Special Chapter

1.7K 74 14
                                    

Koal's POV

"Ma, ingat kayo ni papa ha? Tapos pagdating niyo sa terminal-"

"Anak," pagpipigil pa ni mama sa mga gusto ko pang sabihin, "Kaya na namin, at saka...ipapahatid din naman kami ni Grey sa driver niya." Napataas naman agad ako ng kilay at kuwestyunableng binalingan ng tingin si boss.

"Driver? Kailan ka pa nagkaroon ng driver? Bo-ang ibig kong sabihin, G-Grey?" naman oh, nauutal parin ako pag binabanggit ko pangalan niya. Hindi ako sanay. Napangisi naman agad si Grey dahil sa aking reaksyon.

"Hmm...I think weeks ago?" parang hindi niya rin siguradong sagot sa'kin. Binalingan ko naman kaagad ng tingin ang ins ni boss, na kasalukuyang nakaupo ngayon sa couch dito sa mansyon nila at umiinom ng kape.

"Bakit iha?" pa-inosenteng tanong nito sa'kin sabay sim-sim niya ng kanyang kape. "Ma, sabi mo kanina sa tawag hindi pa nagigising si Grey? Tapos ngayon, malalaman kong may driver siya? At babae pa talaga ha?" naiinis na saad ko sabay krus ko ng aking mga braso sa aking dib-dib. Tiningnan ko naman mula ulo hanggang paa 'yung babae. Hindi ko ikakailang maganda siya.

Magsasalita na sana 'yung driver 'daw' ni Grey ng bigla ko nalang hinapit papalapit sa akin si Grey at ipinulupot ang sarili kong mga braso sa beywang niya. Habang nakataas kilay na nakatingin sa babae.

"He's mine." May diing turan ko habang nakakapit parin sa mga beywang ni Grey ang aking mga braso. Dahilan upang mapatawa silang lahat pati narin si papa na paminsan ko lang talaga makitang tumawa. Ano ba'ng problema nila?

"Tingnan mo Ben Lee, may pinagmanahan yata ang anak mo." Natatawang turan ni mama kay papa, napangiwi naman agad si papa dagil sa tinuran ni mama.

"Oo, seloso ako. Dapat lang, akin ka eh. Sa'yo lang naman din ako Edna nagkaganon." Sabay hawaj ni papa sa kamay ni mama at pinisil ito. Napangiti nalang ako sa aking nakikita ngayon.

Kahit gaano pa siguro ka raming pera ang dumating sa buhay ko. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang buhay ko ngayon. Sa kahit ano mang bagay dito sa mundo.

"I'm all yours, Koal. Remember that." Sabay pulupot niya rin ng kanyang mga braso sa aking beywang. At hinalikan ang aking noo dahilan upang mapa pikit ako ng aking mga mata at wala sa oras na mapangiti na lamang.

"Walang magkakatuluyan hangga't walang kasal na magaganap." Seryosong saad ni papa dahilan upang mawala ang ngiti ko sa mga labi at gulat na mapabaling agad ng tingin kay papa.

"Pero hindi pa po nagiging kami-"

"Ano naman kung hindi pa nagiging kayo? Ang gusto ko, secure ka na anak. Para kung mabuntis ka man ng lalaking 'to," Sabay turo ni papa kay Grey.

"Wala siyang pagpipilian kundi ang panagutan ka, dahil kasal na kayo sa batas." Umalma naman agad ako dahil sa sinabi ni papa.

"Pero pa-"

"Tama ang ama mo Koal," biglaang turan ni mama Ema, ang ina ni Grey. Tiningnan ko naman agad si Grey upang humingi ng tulong sa kanya ngunit nakita ko sa mga mukha nito na wala man lang kahit anong emosyon mula doon. Napayuko nalang agad ako dahil sa kahihiyahan.

Bakit 'diko agad naisip ang bagay na 'to? Baka ayaw talagang mag-settle ni Grey sa isang relasyon. Mas lalo pa akong nahiya sa aking sarili ng bigla nalang akong binitawan ni Grey sabay alis niya sa aming pwesto.

Napakagat labi nalang ako upang iwasang tumulo ang mga nagbabadyang luha na gusto ng kumawala kanina pa.

"Koal, may pagkakataon ka pa para mag back-out." Biglaang saad ni Francine sabay tapik niya sa aking balikat. Kahit kailan talaga. Napakaraming lalaking nakakasalamuha, pero wala man lang kahit ni isang jowa.

My Unknown Boss ||COMPLETED||Where stories live. Discover now