PROLOGUE

5 0 33
                                    

At age of 19, kinausap na ako ni papa para mag-train at pag-aralan ko ang pag-handle ng resort namin. Sa una ay ayoko pa dahil hindi ko alam kung magiging successful ba iyon kapag ako na ang magma-manage no'n at ayaw rin naman ng bunsong kapatid ko na si Aaliyah na malayo sa akin kaya hindi rin ito pumapayag sa gusto nila Dad at mas nagprotesta pa ito kesa sa akin nung malaman iyon. Masyado kasi kaming malapit ng kapatid ko kaya nasanay s'ya na palagi nand'yan lang ako sa tabi niya.

Kalaunan ay pumayag na rin ako sa gustong mangyari ng papa ko pero binigyan rin muna ako ni papa ng panahon para pag-aralan muna ang resort bago tuluyan na pinag-trabaho roon. At age of 21, doon ko pa lang tuluyan na sinubukan na magtrabaho roon pero sa pinakamababa muna ako nagsimula roon.

Lahat ng trabaho sa resort namin ay sinubukan at ginawa ko para lang mas maintindihan ko kung paano tumatakbo ang mga gawain sa resort namin para lang mas mapaayos ang pagmamanage ko dito. Marami ang tumutulong sa akin, hindi lang si papa kundi pati ang mga tauhan niya ay tinuturuan ako kaya madali lang akong natuto roon.

Sa simula ay nalungkot ang kapatid ko nung umalis ako sa bahay namin at nung hindi na ako madalas nakakauwi sa bahay dahil sa trabaho pero kalaunan ay nasanay na rin naman siya at tinatawagan na lang ako pero sa ngayon parang mas gusto niya pa nga ata na wala ako dahil mas nagagawa niya 'yong mga gusto at kalokohan niya sa buhay, tulad na lang ngayon, hindi niya na naman sinipot 'yong tutor niya.

["Ee, kasi naman, Kuya! Kung umuuwi ka kasi dito e'di sana may nagbabantay sa akin ngayon kaya hindi ko magagawa 'yon."] Talagang kasalanan ko pa ngayon, ah... Bumuntong hininga ako at tinigil na muna ang ginagawa sa aking laptop.

"Uuwi din ako kaya magtino ka na. Dahil kung hindi, talagang malalagot ka na sa akin," banta ko sa kanya at tumayo muna ako para magtungo sa balcony ng suite ko at makapag-pahangin na muna.

Sa isang suite namin dito sa resort ako laging nananatili kapag nandito ako. Sa tagal na pag-stay at pagtrabaho ko rito ay binigay na sa akin ni Dad ang isang floor habang nananatili ako dito para daw hindi ako maistorbo. Nagustuhan ko na rin dito dahil presko at sariwa ang hangin. Malayo rin sa magulong lugar na kinagasnan ko.

["Uuwi, uuwi, ee, hindi ka naman umuuwi. Ilang buwan ka nang nand'yan! Hindi ka ba d'yan nagsasawa? Hay!"] madiwarang aniya. Hindi ko alam kung maiinis o mangingiti ako sa kapatid ko.

"Next month uuwi na ako." Rinig ko ang pagbuntong hininga n'ya at sigurado ako kung anong sasabihin n'ya sa akin 'Narinig ko na iyan' or 'Sinabi mo na iyan'

["Hay nako! Sinabi mo na 'yan last month pero hindi naman totoo. Tsk!"] Rinig ko may kumatok sa background niya at may nagsalita rin na kasambahay namin. ["What?! What the fvck is he doing here?"]

"Aaliyah, your words..." seryosong saad ko.

["Uh, sorry, sorry, Kuya. Ee kasi naman... Hay! Sabihin noyo wala ako! I mean, pakisabi po wala po ako dito. Thank you po."] Hindi n'ya na malaman kung sino ang kakausapin n'ya sa amin at panigurado ako na kung hindi n'ya ako kausap ngayon baka nasermunan n'ya na 'yong mga kasambahay at guard namin.

"Just go and talk to him. Hindi rin maniniwala iyon na wala ka dahil sinabi ko na kakauwi mo lang," sabi ko dahil ayoko rin naman na magsinungaling pa siya at idadamay niya pa ang mga tauhan namin para lang makatakas siya.

["Fine! Fine! Kainis naman kasi... Hey, weirdo! Wait for me..."] Rinig ko pa ang sigaw niya sa kasambahay namin na agad naman huminahon ang kanyang boses pati ang padabog niyang pagbangon at paglalakad ay huminto rin naman.

"Sige na... I'll call you again. Kausapin mo muna siya." Rinig ko agad ang pagbuntong hininga ng kapatid ko pero wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa akin.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now