind when he's acting like my boyfriend and make me feel a little bit sad when he's acting cold.

Pero... siguro wala lang?

What if sa akin siya lumalapit kasi wala siyang ibang malapitan? What if sa akin siya sumasama kasi ako ang ka-tandem niya sa student council?

What if pampalipas oras lang ako? Anyways, wala namang kami. Wala akong dapat ipag-alala. Ni hindi ko nga dapat iniisip 'to pero hindi maalis sa utak ko.

Kung ako lang rin naman ang tatanungin... I just want to be friends with him... Yeah, friends. Nothing more, nothing less. I guess.

Napatunghay ako ng makarinig ng mga yabag. Its him!

Kumunot ang noo ko nang mapansing iba ang dating niya ngayon. Gusot ang uniform niya, magulo ang buhok, wala pa sa ayos ang neck tie. He looks... miserable...

Tumayo ako, baka s as kaling mapansin niya pero hindi. Hindi man lang siya lumingon. Dire-diretso siya sa bahay niya habang nakayuko at mabigat ang bawat hakbang.

Okay na, nasulyapan ko na kahit saglit... Hindi nga lang ako pinansin pero ayos lang.

May problema kaya siya?.Hindi ako makatulog sa kakaisip sa itsura niya kanina. Parang may kung anong nangyaring hindi maganda. Kakaiba ang aura niya ngayong gabi.

Alas-onse na, mulat pa rin ako. Hindi talaga ako makatulog. Should i asked him if he's okay like what bestfriends do?

To: Taki

Hey, are you okay? I saw you earlier, you look unstable...

Nag-aalangan pa ako kung ise-send ko sa kaniya o hindi ang tinype kong mensahe. Paano kung hindi siya mag-respond? Paano kung i-ignore niya lang ako?

Nakakahiya. Pero nangibabaw ang damdamin ko, isinend ko iyon sa kagustuhang malaman kung ayos lang ba ang lagay niya.

Nakatulog na ako sa kaiintay sa reply niya. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako nakatambay pero inantok rin ako kahihintay sa sagot ng hapon na iyon.

Nagising ako around 5:00 am. Ang aga pa pero mukhang hindi na rin ako makakatulog. Bumangon na lang ako at lumabas.

Ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi pa naman ber-months pero grabe na agad ang lamig.

I bit my lower lip as I turned my face in my left side. Walang ilaw pero naroon naman siya. Hindi kaya siya nalulungkot na mag-isa lang rin siya sa bahay niya?

I mean, pwede namang masanay pero iba pa rin kapag may kasama talaga.

Hindi ko na kinaya ang lamig kaya pumasok ako pero lumabas rin ulit suot-suot ang hoodie ni Taki na naiwan niya noon at ibinagay na lang sa akin.

Hindi ko pa nalalabhan, wala akong balak labhan ngayon ang hoodie na 'to. His scent is so comforting, it fragrant is too aromatic.

Umupo ako at isinandal ang ulo sa pader na nagsisilbing sandalan ng upuan. Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang hangin.

I sighed. I hope he's okay. No reply since last night. I badly want to know what happened to him yesterday. Maybe it's too serious to the point that he didn't notice me nearby.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nag-aalala ba ako as his friend o iba na ang nararamdaman kong 'to? Nakakainis na talaga.

"Asthrea..."

Automatic na napamulat ako nang marinig ang boses niya.

Ang lalaking iniisip ko kahapon pa ay nasa harap ko na ngayon. Halatang puyat at pagod siya but he still managed to smile at me.

Tumayo ako. "Okay ka la—"

Nabigla ako sa biglaang paghigit niya sa akin para salubungin ako ng yakap. I was shocked, speechless.

"Taki..."

"Can we stay in this position for awhile? I... badly need a hug right now, shutsuen-sha..."

***

Note: shutsuen-sha means star in japanese.

The Stars Is Alive For All Where stories live. Discover now