≠ 05

7 3 0
                                    

"Gabi na, ah... May hinihintay ka?"

Napatingin ako sa sumilip sa bakod. Si Jeydie na naman na nangangapit-bahay ng tingin.

I chuckled. "Wala naman, hindi pa lang ako antok, ngapapahangin." Sagot ko.

Narito kasi ako sa harap ng bahay, nakaupo pa kahit quarter to 8:00 pm na.

"Samahan kita?" Alok niya pero umiling ako.

"Hindi na, matulog ka na lang, papasok na rin ako maya-maya."

Tumango naman siya pero hindi pa rin umalis para pumasok sa bahay nila.

"Mag-jacket ka, ang lamig tapos naka-sando ka," Sambit pa nito, clicking his tongue.

"Oo na. Goodnight."

"Goodnight, Asthrea, love you." Nginitian ko na lang siya.

Hindi na ako kumuha ng jacket, papasok na rin naman ako maya-maya. Wala naman akong ginawa ngayong araw ng Linggo pero parang napagod ako.

Pagod sa kaunting gawain... O pagod mamuhay ng mag-isa?

Ang lungkot lang. Walang maingay sa bahay, wala akong maka-usap, maka-kulitan. Ang tahimik. Parang mag-isa lang ako sa mundo.

There's Jeydie who always volunteer himself to stay with me but J choose to return his favor. Ayoko maka-istorbo. Ang saya-saya ng pamilya Chua, sa kanila na lang 'yon.

Okay naman akong mag-isa... Hindi nga lang masaya pero at least humihinga. Pero what if itigil ko na lang rin ang paghinga ko?

Hay, Asthrea, huwag kang papatalo sa lungkot. Parte ng buhay iyan. Huwag mong hayaang sirain at patayin ka. Kaya mong mabuhay kahit mag-isa, fighting.

"It's already late, what are you doing outside?"

Bumungad sa akin ang pasa-pasang mukha na naman ni Taki. June 14, unang sugat niya ngayong buwan. Wala na sanang kasunod.

"What happen to your face?" Wala sa sarili kong tanong.

Natauhan lang ako nang halos matunaw na ako sa titig niya. "Uhm, sorry— I mean, nagpapahangin lang ako..."

Nag-iwas ako ng tingin pero nanatili ang mga mata niya sa akin.

"Ang lalim ng iniisip mo, care to share?"

Nagulat ako sa biglaang sinabi niya. He want me to share what's on my mind to him? That's new. He's interested to something like this right now.

"Ishe-share ko kung ishe-share mo rin kung bakit ka may sugat at papayag kang gamutin ko 'yan." Kuntiyaba ko sa kaniya.

He sighed. "Fine."

Dali-dali siyang naglakad palapit sa akin. Napausod tuloy ako ng umupo siya sa tabi ko, pang-isahang tao lang 'yong upuan! Siniksik niya pa ako at grabe, ang lapit niya na naman.

"K-Kukuha lang ako ng first aid kit," Paalam ko.

Muntik na akong kapusin ng hininga sa sobrang lapit niya kanina.

For pete's sake, nakasando lang ako! Expose na expose ang balat ko tapos ididikit niya pa ang balat niya sa akin! Para tuloy akong nasa karera kanina sa bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa hoodie na nakasiksik sa tabi ng first aid. Narito pa pala ang hoodie na suot niya noong binulabog niya ako ng lasing. Ako ba ang nagsiksik nito rito?

Kinuha ko na lang rin iyon para isauli sa kaniya ngayong narito siya. Dala ang hoodie at first aid ay bumalik ako sa labas. Huminga pa ako ng malalim bago tuluyang magpakita sa kaniya.

Tahimik na ibinigay ko sa kaniya ang naiwang hoodie noong nakaraan. Kinuha niya iyon pero ng makaupo ako ay walang pasabing isinuot niya iyon sa akin, nagulat ako.

Maamoy pa rin ang alak sa hoodie niya pero mas matimbang ang amoy ng pabango niya. Ang lakas ng amoy pero hindi naman masakit sa ilong. Wala kong nagawa kundi ang suotin 'yon.

Umayos na lang ako ng upo sa tabi niya pero medyo tumagilid ako para magamot ang pasa niya sa gilid ng labi at gasgas sa may taas ng kilay, may maliit na hiwa pa ang labi at ilong niya.

Ano ba ang pinagaga-gawa ng lalaking 'to? Buwan-buwan na lang may sugat na inuuwi. Ngayon lang nagkaroon ng tiyansang magamot ko siya sa dami ng pasang natamo niya.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Nishimura?" Tanong ko habang nilalagyan ng betadane ang bulak na hawak.

Nakatitig lang siya sa akin.

"Ano muna ang iniisip mo kanina?" Pag-iwas niya sa tanong ko.

"Papa ko." Diretso kong sagot para matapos na.

Napaubo siya. "May tinulungan lang akong tao kanina,"

Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

"Buwan-buwan ka bang may tinutulungang tao? Nilalabanan mo sila? Suntukan, gano'n?"

Ang daldal mo, Asthrea. Hindi ka naman ganiyan. Napatigil ako sa ginagawa nang marinig at makita ang mahina niyang pagtawa. "Hindi naman..." Mahinang sagot niya.

Hindi na ako nagtanong pa, nakakahiya na. Maingat kong dinampian ng bulak na may gamot ang mga sugat niya. Nag-uube na 'yong sa gilid ng labi, papasa na 'yan maya-maya lang.

Napangiwi siya nang dampian ko ang sa noo niya. Dahil medyo madilim sa labas, lumapit pa ako ng kaunti para masigurong tama ang dinadampian ko.

"Bakit ka ba interesado?"

Napatigil ako sa ginagawa ng sambitin niya iyon.

The way he asked, too soft than the normal him. Isama mo pang halos magdikit na pala ang mukha naming dalawa. Ang lapit namin sa isa't isa, nakaka-kaba.

Lumunok muna ako bago sumagot.

"Kasi ang misteryoso mo. That makes want to know you more."

Pasimple akong lumayo at tinapik pa ang balikat niya. Ngumisi siya kaya nagtaka ako. That’s new.

"Hindi ko ba na-kwento sa 'yo noong lasing ako?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Ano... h-hindi ko maalala..." Pagmamaang-maangan ko.

He chuckled. He freakin' chuckled! Tumawa siya ng hindi lasing, 'yong tawang parang natutuwa talaga siya. Oh my god, this is the first time O saw that smile of him!

"Tapos na ba?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

He stood up kaya napatayo rin ako.

"Huh? Uhm, wait..." Kinuha ko iyong band aid na may design na mickey mouse. "Last na..."

Maingat kong idinikit ang banda aid sa galos niya sa noo. Kinailangan ko pang tumingkayad, maabot lang ang noo niya. Siya pa ang nag-adjust para hindi ako mahirapan.

"Tapos na," Ani ko bago bahagyang lumayo sa kaniya.

"Thank you, Asthrea."

His thank you is enough.

Nginitian ko siya at pinagmasdang maglakad papunta sa bahay niya. "Hoodie mo!" Sigaw ko nang maalalang suot ko pa nga pala 'yon.

Nilingon niya ako pero hindi siya tumigil sa paglakad.

"Sa 'yo na, reward for cleaning my wounds... Goodnight..."

The Stars Is Alive For All Where stories live. Discover now