JUSTIN: What happened back there?!
Bungad na tanong nito kay Nico. Hirap na makasagot si Nico, dahil sa hiya.
JUSTIN: Totoo bang ikaw nagtext nun?
Hindi makasagot si Nico at hindi rin ito makatitig sa mga mata ng kanyang mga kaibigan.
JESSICA: Sabihin mo kuya, Di ba ginawa mo lang naman yun para pagtakpan at takasan yung mga tanong nila?
Wala pa ring imik si Nico. Si Joanna at Alfie ay naghihintay rin ng sagot nya dahil miski sila ay hindi naniniwalang kayang gawin ni Nico ang ganung klaseng panti trip.
Samantala, habang naguusap-usap silang anim ay patungo naman sa canteen si Norman at Roland. Dahil magkatapat lang ang canteen at ang student hang-out, nakita ng dalawa ang anim na nag uusap usap pati na rin ang pag iyak ni Maricar. Napansin naman ni Roland na nakatitig si Norman sa anim kaya't medyo nairita ito.
ROLAND: Ano na naman?!
NORMAN: Wala, parang may kakaiba lang sa kinikilos nila.
ROLAND: Napaka-usisero mo, bading ka ba?!
Nilingon nya ng masama si Roland at sabay binatukan sa ulo.
NORMAN: Tara na nga!
Pabirong bigkas ni Norman at saka sila pumasok sa loob ng canteen.
Samantala, patuloy pa rin sa pagtatanong sina Justin.
JUSTIN: Tell us the truth, ikaw ba talaga yung nagsend ng text messages na yun?
Tanong nya kay Nico, nahihirapan pa rin si Nico na sagutin ang tanong nila.
MARICAR: Bakit ayaw mong sumagot?! Ano? Ikaw ba talaga nagtext nun?
NICO: Aa.. Umm.. err.. Oo, a-ako talaga yun. A-ako y-yung nagtext nun, sorry talaga.
Habang binibigkas ito ni Nico ay may napansin si Alfie sa mga mata nito.
Dahil sa ginawang pag-amin ni Nico ay lalong nainis si Maricar sa kanya, maging si Justin ay nagpakita na rin ng pagkainis.
JUSTIN: How could you.. B-bakit?
NICO: Ok, let me exp-
MARICAR: Umalis ka muna!
NICO: Pero-
MARICAR: Please!!
Hinawakan ni Joanna sa dibdib si Nico upang pigilang lumapit kina Maricar.
JOANNA: Ako nang magpapaliwanag.
Bigkas niya kay Nico. Samantala, umakbay naman si Alfie kay Nico upang dalhin ito papalayo kina Maricar.
ALFIE: Ok lang yan.
Bulong nito sa tenga niya. Umalis si Alfie at Nico at naglakad lakad papalayo hanggang nakarating sila sa work park, wala masyadong tao ang nakatambay sa park. Nauuna at matamlay na naglalakad si Nico, kitang kita naman ni Alfie ang lungkot sa mukha nito.
ALFIE: Sus! Wag mo na pansinin yun. Alam mo naman yun si Maricar, masyadong madrama.
Pabirong nyang bigkas, ngunit hindi pa rin umimik si Nico.
ALFIE: Grabe, first day na first day may problema agad.
Bigkas nya upang subukang pagaanin ang pakiramdam ni Nico, ngunit wala pa rin itong talab kaya't hindi na siya nakatiis.
ALFIE: Nico.
Tawag ni Alfie. Huminto silang dalawa sa harapan ng work park na likuran lamang ng kanilang library.
NICO: Bakit?
Matamlay nyang sagot.
ALFIE: Sabihin mo nga yung totoo, ikaw ba talaga yung nagtext nun?
NICO: You already know the answer.
ALFIE: And I know that you are lying.
Napalingon si Nico kay Alfie.
ALFIE: Look, I'm your bestfriend, and I know when you are lying and when you are telling the truth. So, tell me.
Nakatitig lamang sa kanya si Nico.
ALFIE: Ok, alam ko na yung totoong sagot. Gusto ko lang na manggaling mismo sa bibig mo yung sagot.
Huminga ng malalim si Nico.
NICO: Ok, sige. Sasabihin ko na sa'yo yung totoo. Pero ipangako mo na wala kang pagsasabihan nito.
ALFIE: Pangako.
Bigkas nya at saka ikinuwento ni Nico ang lahat sa kanya.
ΦΦΦ END OF PART XI ΦΦΦ
••• This chapter is dedicated to RedundantJayEm, •••
*** Sa mga matyagang nagbabasa ng istorya ko. Kapit lang, may susunod nang mamamatay.. Enjoy the next chapter.. Hihihi!! Hulaan mo kung sino?! ***
»»» What really happened? «««
STATUS
Number of weeks: 8th
Rank: 111
Tumaas, ang galing!
> Comment Your Thoughts
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XI
Start from the beginning
