PROLOGUE

3.2K 105 8
                                    

Prologue

"Anak, tutuloy ka ba talaga ngayon sa Manila?" Tanong sa 'kin ni mama, sabay lapag niya ng mga gamit ko sa sala namin. "Ma, kailangan ko pong makipagsapalaran doon, sayang naman po ang natapos ko sa college, kung hindi ko man lang magagamit 'yon," saad ko pabalik kay mama at napabuntong hininga na lamang ito. And I know, I won.

"Oh sha, sige, pinapayagan na kita." Saad ni mama sa 'kin dahilan upang mapayakap agad ako sa kaniya, "Salamat ma, mag-iingat ho kayo ni papa dito ha?" Malumanay na saad ko kay mama at napabaling agad ng tingin kay papa na kasalukuyang nakahiga ngayon sa kama. Sabay punta ko sa gawi nito.

May diabetes si papa, gusto ko nga siyang dalhin sa hospital pero hindi ito kaya ng bulsa ko. Plano ko nga noon na hindi nalang ako magtatapos sa koleheyo, para ipagamot nalang kay papa 'yung pera, pero hindi sila pumayag ni mama.

"Pa? Mawawala muna ang maganda at chinita niyong anak, ah? Maghahanap muna ako ng trabaho at sisiguraduhin kong maipapagamot na kita. Kahit saang hospital pa 'yan," Mahinang saad ko dito sabay pisil sa kaniyang kamay. Dahilan upang balingan agad ako ni papa ng tingin, bakas sa pagmumukha nito ang pag-aalala.

"Anak, hindi mo naman kailangang gawin 'to." mahinang saad ni papa sa'kin dahilan upang mag-usbungan ang mga luha ko sa makabilaan kong mga mata, ngunit pinigilan ko itong tumulo, para ipakita sa kanila na okay lang ako. Kaya ko.

"Pa, babalik din naman ang magandang anak niyo," Paglalambing ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi at niyakap ito. Sumunod rin naman si mama at nakiyakap narin sa 'min.

I'm so blessed, that I have a parents like them, at gagawin ko ang lahat para sa kanila. Kahit na ano pa ang pasukan kong trabaho ay kakayanin ko 'yon.

"Koal Lee, 24 year's old, are you perhaps a half Korean?" tanong sa 'kin ng nag-iinterview na lalaki sa aking harapan, habang ako naman ay parang maiihi na sa kaba. "Y-Yes Sir, ang ama ko ay pure Korean. Ang ina ko naman ay Filipina," Pagpapaliwanag ko rito sa kanya, napatango naman agad siya dahil sa sinabi ko. Habang nasa resume ko parin ang buong atensyon niya.

"I see...so may isang tanong lamang ako para sa 'yo, Miss. Lee." Saad nito sabay lapag ng resume ko sa gilid ng table niya at tumingin ng diretso sa mata ko. Dahilan upang manlamig ang kamay ko sa kaba.

'Wag kang kabahan Koal, kaya mo 'yan!

"Sige po, ano po 'yon?" diretsahang tanong ko kahit na kinakabahan na talaga ako. Huminga muna ito ng malalim bago nag-salita. "Are you willing to keep a secret?" Agarang tanong nito sa 'kin, dahilan upang mapatango agad ako. Gusto kong magtanong kung bakit pero wala na akong oras para diyan.

"Yes Sir. Kahit dalhin ko pa 'yan sa hukay, gagawin ko." Walang pag-aatubiling sagot ko sa kanya napangiti agad ito nang pagka-lawaklawak, at kinuha ang kanyang cellphone na nasa bulsa nito. Sabay tipa nito sa cellphone at may tinawagan.

"Hey bud. Already got one, finally." May ngiti sa mga labi na saad nito sa kausap niya sa kabilang linya. Sabay putol niya sa tawag at inilagay ang kanyang cellphone sa mesa at tumingin ulit sa gawi ko.

Jusko naman, para na akong maiihi talaga sa kaba!

"You're hired Miss. Lee, as the new Secretary of our CEO in this company." Sabay abot nito sa 'kin nang isang dokumento. "Congratulations," may ngiti sa mga labi nitong turan ulit sa 'kin, dahilan upang manlaki agad ang mata ko sa saya, "Talaga po? Maraming salamat po!" Gulat na saad ko rito, dahilan upang mapataas ang tono ng boses ko.

"Pasensya na po," Sabay yuko ko ng kaunti upang magbigay galang sa kanya at tumawa lamang ito.
"You will start tomorrow, but for now, just fill-up the forms and take your rest." May pinalidad na saad nito, dahilan upang mapatango nalamang ako at umalis na doon sa loob ng interview room.

This is it pa! Maipapagamot narin kita!

Maligayang saad ko sa 'king isipan, sabay tingin sa logo ng Kompanya na napasukan ko. "I will be the best Secretary in E Master's Company, I promise!" parang tanga kong saad sa aking sarili't umalis na.

My Unknown Boss ||COMPLETED||Where stories live. Discover now