Dice Game - PART XI

Start from the beginning
                                        

Bigkas nya kina Jerry. Napalunok na lamang sila ng laway sa mga sinabi ni Franklin. Muling napasilip sina Luisa at Marco sa cellphone ni Nancy.

LUISA: Oo nga no, baka connected yung text message na 'to tungkol sa bakasyon nyo.

JULIAN: Hi-hindi naman siguro, b-baka naman nagkataon lang.

LUISA: Siguro nga, baka nagkataon lang. Pero pangalan nyo lang talaga yung nakalista dito e.

MARCO: Oo nga, tsaka yung nagtext nyan, sino kayang nagtext nyan?

ROLAND: Teka, baka naman talagang connected yan dun sa bakasyon nyo. Ano bang nangyari sa bakasyon nyo?? Meron ba kayong nagawang hindi maganda nung bakasyon?

Hindi pa rin sila makaimik, lalong tumitindi ang kabang nararamdaman nila.

VOICE: Oo, connected yan dun sa Baguio!

Sagot ng isa sa kanila, napalingon sila sa sobrang gulat at nakitang si Nico pala ang nagsalita. Anong nangyari sa kanya? Nababaliw na ba sya? Bakit sya umamin? Takbo ng isipan ng kanyang mga kasama.

ALFIE: Naku! W-wag kayong maniwala dyan kay Nico. Niloloko lang kayo nyan.

Pabirong bigkas ni Alfie.

NICO: Nice try, Alfie. Pero sasabihin ko na talaga yung totoo.

Lalong nanlaki ang mga mata nila sa sobrang gulat at hindi sila makakibo sa kanilang kinauupuan. Samantala, hinihintay naman nina Norman ang sagot ni Nico.

Huminga muna ng malalim si Nico bago sya nagsalita.

NICO: Oo, ang totoo kasi nyan, connected talaga ang text message na yan sa Baguio. Tsaka, totoo rin na isang prank messages lang yan.

Bigkas ni Nico, muling naalarma ang sina Randy dahil sa sinabi nya. Prank message?? Akala ko ba aaminin na nya yung totoo?? Nagpatuloy sa pagkukwento si Nico.

NICO: Ang totoo nyan, ako talaga yung nagtext nung text messages na yan. Pasensya na talaga sa abala.

MARICAR: Ikaw yung nagtext nung text message na yan?!

NICO: Umm.. Oo, sorry talaga kung nilihim ko sa inyo. Gusto ko lang sana mantrip, pero parang malala yung naging resulta.

MARICAR: Talagang malala!! Pinakaba mo kami, nakakainis ka Nico!!

Galit nyang isinumbat kay Nico at matapos nun ay nag walk out sya at umalis sa bench area. Samantala, gulat ang reaksyon nina Luisa sa ginawa ni Maricar.

CAROL: Anong nangyari dun??

JANICE: Oo nga, bakit parang napaka big deal sa kanya ng ginawa ni Nico.

ALFIE: Aa.. Sus! Hayaan nyo yun, di pa ba kayo nasanay kay Maricar.

JESSICA: Ummm.. Pupuntahan ko lang si Maricar.

Bigkas niya, tumayo sya sa kanyang kinauupuan at sinundan si Maricar. Samntala, naiwang malungkot ang itsura ni Nico.

RANDY: Bakit mo ba kasi ginawa yun?

Tanong ni Randy.

LEA: Oo nga, anong pumasok sa isip mo bakit naisipan mong mantrip? Ano, Ian lang??!

NICO: Wala lang, sinubukan ko lang. Sorry talaga guys a.

Bigkas nyang muli sa kanyang mga kasama. Ang iba sa kanila ay masama pa rin ang tingin sa kanya.

ROLAND: Ang galing mo rin mantrip no, sinama mo yung pangalan mo para di ka mahalata.

Pabirong bigkas ni Roland. Napangiti naman si Nico sa sinabi nya.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now