7. Escaping from Hell

50.8K 1.7K 278
                                    

CHAPTER SEVEN

Defiance. The thing that was keeping me alive and sane within the days I was losing hope.

I'll die for sure. But the thought of defying my fate wouldn't hurt. Sabi nila, nothing is impossible, all I have to do is imbibe it and dare to believe. What seems to be impossible is leaving the island without creating chaos.

Sabagay, ang pagtakas sa isla ay isang malaking kahibangang maituturing. The moment I try to escape their grasp would mean my death. Wala akong ibang pagpipilian. But I would rather die honorably than stay in this hell paradise and do nothing.

Isa lang naman ang kahihinatnan ng lahat. Mamatay ako maging mabuti man ako sa mga taong nagdala sa akin dito. Pinapaaga ko lang ang aking pagkamatay sa pagtakas na gagawin ko. Wala akong pakialam. It's all about taking risks. Walang kasiguruhan sa mundo.

The plan is tonight.

Gusto ko nang makaalis sa isla. Ayoko nang magtagal pa rito at makasama ang gagong nilalang. Kapag mas lalo akong tatagal pa rito, baka tuluyang mabaliw na ako. Hindi rin imposibleng mangyari, given my situation.

May umaaalis na barko hindi naglalayo sa oras tuwing may naghahatid ng pagkain sa kwarto. It's the right time to escape. Ganoon lagi, may barkong darating dito ng umaga at may aalis naman kapag gabi. Maybe, it's some kind of transaction or shipping some illegal baggage from this place to another. I don't want to know.

Mas maraming alam sa kanilang transaksyon, mas lalong mapapadali ang buhay ko.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbababad sa bath tub ng banyo. I wanted to relax for the remaining hours of my life. Gusto kong matanggal ang stress, takot at pangamba ko. Pero kahit yata lunurin ko ang sarili ko ng isang buong araw, hindi mangyayari iyon. Mas lalo ang lumakas ang kaba ko nang tumagal ako sa pagbababad. I don't want to think this will be the last bath I'd ever take.

Hindi ko nakuha ang sagot na hinihiling kay Trigger. As if, sasabihin niya sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman. Eh, tarantado iyon.

I sighed.

I miss the city. The traffic, tall buildings, alikabok, siksikang mga tao and everything that reminds me of it. I terribly miss my friends. Kahit dalawang tao lang ang maituturing kong kaibigan.

Ayoko namang mawala ng hindi man lang nakakapagpaalam kahit kay Rainbow o kay Pablo. Sila na lang ang meron ako. At sapat na sila para gustuhin kong mabuhay, not just for them but for myself. I don't want to die without living my life to the fullest.

Baka magkaayos pa kami ng pamilya ni uncle Lucas o ni Dylan. Hindi dahil gusto kong balikan siya, but for closure. Mayroon pa siguro akong purpose. Maybe, to change someone's life or my life be changed by someone. I'm holding onto that thought.

One thing that it helped me, I was able to recover from my heartache. Mas na-pokus ang atensyon ko sa pangyayaring ito kaysa damhin ang pagkawala ng taong dapat ay pakakasalan ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupulutin sa pagtakas ko ng isla. Hindi ako pwedeng tumuloy sa bahay ni Rainbow, baka pati siya ay madamay sa kaguluhang hindi ko naman pinasok. Pati rin kay Pablo.

Wala akong pera. Wala akong trabaho at hindi ako pwedeng magtrabaho. Minasahe ko ang noo ko. Bahala na. Ang kailangan ko munang isipin ang pagtakas ko sa isla.

Mas mapapahamak ako kung nasa poder nila. They are no saints. They are devils hiding in a total knight in shining armor façade.

Lumabas ako ng banyo wearing a robe. Naiwan ko ang damit sa kama. Alam kong hindi ako dapat makampante na lumalabas ng naka-roba dahil all boys ang islang ito at maaari silang pumasok sa gustuhin nilang panahon but I'm still preoccupied of my own misery. Lumilipad sa hangin ang isip ko.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now