NORMAN: Teka, meron pa akong isang bagay na gustong malaman.
NICO: Ano yun?
NORMAN: Di ba sinabi namin kanina na natrack namin sa Alabang yung text messages mo. Bakit kailangan mo pang pumunta ng Alabang para mantrip lang?
NICO: Oh that?.. aa.. umm, kaya nanggaling yan sa Alabang kasi nandun ako ng tinext ko kayo.
ROLAND: Bakit ka nandun sa tuwing nagtitext ka?
NICO: Umm, ano kasi.. Nasa Alabang ako kasi yung lolo ko nandun sya naka confine ngayon.. Isa na rin yun sa reason kung bakit ako nantrip, medyo na bored kasi ako sa ospital. Kaya dun yung place nung na track nyo yung text. Pasensya na talaga.. Sorry talaga sa abala.
Panghihingi nya ng pasensya, habang ang iba sa kanyang mga kasama ay masama pa rin ang tingin sa kanya.
NICO: Umm.. Ano, iwan ko muna kayo. Puntahan ko lang si Maricar.
ALFIE: Sama na ako.
JOANNA: Ako din.
Bigkas ng dalawa, umalis sila sa bench area at hinanap kung saan nagtungo si Maricar at Jessica.
JUNE 10, 2013.
MONDAY 12:06PM
Papalabas ng canteen si Justin ng mapansin nya ang dalawang pamilyar na babae sa student hang-out, tapat lamang ito ng canteen. Napansin nya sa isa sa mga cottage roon ay si Jessica at si - Maricar?
JUSTIN: Umiiyak ba sya??
Tanong nya sa kanyang sarili. Dahil sa pagtataka ay kanya itong nilapitan. Habang papalapit sya ng papalapit ay unti unti nyang napatutunayang umiiyak nga si Maricar.
JUSTIN: Oh! Anong nangyari dyan?!
Pabirong bungad nya sa dalawa na ikinabigla naman ng mga ito.
JUSTIN: Umiiyak ka ba Maricar?
Hindi ito sumagot, sa halip ay tumalikod ito upang itago ang kanyang luha.
JUSTIN: Anong nangyari sa kanya?
Tanong niya kay Jessica.
JESSICA: Umiiyak dahil sa ginawa ni kuya Nico.
JUSTIN: Bakit? Anong ginawa ni Nico?
Ikinuwento ni Jessica kay Justin ang mga nangyari, magmula ng lumapit sina Norman sa kanila at kinompronta sila hanggang sa pag-amin ni Nico na sya raw ang nagtext ng mga text messages.
JUSTIN: Ano?!! Si Nico yung nagtext nun?!
Gulat na reaksyon ni Justin.
JUSTIN: Sigurado kayo?
JESSICA: Hindi namin sigurado kung sya nga, pero umamin na kasi sya e.
JUSTIN: Imposible! Seryosong tao si Nico.. I mean, oo minsan palabiro sya pero hindi yun marunong mantrip ng ganun.
MARICAR: Ewan, pero kung sya nga yun. Nakakainis sya! Akala nya nakakatuwa yung biro nya.
Galit nyang isinambit habang humihikbi.
JUSTIN: Teka, hindi pa natin alam ang buong kwento. Huwag muna tayong manghusga.
JESSICA: Nakita mo naman yung sitwasyon natin dun kanina, naiipit na tayo sa mga tanong nila. Baka naman nagawa lang yun ni kuya para pagtakpan tayo.
Hindi na lamang umimik si Maricar. Maya maya pa ay papalapit na sa kanilang pwesto sina Joanna, Alfie at Nico. Hinintay nina Justin na makalapit ito.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XI
Start from the beginning
