Chapter 8

1.5K 60 2
                                    

Koal's POV

I’ts been two weeks, since I last saw boss, “Hay, nasaan na kaya siya? Okay lang kaya siya?” Parang tangang tanong ko sa ‘king sarili, sabay lapag ng gamit ko sa mesa at tumingin sa table niya.

I miss him.

Piping saad ko sa ‘king sarili’t sumimsim sa dala-dala kong kape, at nagpatuloy nalang sa ‘king ginagawa.

At hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikita, ang aga-aga ko na ngang pumapasok sa opisina eh. Nagbabasakaling makita ko siya pero wala. Ang usual time na 7pm na uwian ko, is ginawa ko nang 10pm kahit na palagi akong nag-ta-taxi. Wala akong pake makita ko lang siya. Pero wala parin.

It’s already 11am in the moorning, nagtataka nga si Francine bakit daw masyadong maaga ako pumupunta sa trabaho at late na kung umuwi. Pero dinadahilan ko nalang na maraming schedules na dapat ayusin, para kay boss. Pero ang totoo wala naman.

Para akong lantang gulay na papasok sa kantina ngayon, “Bakit ba ang haggard ng mundo?” Parang sabog na turan ko sa ‘king sarili, sabay order na ng pagkain ko sa counter. “O, Koal iha parang wala tayo sa mood ngayon a?” Tanong nito sa ‘kin sabay bigay na ng order ko.

“Paano po bang manligaw?” Biglaang tanong ko rito, dahilan upang mapahinto ito si Ate Melinda sa kaniyang ginagawa at tiningnan ako na parang hindi ito makapaniwala sa ‘king sinabi, “Ikaw ang manliligaw?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa ‘kin at tumango naman ako dahilan upang mapangiti si Ate Melinda.

Huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Masyado ka namang agrisibo para sa isang babae iha,” Sabay tawa nito at tiningnan ako sa mata.”Karapat dapat ba siyang ligawan ng isang napaka inosenteng katulad mo iha?” Biglaang seryosong tanong nito dahilan upang mapangiwi ako sa sinabi ni Ate sa ‘Inosente’ thingy.

At bigla nalang akong napangiti ng maalala ko ‘yong unang araw ng pagkikita namin. Sa rooftop. Dati pagna-aalala ko ‘yon nasusuka ako, pero ngayon. Ewan ko, pero napapangiti na ako.

Nasaan na kaya si Nikko ngayon? Sana pinagbabayaran na niya mga kasalan niya sa prisinto.

“Iha, kanina ka’pa ngiti nang ngiti riyan. Tinatanong kita, kung nararapat ba siya para sa ‘yo.” May ngiti na saad sa ‘kin ni Ate Melinda, “Oo naman po, at sobra-sobra pa.” May ngiting turan ko rin pabalik rito dahilan upang mapatango-tango ito at nginitian ulit ako.

“Tungkol sa panliligaw na ‘yan, hindi kita matutulungan iha. Hindi ko rin ‘yan nagawa sa asawa ko haha. Ito yata ang unang pagkakataon na nakarinig ako na babae yung gusto manligaw at hindi yung lalaki,” Saad pa nito na napailing-iling ngunit may ngiti sa mga labi.

“Gusto ko lang naman na matanggap niya rin ang sarili niya Ate Melinda sa pamamagitan nito. Gusto kong maramdaman niya rin na may mga tao pang gusto at willing na magmahal sa kaniya.” Malumanay na saad ko habang si Ate Melinda naman ay nangingiting tiningnan ako sa mata.

“Palagay ko iha, sa dinami-rami ng nanliligaw sa ‘yo, nakita mo na ang katapat mo,” Paninimula pa nito sabay abot niya sa ‘kin inorder na softdrink. “Just be careful iha, hindi sa lahat ng oras ay kakampi mo ang panahon.” Sabay paalam na niya sa ‘kin at ako naman ay pumunta narin sa pinaka dulong table dito sa kantina.

Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa gilid ng canteen ngayon, mayroon kasi kaming sariling garden dito sa gilid ng canteen, o diba? Ang sosyal haha. Bumalik nalang ako sa reyalidad ng biglang may tumawag sa ‘king pangalan.

“Koal! Nandito kalang pala,” Hingal na hingal na saad ni Francine sa ‘kin sabay lunok nito sa sarili niyang laway bago magsalita ulit. “May tumawag sa linya at hinahanap ka, ang sabi niya siya daw yung nililigawan mo. May topak ata yun eh, haha. Babae manliligaw sa lalak—“

“Nasaan siya Francine? Nasaan?” Tarantang tanong ko kay Francine sabay hawak ko ng mahigpit sa magkabilang balikat niya, “B-Bhie, ano bang nangyayari sa ‘yo?” Parang naguguluhang saad ni Francine sa ‘kin ngunit binalewala ko na lamang ‘yon, at tumakbo na agad ako na walang kahit ano mang destinasyon.

