22. Choices and Rising Doubts

41.7K 1.4K 215
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

TRIGGER WARNING: SPG. Read at your own risk, or better skip.

This can't be.

Si Pablo!

Anong ginagawa niya roon? Bakit siya nakagapos? Duguan ang kanyang mukha. They are torturing him. Bakit kinuha nila si Pablo? Anong gagawin nila sa kanya? Wala akong maintindihan sa nangyayari.

Paano siya napasok sa sitwasyong ito? Dahil ba iyon sa akin? Ako ba ang dahilan kung bakit siya nasangkot at napahamak?

They said he's a spy, but that's impossible. I know Pablo. Mas bakla pa iyon sa bakla. He can't do such thing. Baka napagkamalan din siya kagaya ko.

Gusto kong umiyak. Naaawa ako sa lagay niya pero wala akong magawa. Mas lalo kaming malalagay sa panganib kapag gumawa ako ng isang maling hakbang.

Dala ang kaba at bigat ng dibdib ko. I decided to leave the basement. I wanted to confront them, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong pag-isipan ang hakbang na gagawin ko. Baka lalong mapahamak si Pablo. Baka pareho kaming mapahamak. I don't want that to happen.

Gulong-gulo ang isip ko sa mga nakita ko. Galit na galit si Trigger. I can see it. I can feel it from the distance. Nakaramdam ako ng takot. Parang bumalik iyong dati.

Hindi siya ang Trigger na nakasama ko ng ilang linggo sa Metro. Iyon ang unang Trigger—the devil with oozing testosterone and no temper.

I wanted to ask Trigger. Gusto kong malaman kung anong nangyayari. I wanted to hear their side as well.

Kinalma ko ang sarili ko. Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga. I couldn't find words. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Nanlalamig ang buong katawan ko. Pati ang pawis ko ay malamig.

Mabuti na lang at walang bantay doon. They didn't notice me. Their attention was focused on the victim. Mabilis akong nakaalis sa basement.

Nanginginig pa rin ang kalamnan ko ng makarating ako sa kwarto. Nagkulong ako ng ilang oras. I didn't bother to eat. I was trying to think thing through, hanggang sa makatulog ako.

Dapit hapon nang magising ako. I was with someone. Nakahiga si Trigger sa tabi ko. At siya ang unang bumungad sa akin. Nakapatong ang kamay niya sa parteng tiyan ko. Nakatitig lang ito ng may ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung paanong nangyari pero nawala ang pangamba ko sa katawan. Napalitan iyon ng saya. Ganoon na lang ang epekto sa akin ni Trigger. I hugged him. Sumubsob ako sa dibdib niya. Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya.

Hinalikan niya ako sa labi ng bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Bago pa man ako mawala sa sensasyong ipinapalasap niya sa akin. Itinulak ko siya at tinakpan ang aking bibig.

"What?!" Kunot-noo nitong tingin sa akin. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay sa bibig ko pero hindi ako nagpatalo.

"Bawal! Bad breath pa."

He smirked. "Doesn't matter. I missed you." He tried his luck again, nagawa niyang tanggalin ang kamay ko. He kissed me again.

May pag-aalinlangan man, I kissed him back with the same intensity.

"You got the sweetest lips." Sabi niya ng matapos akong halikan.

Kinurot ko siya sa tagiliran. Hindi man lang nasaktan. "Kanina ka pa ba?" tanong ko rito. I just looked at him. I wanted to see his eyes.

Tumango ito. He was caressing my hair.

"Why weren't you calling me?"

"I got busy." He stopped. "With things."

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora