18. Ambush of Death and Love

49.5K 1.6K 358
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Tiòfilo Alkeides del Fuego.

Meeting the father isn't the same with the normal. It's much different meeting Dylan's parents. Dylan's family are too casual, while Trigger's father is intimidating and threatening. Teka, bakit ko nga ba pinagco-compare? Dylan is my ex-boyfriend. Samantalang si Trigger, hindi.

He reminds me of Trigger but more lively than he actually is. He knows how to laugh not that Trigger doesn't know that but often than him. He finds everything funny. He has that happy-go-lucky aura. It won't change the fact that he's a dangerous man, maybe more dangerous than Trigger.

Mas experienced na ito sa ganitong larangan. His presence only makes my knees tremble with fear. Kung hindi dumating si Trigger, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pakiharapan ang ama niya. Or would I still be alive after my encounter with him?

Tatlong araw na ang lumipas nang dumalaw ito sa penthouse. Since then, mas humigpit ang security. It's not just my bodyguards who are in charge of the safety, mas maraming tauhan ang ipinalagay ni Trigger para bantayan ang penthouse.

Wala akong ideya sa nangyayari. I guess, there's something serious and deadly affairs going on. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Trigger. It's his dad. Is he serious about thinking his father might harm us? But I couldn't also trust his father.

Trigger stays in the penthouse most of the time. Madalas itong mukhang may iniisip. But he would still annoy me. Hindi nito ako pinapayagang lumabas. Everything we need is bought by his men. Wala namang problema sa akin at hindi ako nagmatigas. Mas mahalagang ligtas kami.

"What?" I arched a brow.

Kanina pa ito tingin nang tingin sa gawi ko. He was just looking at me. It was keen and intense. It was creeping into my system. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang bagay na iyon.

Maybe, it requires some talent. Minsan nakangisi siya but his eyes says otherwise. Sometimes, he looked serious but there's a glint of naughtiness in his eyes. And most of the time, it was just a dead stare unreadable and no emotions but it always switched up into something warm as he looks at me.

"Kain na,"

Inilagay ko sa mesa ang dala kong pagkain. He requested a sandwich and a black coffee.

"Come here." Umirap ito ng hindi ako sumunod. "Aren't you gonna eat?"

Umiling ako. Pinagmasdan ko lang siyang kumain. Naupo ako sa harap niya.

"Dito ka sabi," nakasimangot nitong wika.

I shook my head and rolled my eyes. Sumunod din naman ako sa kanya. Lumapit ako rito. But instead of sitting in the chair next to him, I found myself sitting in his strong lap.

Medyo mataas ang tayo namin but he was able to get me. He munched his sandwich. Hawak niya ako sa beywang habang ang isa naman ay nakahawak sa sandwich.

"Do you feel bored here?" halos bulong na tanong nito sa may tainga ko. Malinaw naman iyon sa pandinig ko dahil sa mismong tainga ko siya nagsalita. It made me quiver. Hindi ko alam kung nanadya si Trigger o may balak siyang akitin ako.

"Do you wanna go out?" he asked.

Nilingon ko siya. It was a bad idea. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. "Hindi ba delikado? I can stay here, sa susunod na lang. Ang mahalaga, walang mangyaring masama."

I hate the fact that every time I go out without him, may nangyayaring hindi maganda.

Mukhang wala naman siyang narinig nope, hindi siya nakikinig. He wasn't looking at me. Hindi nagtama ang paningin namin dahil sa ibaba siya ng mata ko nakatingin.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon