27. Savior and Alphas

42.2K 1.8K 876
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"Congrats, Miss Eduardo. You are not prone to any health risks as well as your baby." Tumayo ako at nagpasalamat kay Dra. Trinidad—ang babaeng doctor na nasa edad na late fifties na siyang nagsagawa ng tests para siguraduhing ayos kami ng dinadala ko. Nakipagkamay sa akin ang doktora na tumingin sa akin. She also handed me the results.

"Go back on your set schedule for check-ups and don't forget to eat a healthy diet." Tumango ako at nginitian ko siya.

"Salamat po, doc."

Inakay ko si Badiday palabas ng opisina nito. Mag-aalas tres na ng hapon. I'll treat her to the mall before we go home. Sa may SM na rin kami sasakay ng van pabalik ng San Andres at bibili pa ako ng pasalubong sa mag-lolo.

Isa pa, pagod din ang bata sa b'yahe. Hindi yata ito sanay sa pagsakay ng van, kaya sumuka ito nang sumuka. Mabuti na lang at may nakareserbang plastic ang driver.

Sumakay kami ng tricycle papuntang SM. Medyo masama pa rin ang pakiramdam ni Badiday na nakasubsob ang mukha sa hita ko sa b'yahe namin papunta ng mall. Kung pwede ko nga lang buhatin ang bata ginawa ko na. I can really tell she's not feeling well, nawala ang pagiging madaldal niya.

I asked her where she wanted to eat first. Pero hindi naman sumagot ang bata. Dinala ko na lang siya sa jollibee. I made her sit on the table and I ordered her spaghetti with a piece of chicken and fries.

Nag-order din ako ng take out para kana Mang Kanor at Titing. They called us earlier to check on us. Ikinuwento ko ang nangyari kay Badiday. Hindi lang daw siguro ito sanay sa b'yahe kaya ganoon ang nangyari.

I'm really happy and thankful I found them. They didn't hesitate to let me stay in their home although I have a confusing background. They didn't even consider me as someone who is trouble. Nagtiwala sila.

Mapayapa ako na sila ang kasama, ang wholesome lang unlike that someone, puro kahalayan ang nasa isip.

Hinayaan kong kumain si Badiday. Maliliit ang subo niya pero pinilit naman niyang ubusin iyon.

"Anong gusto mong gawing sunod? Gusto mo mamasyal muna rito? Bumili ng damit?" I gave her options. Umiling naman ito at yumupyop sa mesa.

"Me is pagod. The beybi is pahinga," mahinang wika niya. Natawa naman ako.

"Kaya mo pa? Gusto mong kargahin ko na lang ikaw?"

Nanlaki ang mata nitong napatingin sa akin. "Bawal! Kaya ko pa!" sabi nito. "Malilintikan ako kay master," bulong pa niya habang muling sumusubsob.

I let her rest for awhile. She needs that. Mahaba pa ang b'yahe. Mahihirapan na naman siya roon kung sakali. Sana hindi.

Tinapik ko nang mahina ang braso niya para gisingin ang bata nang mag-alas kwatro. We left the Jollibee and headed to the exit. Dumaan muna kami sa Dunkin Donuts at Mang Inasal para bumili ng makakakain. I don't want to eat fastfood, I lost appetite seeing the spaghetti sauce. Nasusuka ako but I tried to divert my attention. Natatakam ako ss chicken ng Mang Inasal.

Maling exit ang nadaanan namin but instead of going inside the mall again. Nagdesisyon na lang akong dumaan sa tabi at libutin ang gilid ng SM. Nakahawak ako sa kamay ni Badiday sa kaliwa ko.

Napasinghap ako ng may humila sa kaliwang braso ko. Mariin iyon. Nakaramdam ako ng patalim na nakatusok sa may tagiliran ko. Nahihintakutan akong lumingon sa lalaki na mukhang manyak. Nakangisi ito sa akin.

"Holdap 'to, Miss Ganda. Wala akong pakialam kung hindi mo ako naiintindihan." Ngising-demonyo niyang sabi. Trigger's smirk seemed to be a fantasy and this one is the reality.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now