JERRY: Parang ang hirap naman ata maniwala.
IAN: Totoo nga, hindi talaga kami yung nagsend ng text message na yan.
NORMAN: Totoo yung sinasabi nya.
Bigkas ni Norman. Napunta ang lahat ng atensyon sa kanya.
NORMAN: Tinrack namin kanina kung san nanggagaling yung text message at natrack namin na nanggagaling sa Alabang ang text messages na yan.
FRANKLIN: Sa Alabang?!! Talaga? E wala naman tayong classmate na taga-Alabang aa.
NORMAN: Yun na nga e, kaya nga imposibleng sina Ian ang may gawa niyan.
LUISA: Kung hindi kayo, sino??
Tanong ni Luisa, ngunit desidido pa rin ang plano ni Jerry na ipagdiinan sina Ian. Sya lamang may lakas ng loob na magsalita at ipagdiinan ang mga ito dahil ang iba ay hindi pa rin sang ayon sa plano kaya't
JERRY: Sus! Sina Ian lang yan.
IAN: Hindi nga kami, ang kulit naman oh!
Iritadong bigkas ni Ian.
IAN: Imposibleng kami kasi nakareceive din ako ng text. Ano yun, pagtitripan ko sarili ko, ganun?!
Dugtong nya.
MARICAR: Na-nakareceive ka din ng text?
IAN: Oo!!
Nakaramdam sila ng kaba. Kung nakareceive din si Ian ng text message, sino yung may gawa ng text message na yun??
JERRY: Sus!! Mga trick mo iyan.
IAN: Seryoso, naka receive nga rin ako ng text.
RANDY: Weh?
IAN: Naku! Kung ayaw nyo maniwala, kayong bahala. Basta hindi tropa namin ang may gawa nyan.
Bigkas nya at pagkatapos nun ay kanyang nilayasan ang mga ito dahil sa pagkairita.
LEA: Hala, nag walk out si Ian.
Nagkatinginan na lamang sila.
JERRY: Sus! Sila naman kasi talaga yung may pakana nun e. Gusto nilang pagtripan yung buong tropa namin.
JANICE: Buong tropa?
Pagtataka nya dahilan upang mapalingonang lahat sa kanya.
JERRY: Oo, buong tropa.
JANICE: Teka, kung buong tropa nyo. Bakit parang hindi naman ata kasama sa nakalista yung pangalan nina Luisa?
Bigkas nya. Nagsimula namang magtaka sina Franklin at kabahan sila Jessica.
NANCY: Oo nga, parang hindi naman kasama sina Franklin sa nakalista. Bakit naka specified lang yung mga pangalan??
Lalo pa nilang pagtataka. Walang maisip na idahilan ang lahat sa kanila. Hanggang sa mayroong napansin si Franklin sa text messages.
FRANKLIN: Oo nga noh, teka parang alam ko na yung similarities ng mga nakalista rito.
Bigkas ni Franklin habang nakatuon ang mga mata sa cellphone ni Nancy. Natahimik ang dose at lalo pang pinagpawisan.
NORMAN: Ano yun, Franklin?
FRANKLIN: Wala.. Napansin ko lang, yung labing tatlong pangalan na nakalista dito. Di ba kayo-kayo rin yung magkakasamang nagpunta sa Baguio?
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XI
Start from the beginning