“Koal! Saan ka pupunta, Malapit ng matapos ang lunch break!” Pahabol pa na sigaw ni Francinne, pero wala na akong pakialam nag-aalala ako na baka maulit na naman ‘yong nangyari sa opisina sa kaniya.

Sigurado akong si Boss ‘yon, hindi ako pwedeng magkamali.

Lakad takbo ang ginawa ko habang pa linga-linga ang aking atensyon kung saan-saan. Nagbabasakaling Makita ko siya. Pero wala. Akmang babalik na sana ako sa opisina ng bigla nalang napako ang paningin ko sa mga nagtutumpukang mga tao sa gilid ng isang coffee shop. Dahilan upang mapatakbo agad ako patungo roon, pinagtitinginan narin ako ng mga tao dito dahil tinaggal ko na ang sandal ko at naka paa nalamang ako.

And I stilled because of what I see. I see a guy wearing a hoody jacket with a mascara on his face habang naka yuko lamang ito at hindi gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. At halos lahat ng mga tao na nakatingin sa kaniya ay pinandidirian siya, at tinatapunan pa siya ng itlog sa pagmumukha nito.

Napakuyom agad ako ng aking kamao. Wala ba silang mga puso!

“Magnanakaw! Ibaba mo ‘yang maskara mo sa mukha at para Makita namin ang pagmumukha mong magnanakaw ka!” Sigaw pa nong isang babae, na base sa tindig nito at pananamit ay nasa 30’s na ito. Akmang tatapunan na naman sana ulit niya yung lalaki, nang hindi na ako nakapag timpi pa’t sinampal ko kaagad siya ng walang pag-aalinlangan dahilan upang mabaling lahat ng atensyon nila sa gawi namin.

“Wala kang galang! Sino kaba ha—“

“How dare you to accuse him without even a single evidence!” Galit na galit na saad ko sa manang habang nakahawak parin ito sa namumula niyang mga pisngi. Sabay baling ko ng tingin sa iba pang mga tao rito, “May pruweba ba kayo ha?” Paninimulang saad ko pa sabay tingin ko sa gawi ng lalaki, na ngayon ay nakatingin narin pala sa ‘kin. Pero bigla nalang itong yumuko na parang nahihiya sa sarili niya. Dahilan upang mas magalit pa ako.

Pwes, Kung hindi niya kayang magalit para sa sarili niya. Ako ang magagalit para sa kaniya.

“I will file a case for this! And you.” May diin na saad ko sabay turo ko sa manang na sinampal ko kanina, “I’ll make sure na pagbabayaran mo ang pang-aakusa mo sa kaniya.” Sabay turo ko sa ‘king likuran kung saan naroon ang lalaki.

Habang papalapit ako sa kinatatayuan niya, para akong sinampal ng ilang beses dahil sa nakikita kong itsura nito ngayon. Puno siya ng malalagkit na eggyolk ng itlog at nagkalat ito sa kabuuan ng jacket niya.

Bakit ba hinahayaan niyang apihin siya ng mga gan’to? Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili sabay lapit ko rito at hinawakan ang maskara niya sa mukha dahilan upang gulat na mapatingin agad siya sa ‘kin.

“Boss. Halika na, bumalik na tayo sa opisina” Malumanay na saad ko dito at nginitian siya, habang si boss naman ay parang napako sa kinatatayuan nito at nakatingin lang sa ‘king mga mata.

Mukhang walang balak itong umalis sa kinatatayuan niya kaya ako na mismo ang humila sa kaniya. Akmang aalis na sana kami ng biglang magsalita ulit si manang na sinampal ko kanina.

“Wala kang modong babae ka, ano ka’ba niya ha!” Galit na sigaw ni manang dahilan upang mapahinto kami sa paglalakad, at nilingon ko siya. And I just gave her a bored look.

“Ako ang manliligaw niya bakit!” Biglaang sigaw ko rin rito, dahilan upang mapanganga silang lahat sa ‘king sinabi. At ang katabi ko naman ay parang na estatwa nalang bigla.

Hala, Mali ba ‘yong nasabi ko? Dapat ba, boyfriend nalang? Pero yun kasi yung na’sa listahan sa google e. Kapag may nililigawan ka raw, dapat ipagtanggol mo.

Piping wika ko sa’king sarili at hinila ko nalamang si boss palayo doon.

My Unknown Boss ||COMPLETED||Where stories live. Discover now