Sukat sa narinig, mabilis kong tinanggap ang cellphone niya para lang silipin ang binalita niya sa'kin.

Kahit papaano, nakaramdam ako ng ginhawa. Oo nga, nandito na pangalan ni Abby. Mukhang tama nga ang hinala ko.

"So, kaya ganyan ang hitsura mo ay dahil nakipagsiksikan ka sa mga estudyante para lang makita kung kasama na si Abby sa list?" Belle asked her.

Inabot ko naman sa kanya itong cellphone ko at mariing naghihintay naghihintay ng isasagot niya.

"Actually, hin-... Teka, ba't ang baho naman ata dito?" nagpalinga-linga pa siya na para bang hinahanap kung saan nanggagaling ang amoy na 'yon. "May nakatapak ba ng tae sa inyo?"

Napasinghot ako, na labis kong pinagsisihan. Inis na tinakip ko itong panyo sa ilong ko. "Sheki ang baho!" sigaw ko.

"Ilabas mo na nga 'yan. Pwede? Baka pati kami kabagin ee." segunda naman ni Belle.

Gusto kong matawa, pulang-pula na kasi ang bruha. Mukhang nagpipigil nga siya.

"Natatae kaba?" kahit na nakatakip ang panyo ni Ate Alice sa ilong, napansin ko parin ang pag-aalala sa tono niya.

Gusto kong kiligin kaso ang baho talaga. Parang bulok na ewan. Potek!

"Oo ee." para pa siyang hirap na hirap magsalita.

"Tara nga. Ilabas mo na 'yan. Masama magpigil ng tae."

Nakasunod lang naman ang tingin namin sa dalawa ng mabilis silang umalis dito sa kubo para lang pumunta sa pinaka malapit na restroom.

Doon na ako napabulanghit ng tawa. Bahala na kung mabaho, basta ang mahalaga makatawa ako.

"Ang sweet naman nila." natatawang saad ko. "Looking for sasamahan akong sagutin ang tawag ng kalikasan anumang oras." dagdag ko pa.

Nagtawanan na lang kami ni Belle dito. Ngayon ko lang din napansin na wala na pala si Lara dito sa Kubo. Mukhang may pinuntahan.

Mabilis lang namang tumakbo ang oras. Nagsimula na ulit kami sa practice. Maaliwalas na nga ang mukha ni Sheki kumpara kanina. Mukhang nailabas na niya ang dapat na ilabas.




"Marsela Mari Guia."

Ngumiti ako, bago tuluyang naglalakad papalapit sa gitna. Pero hindi pa 'man ako nakakarating sa gitna, narinig ko na agad ang boses ni Sheki.

"Bakit parang pang Victoria's Secret Model 'yang rampa mo?" malakas na hiyaw niya. "Go bakla! Patingin ng pisngi! Dali!" dagdag pa ng gaga.

"Ahh Sela best ghorl! Awoo! Awoo!" sabay na sigaw pa ni Ate Alice at Belle.

Nahihiyang napakamot na lang ako sa ulo ko. Kung kanina, ang ganda ng ngiti ko, ngayon nakangiwi na ko. Ako ang nahihiya sa pinaggagawa nila. Jusme.

Nahihiyang ngumiti na lang tuloy ako sa mga prof na nasa unahan at dali-daling bumaba dito sa stage.

Lakad takbo na ang ginawa ko para makabalik agad sa pwesto ko. At bago ako tuluyang umupo, natanaw ko pa si Abby na nasa gilid, nakangiting nakatingin sa'kin. Ngumiti lang naman ako pabalik at nag-iwas na agad ng tingin.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon