≠ 02

14 3 0
                                    

"Bestie!"

"Ano ba, Jeyd!"

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. Nai-issue kami dahil rito, mag-jowa, ampota. Tinawanan niya lang ako bago ialis ang braso. Sinabayan niya pa ang lakad ko.

"Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan..." Parang bata.

Napaismid ako ng makasalubong namin si Taki. Walang kaalam-alam ang kasama kong may lihim akong pagtingin sa lalaking kalalampas lang sa amin. Mabuti nang wala.

Inihatid ako ni Jeydie sa room ko bago siya pumunta sa kaniya. Friday, patapos na ang first week. Sana ay hindi magsabay-sabay ang gawain pagkatapos.

"Uy, Asthrea,"

Huminto ako sa grupo ng mga lalaki na tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko, sila yata ang bumati sa akin noong first day?

"Kaklase kayo ni Nishimura, 'di ba?" Tanong ko.

Madramang humawak sa dibdib ang lalaki sa una.

"Ouch, si hapon lang ang kilala sa section natin, pare." Sambit nito.

Napalunok naman ako. Paano kung makahalata silang gusto ko ang hapon na 'yon? Hindi pwede.

"Well, madali siyang matandaan." Palusot ko.

Singkit na mga mata, makinis at maputing kulay ng balat. Idagdag pa ang itim na itim niyang kulay ng buhok, halos lahat kasi ng kaklase niya ay blonde na dahil nagpakulay. Ewan ko ba kung bakit ina-allow dito 'yon.

"Sana hapon na lang rin ako." Sabi noong isa.

Nagsi-sang-ayon naman sila at sinabing sana sila rin. Napairap ako. Bakit ko nga ba sila kinakausap?

"Kapag gano'n na marami na kayo, mahirap na matandaan." Sagot ko at naglakad na palayo.

"Ouch ulit!"

Nonsense conversation with those guys. Nilingon ko pa sila na nagtatawanan. Nagulat ako nang mabangga ako sa matigas na bagay... Or tao...

Hindi sapat na harapin, kailangan pang tingalain para malaman ko kung kaninong nilalang ako nabangga. At gano'n na lang ang gulat ko sa nakita. My heart even skipped a beat.

"Taki." Muling natama ang tingin namin. Nakatitig lang siay sa akin, ng malamig gaya ng nakasanayan.

"Uh— sorry, hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin. Hindi siya gumalaw.

"Takeshi, not Taki."

I forgot, we are not close. He didn't even know me! First name basis, not nickname or surname. Yeah, right.

"Yes- uhm, I'm sor–"

Bago ko pa matapos ang sinasabi ay nalampasan na niya ako. Napatulala pa ako bago maka-abante at maka-move on sa nangyari. This week is really... Nevermind.

"Ah, kapagod."

Umupo ako sa bench malapit sa cafeteria. Nakakapagod mag-ikot sa buong school for survey kung may humabol para sa enrollment this school year.

Lunes na lunes. Bakit ba kasi ako pa rin ang in-charge rito hanggang ngayon, e. Hindi na ako Presidente, new S.Y na kaya, oh!

"Tubig?"

I frown. "Ginagawa mo rito? Start na klase, ah." Tanong ko kay Jeyd.

"Nautusan, e. Nakita kitang mukhang pagod kaya binilhan kita ng tubig." Aniya at umupo sa tabi ko.

Tinanggap ko ang tubig at uminom.

"Sino ba namang hindi mapapagod kapag inikot ang King David University na may halos 50 big rooms, ha?" Iritang sabi ko.

"Kalma, Miss Pwesident— Aray!" Hinampas ko agad siya.

"Gusto mo talagang masaktan, ano?" Inambaan ko ulit siya.

"Alis na nga ako, 'di mo na 'ko love, hmp." Kunwaring nagtatampo na aniya.

Siomai lang naman ang katapat. "Huwag ka na babalik, mwah." Asar ko pa.

Bumalik rin ako sa room nang makapahinga saglit. Excempted naman ako sa naunang subject dahil sa ginawa ko. Utos ng Dean, e.

Maaga akong nakauwi dahil wala ang music teacher namin na last subject na kaya pinauwi na kami.

Dahil mainit, lumiban ako sa kabilang daan para malilom ang lalakaran, nasasanggahan kasi ng mga puno ang sikat ng araw sa bahaging ito.

Walking distance lang naman ang bahay kaya hindi na ako namamasahe, dagdag gastos pa, malapit lang namam rin ako.

Pagkauwi ay natulog muna ako. Nagising lang ako ng makarinig ng katok, bandang alas-kwatro ng hapon. Si Jeyd ang salarin, may hawak na tapper ware na may laman.

"Bakit?" Bungad ko, naghihikab pa.

Inibot niya 'yong tapper ware na hawak niya.

"Niluto ko, para sa 'yo. Tamad ka pa namang magluto kaya ako na ang gumawa." Aniya na parang may sama pa ng loob.

Gawa sa sama ng loob naman yata ang pagkaing dala niya. Hindi naman masarap 'yon, 'di ba?

"Salamat. Sure ka, hindi si Tita ang nagluto? Ikaw talaga?" Paninigurado ko.

Sumimangot siya. "Oo nga. Kulit!"

"Sige na, thank you ulit kahit istorbo ka sa tulog ko."

Inirapan niya pa ako habang naglalakad palayo. "Pangit mo, Asthrea!"

Pinagsaraduhan ko na siya ng pinto.

Sinigang na hipon! Favorite. Pagkalinis ay kumain na agad ako. Mamaya na lang ulit kapag nagutom dahil napaaga ang kain ko. Bahala na kapag nagustuhan pa mamaya.

Quarter to 6 na nang mag-lock ako ng pinto at magsara ng mga bintana. Mahihiga na ako tutal wala naman na akong gagawin sa labas.

I was scrolling through my loptop when someone knocks on the door. Sino naman kaya 'yon? Si Jeyd kaya? Tanungin ko nga, online naman.

Jeydie Chua

Nasaan ka?

Kwarto beng, nanchi-chix hehehe

Weh ba? Seryoso?

Nanliit ang mga mata ko nang magsend pa siya ng video. Nakahiga sa kama, katabi ang ipad niya, naka-open ang tiktok at puro na babae ang laman ng liked videos.

Okay?

So who's knocking outside?

Napapitlag ako ng kumalabog na naman sa labas. Magnanakaw? Pero bakit naman kakatok kung magnanakaw mga? Mag-a-alas siete pa lang rin!

Kidnapper? Pero hindi na ako bata!

Kumabog ang dibdib ko. Hindi tumitigil ang pagkatok ng kung sino mang nasa labas. Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Bubuksan ko ba?

Huminga ako ng malalim at humanap ng pwedeng pang-protekta sa sarili sakaling masamang tao ang nasa labas. Kutsilyo o tungkod ni Lolo?

Ah, bahala na. Dinampot ko iyong mahaba kong unan, hugis hotdog na halos kasing tangkad ko na. Pwede na 'to. Kinuha ko rin ang phone ko, just in case.

Dahan-dahan akong naglakad palabas. Hindi ba nananakit ang kamay niya sa kakakatok? Ilang minuto na, ah. Inihanda ko ang pamalong unan bago pinihit ang door knob.

Kinakabahan ako.

Mabilis kong binuksan ang pinto, akmang papaluin na sana ang tao sa labas nang bigla itong matumba sa akin. What the hell?!

"Taki!"

The Stars Is Alive For All Where stories live. Discover now