Chapter 17

1K 49 2
                                    

Koal's POV

Parang wala ako sa wisyong nagluluto ng agahan ko ngayon, at imbes na asukal ang maitimpla ko sa aking kape ay isa’t kalahating asin tuloy ‘yung nailagay ko.

“Jusko naman Koal…maghunos dili ka!” kastigo ko pa sa aking sarili at inilagay nalang sa lababo ‘yung kape. Sabay sukbit ko na ng aking bag at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin sabay ngiti.

Ngunit bigla nalang napawi ang ngiti ko ng maalala ko na naman ‘yung nangyari kahapon, dahilan upang mapa tabon ako sa sarili kong mukha. Bakit ko ba kasi ‘yon ginawa? At sa publiko pa talaga!

Bago ako tumuloy sa E Master’s Company, ay bumili na muna ako ng tatlong kape, para sa akin ‘yung isa, at ‘yung dal’wa naman ay para kay boss at kay Francine.

“Good morning Ma’am Lee,” masiglang bati sa aking ni manong guard.

“Good morning din manong,” pabalik ko ring turan sa kanya.

Akmang magpapatuloy na sana ako sa aking pag-lalakad ng bigla nalang nitong tinawag ang pangalan ko, dahilan upang mapalingon ako ulit sa direksyon nito.

“Yes, manong?”

“Umm…p-pwede po bang pa picture?” nagtataka naman ako sa mga ikinikilos nito, ngunit tumango nalamang ako sabay kuha niya ng kanyang cellphone sa bulsa niya at lumapit sa gawi ko. Sabay click na niya ng kanyang camera at ngumiti naman agad ako. Ang cute ni manong sa picture…nahiya beauty ko, haha.

“Maraming salamat po, Ma’am! May maiipakita na ako sa anak ko.” masiglang saad nito dahilan upang mapangiti nalang ako ng pilit.

Nagiging strikto na kaya ang Kompanya? Kaya pati mga empleyado, ay pinapa-picturan na nila?

Pero wala namang nabanggit si boss tungkol sa new policy na ‘yan, ah?

Sakto din namang pumasok si Francine sa entrance at nagtaka ako dahil nginitian lamang siya ng guard at hindi pinic-turan. Aba, may pa special treatment si manong? Tapos ako, pinahinto niya pa talaga?

“Oy Franci—“ Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin ng bigla nalang niya akong nilampasan. Na para bang wala itong nakitang Koal sa tagiliran niya. G-Galit ba siya?

Susundan ko na sana si Francine, ng bigla nalang akong natuod sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita kong balita sa malaking screen dito malapit sa entrance ng aming Kompanya.

Breaking News.

"Nagkakagulo ang social media ngayon dahil sa kumakalat na isang video ng dalawang magkasintahan sa isang beach. Na animo’y parang nagta-taping sila ng isang Korean nobela sa gilid ng dagat, sa lakas ng loob ng babaeng unang humalik rito sa pampublikong lugar."

"Ngunit may nakapag sabi rin sa aming estasyon, na ang naturang lalaki na nasa-video ay ang CEO pala ng kilalang Kompanya na E Master’s Company. Totoo nga kaya ito? Heto, pakinggan natin ang isang informant na itago nalang natin sa pangalang M."

“Andito po ba kayo, nong nangyari ‘yon Ma’am?” tanong ng reporter sa kausap nito. Wala ka talagang ibang makikita kundi ‘yung bunganga lamang ng nasabing informant nila.

“Opo, sa totoo nga po niyan, may vivid picture po ako nung guy at ‘yung girlfriend niya.” Magalang na tugon nito sabay abot niya sa reporter ng cellphone niya. Dahilan upang ipakita rin agad ito ng reporter sa harap ng camera.

Dahilan upang malag-lag lahat ng dala-dala kong kape, sa aking paanan at hindi ko man lang naramdaman ‘yung init na nanggagaling sa kape dahil sa kaba.

K-Kami ni boss ‘yan…

“Ikaw ba ‘yung nag-post no’ng video nila?” tanong na naman ng reporter.

My Unknown Boss ||COMPLETED||Kde žijí příběhy. Začni objevovat