13. What Freedom Means

54.4K 1.8K 267
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Surprisingly, Trigger wasn't mad. His face was pleasant to look at. No arch brows. No dagger looks. Ang bright ng aura nita kahit nagkita kami ni Pablo and that made me really wonder what happened to him. I expected him to get angry.

It was unusual for him to be that calm. Pakiramdam ko may mali.

Speaking of Pablo, iniwan namin itong nakatulala pa rin sa kawalan at hindi nagproproseso ang utak sa mga sinabi ni Trigger o sa katotohanang magkasama kami ni Trigger. Kung iba lang talaga ang sitwasyon, malamang ay tinawanan ko na siya. Pero pareho kaming shocked sa nangyayari.

Natauhan lang ito ng pasakay na kami ng kotse at nagmamadaling hinabol kami. Umakto pa itong hingal na hingal sa tapat namin.

"Can I have a minute with my friend, fogeh?" malandi nitong tanong kay Trigger. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat.

He's back with his eyes glittering with admiration for Trigger.

Sumulyap ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa beywang ko. His forehead creased. Gwapo pa rin. Mas lalo na kapag kunot na kunot ang noo nito o matalim ang mga mata. It's kinda weird that someone looks more handsome when he is angry.

"You can talk to her. With me. In here." maangas na sabi ni Trigger. Kulang na lang ay magtagis ang mga ngipin nito.

Hindi naman natinag ang bakla. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong kausapin. Iniisip ko kung nahalata ba nito na may mali sa set-up namin.

"Oh my goodness!" he shrieked. "Don't be jealous of me, my dear. Mas babae pa ang puso ko kaysa sa babaeng iyan. And she should be the one threatened, not you! Kasi kung may balak man akong agawin, ikaw iyon!" sabi niya pa kay Trigger sabay halakhak.

He even bit his lower lip. Gusto kong matawa, pero mas natatakot ako para sa kalagayan niya. You can't joke like that on Trigger.

Tumagilid ako kay Trigger. He looked at me. Mas mataas pa rin siya sa akin kaya kinailangan ko pa siyang tingalain. Pumulupot ang kamay ko sa katawan niya. It looks like I'm hugging him on the side.

Alam kong hindi ako dapat nalulunod sa mga matang iyon, but every time I look at him, nawawala ako sa wisyo. I tried to focus my mind.

"Let me talk to him, please. I won't say anything and won't do anything stupid, I promise." I said sincerely.

Wala naman kasi talaga akong balak gumawa ng ikagagalit niya. Ayoko ring mapahamak si Pablo ng dahil sa akin. Hindi ako kayang ipagtanggol ng bakla. At hindi niya kayang makipagsuntukan lalo na sa ganito ka-gwapong lalaki.

Bibigay si Pablo at ipagkakanulo niya ako. That's for sure.

"Seal that promise," utos nito.

Gusto kong panlakihan siya ng mata pero hindi ko ginawa. Kinalma ko ang sarili ko at hinalikan s'ya sa pisngi.

Tiningnan niya ako nang masama bago niya ilapat ang labi niya sa labi ko. It was a soft, passionate kiss we shared. Natauhan ako ng maalala ko si Pablo. Ako na ang unang nagbitiw. And I looked as red as the tomatoes right at the moment.

"That's how you do it, that's how you seal a promise," he gave me a peck on the lips again.

Nakatanga lang ako sa kanya. Hindi ako makagalaw. I was having an eye to eye contact with him. I was drowning with that dark brown eyes.

Oh, gosh!

Marahan niyang iniangat ang baba ko.

"Your friend is waiting," I saw a slight smirk.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon