Napalunok ako sa mga narinig ko pagkatapos ay nagbaba ng tingin. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko at inabala roon ang sarili. Nanginginig ang mga daliri ko habang pumipindot sa screen. Kung ano-ano lang ang pinagpipindot ko para lang abalahin ang sarili. Alam kong hindi lang ako ang nakarinig ng usapan nila pati na rin ang ibang malapit sa kanila ay narinig iyon dahil napatingin ang mga ito sa akin.

Hindi ko man gustong pakingan pa sila ngunit umabot pa rin ang mga boses nilang nagtatawanan sa pandinig ko. Natigil sa pagpindot ang daliri ko sa sunod na sinabi ng isa sa kanila patungkol sa akin. Mariin kong nakagat ang ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang dugo roon.

"Kapag lumaki talaga sa luho hindi kakayaning maghirap kaya kahit ang katawan gagamitin hindi lang maghirap. Paano kaya pinalaki 'yan ng mga magulang, no? Sabagay, buhay pa naman ang mga magulang niyan ganyan na daw 'yan. Pinababayaan lang at hindi dinidisiplina." Naiiling na sambit ng babaeng nagyaya sa akin.

I slowly put my phone down on my lap when they finally got out of the room.

Bigla akong nawalan ng ganang sumama pa pero ayoko namang may masabi ang iba sa akin kapag nagback out ako kaya kahit labag sa loob ko ay sumama pa rin ako sa kanila.

When we arrived at the bar, we immediately occupied the vacant table. And since we couldn't fit into just one table, the others had to sit at different tables. They quickly ordered five buckets of beer as soon as we sat down. Nakahinga ako ng maluwag nang sa ibang table umupo ang grupo ng babaeng nag-alok sa akin na sumama sa kanila sa restroom.

My eyes scanned the entire bar and it was already full. Late naman na rin kasi kaya talagang marami na ring tao. Several people are wildly dancing in the middle of the dance floor. Some of them are no longer dancing and are already making out in front of everyone, putting on a free show for us, but no one pays attention to them because everyone is preoccupied with their own business.

One of the guys at our table raised his glass.

"This is for Miss Samonte's excellent performance!" He proudly said while keeping his eyes on me.

Naghiyawan naman ang lahat sa sinabi nito kaya pati ang nasa ibang lamesa ay napatingin rin sa table namin sa lakas ng tawanan ng mga kasama ko. Tuksuhan pa ang naganap bago nila itaas ang kanilang mga baso kaya kahit nahihiya ay tinaas ko na rin ang sa akin.

"May asawa na 'yan si Miss Samonte kaya wala ka ng pag-asa d'yan! Humanap ka ng single! Kunwari ka pa d'yan! Alam naman naming type mo itong si Miss Samonte unang kita mo pa lang. I'm sorry to burst your bubbles, but she's already off the market!" Nang aasar na sambit ng babaeng nakaupo sa tapat nito.

The man chuckled awkwardly and shook his head. Biglang namula ang magkabilang pisngi niya.

"Hindi ko naman nililigawan! Stop it, guys! Nakakahiya na kay Miss Samonte." Natatawa paring sabi niya habang nakatingin sa akin.

Maliit naman akong ngumiti sa kanila. Hindi komportable na ako ang paksa ng usapan.

"Actually, wala naman akong asawa." Paglilinaw ko sa kanila para mawakasan na ang mga maling akala nila tungkol sa akin.

They all looked at me after I said that. Their expressions were stunned, as if they couldn't believe what I just said. It took a long time for them to recover from the shock.

"B- But you have a child, right?" Maingat na tanong ng baklang photographer namin nang makabawi sa pagkabigla. Titig na titig sa akin katulad ng iba.

"Meron nga pero wala akong asawa. I've never been married either." Sabi ko pagkatapos ay dinampot ang baso ko sa ibabaw ng lamesa at dinala iyon sa mga labi para simimsim roon.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartWhere stories live. Discover now