" Sumama ka sakin sa Snow Island, gusto mo bang makita ang... "

" Gusto mong siguruhin na hindi ako aalis, hindi ako aalis, hindi ako lalabas" siya na ikinapatak ng luha ko, bakit ako nagkakaganito. Sinasama ko siya para alam ko na hindi siya mawawala, araw-araw kasama ko siya hanggang mawala ang mga ala-ala niya at sa mga araw na lumipas, buwan hanggang naging taon nagkaroon ako ng damdamin sakanya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko gusto kong madalas gumising ng madaling araw para makasama siyang mag tea at magkape na ginagawa niya na dahil sa kapipilit ko sakanya, madalas din na umiisip ako ng pagkain na masarap na walang sweetness dahil alam ko na hindi naman niya yun nalalasahan.

Madalas, kapag masama ang pakiramdam niya ako lang ang may alam. Sinasabi niya sakin, somehow i feel happy because he trust me.

" Wala lang yung kiss! " tinalikod ko na ulit siya at niyakap sa likuran, ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

" Kamusta na ang mga ala-ala mo? " ako sakanya,

" Naglaho na, anim na buwan mula ngayon lang ang natatandaan ko " siya, tuluyan nang naglaho sa isipan niya ang dahilan ng pagdurusa niya, si Lyra.  Wala kaming relasyon, sa totoo wala naman akong balak makipagrelasyon kahit kanino, oras na magkaroon ako ng relasyon sa lalaki matatapos narin ang pagiging Maiden ko at tatanda na ko tulad ng pangkaraniwang tao, pero paano ko ba pipigilan yung damdamin ko? Nalilito na nga ako! nagseselos ako kay Monique kapag napapangiti niya si Crescent dahil sa pagiging disgrasyada niya, sa pagbagsak ng baso, pagkakabasag ng pinggan at minsan pa nga medyo mahina ang ulo niya.

         Si Light, minahal ko siya. Di ko nga alam bakit mas nangibabaw ngayon si Crescent, hindi siya palangiti at madalas na seryoso siya kaya pag ngumiti siya ng dahil sakin parang sobrang tuwa din yung nararamdaman ko.  

" Wag kang magtatagal, mas mabuti na sinasaway mo si Light masyado niya kong ginugulo " si Crescent tumayo na siya at nakaharap na sakin, nagulat ako ng yakapin niya ko. Mainit ang yakap niya, kahit saang anggulo ko tignan mali ang nararamdaman ko, dapat kong pigilan bago ako alipinin ng damdamin na'to pero paano ko yun gagawin ?

        Kinabukasan nagaalala ako, bakit ba gusto ko na dumito nalang? Sinundo ako ni Dmitri, may sinasabi siya tungkol sa magiging bagong model ng human barbie namin pero wala doon ang isip ko.

" Rozen Maiden, masyado kang nag-iisip " si Dmitri na nakapagbalik sakin sa realidad.

" Dmitri, sa palagay mo bakit patuloy silang nagnanais na magtatag ng isang Imperyo? kaya nilang itago ang mga sarili nila, kaya nilang mabuhay malayo sa kamatayan " 

" Maiden, kung ano man ang dahilan nila nasisiguro ko na lalaban sila hanggang kamatayan. Nawala man sa ala-ala ni Crescent ang pamilya niya itinanim niya sa sarili niya na may anak siyang babalikan na magmamana ng lahat ng paghihirapan niya ngayon " si Dmitri, oo masyado akong open sakanya. By those words narealize ko na may chance padin na alalahanin niya si Lyra, itinanim niya na may anak siya. Oo tama, sa kabilang braso niya naka marka ang pangalan ng anak niyang SHIN gamit ang simbolo na kakaunti lamang ang kayang maka decode, isa na'ko dun.  Tinanong niya si Light kung ano ang pangalan na yon ng araw na magmulat nalang siya na wala ng mga ala-ala.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now