Chapter 13

1.1K 46 2
                                    

Third Person’s POV

Kasalukuyang parang spy si Koal na nakabuntot sa kotche ng kanyang boss ngayon, saan ba kasi pupunta si boss? “Manong para po, hanggang dito nalang.” Agarang saad ng dalaga sabay abot niya ng kanyang bayad sa driver.

Akmang pupunta na sana si Koal sa kinaroroonan ng sasakyan ng kanyang boss, ng bigla nalang magsalita si manong driver.

“Pag-usapan niyo ‘yan iha, hindi lahat ng away ay nadadala sa habulan ng sasakyan. Wala kayo sa isang teleserye. Mga kabataan talaga,” Naiiling na saad nito sabay pa haru-rot na nito sa sasakyan. Aba’t! Grabe naman ‘tong si manong!

“Binayaran naman kita sa tamang presyo ah! Wala ka man lang ka-support-support!” Inis na wika ng dalaga at napairap nalang sa hangin. Sabay patakbong pumunta sa sasakyan ng kanyang boss, at sumilip sa bintana ng kotche nito. Ngunit laking gulat ng dalaga na wala na ito ro’n.

“Saan ko ngayon hahanapin si Boss?” Mahinang tanong ni Koal sa kanyang sarili sabay hilamos nito sa sarili nitong pagmumukha gamit ang kaliwa niyang kamay. At nagpakawala nalamang ng mabigat na buntong hininga.

“Para naman akong naghahabol ng nagtatampong Girl friend nito eh,” Wala sa sariling turan ng dalaga, ng bigla nalang may tumapik sa balikat nito.

“Ay kalabaw!” Gulat na turan ni Koal sabay baling niya ng tingin rito, “Kuyang guard naman, eh!” Inis na saad ni Koal rito sabay hawak niya sa sarili niyang dib-dib.

“Pasensya na po, Ma’am Lee. Akala ko po kasi kung sino kayo, uso kasi po ngayon ang carnap eh, nag-iingat lang po.” Sabay kamot ng guard sa sarili nitong batok.

D-Did he j-just said, Ma’am Lee?

“K-Kilala mo ako kuyang guard?” Sabay turo ni Koal sa sarili niya.

“Opo naman Ma’am, kayo po ang secretary ng CEO rito sa Kompanya,” may ngiti sa mga labing saad ng guwardiya kay Koal, dahilan upang manlaki ang mata ng dalaga sa kaba.

Patay, pa’no kung makita ako nila Francine dito? O, isa sa mga ka empleyado ko sa Kompanya? Naka day-off pa naman ako ngayon dahil may sakit ako. Pero heto ako at nagahahabol sa boss namin.

“Umm kuya, ‘wag mong ipagsabi na pumunta ako rito ngayon sa komapanya ah? Secret lang natin ‘to.”  Saad ng dalaga sabay harang nito ng kaliwa niyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Dahilan upang mapatango-tango nalamang ‘yung guard sa kanya.

“Ngunit Ma’am, ano pala ginagawa niyo rito?”

“Hinahanap ko kasi may-ari nitong sasakyan.” Sabay turo ni Koal sa kotche na nasa kanyang likuran. “Ahh, boyfriend niyo po ba ang may-ari niyan Ma’am? Nakita ko po siyang pumasok doon sa fire-exit Ma’am.” Sabay turo nito sa isang pinto at nilingon naman agad ito ng dalaga.

“Pero bakit naka hoody—“ Hindi na pinatapos ni Koal ang nais sabihin ng guard dahil agad na siyang kumaripas ng takbo papalayo rito.

“Pasensya na kuyang Guard, mauna na muna ako!” Pahabol pa na sigaw ng dalaga sabay kaway pa nito at nagmamadaling binuksan ang pinto at pumasok na nga ng tuluyan doon.

“Ang weird naman ng taste ni Ma’am, Lee.” Mahinang wika ng guard sa kanyang sarili, sabay balik na sa pwesto nito.

“Boss!” Sigaw agad ni Koal pagkapasok palang niya doon sa fire exit, sabay dali-daling pumunta sa may hagdan at tiningala agad ng dalaga upang tinngan kung may tao ba sa itaas.

And then, he saw a man wearing a hoody jacket sa pinakadulo na ng hagdan at sobrang layo na nito sa kinatatayuan niya.

“Grabe….seryoso ba si Boss? 26TH floor kaya ‘yong opisina niya!” And then Koal realized something, dahilan upang mabuhayan siya ng loob at lumabas ulit sa fire-exit at dumaan sa mismong entrance ng kompanya. Sabay pakita niya ng kaniyang ID sa guard.

Habang papasok ng Kompanya ang dalaga, ay nakasalubong pa nito ang kaibigang nitong si Francine. “Koal akala ko day—“

“Mamaya na Francine, may gagawin pa kasi ako.” Nagmamadaling turan ni Koal sa kanyang kaibigan sabay karipas nito ng takbo pa punta do’n sa pinasukan niyang maliit na pinto kaninang umaga.

“Ano bang nangyayari sa babaeng ‘yon?” takang tanong ni Francine sa kaniyang sarili habang nakatanaw sa kaibigang di-magkanda-ugaga sa pagtakbo, at napa-iling-iling nalang.

Hingal na hingal na nakarating si Koal doon sa maliit na pintuan. Sabay punas niya ng kaniyang sariling pawis gamit ang kaliwa nitong kamay.

Napahawak nalang bigla si Koal sa sementadong ding-ding doon, upang kumuha ng suporta mula dito dahil palagay niya anumang oras ay matutumba na siya.

Hindi ko na alam kung anong pinag-gagawa ko sa buhay…

Piping saad ng dalaga sa kaniyang sarili at tuluyan na ngang pumasok do’n. Sakto namang may nakita siyang taong lumiko sa dulo nitong hallway, at kahit na natatakot ‘to ay pinilit niya parin ‘tong sinundan at nakitang pumasok na naman ulit ‘to sa isa na namang pintuan.

Sigurado akong si boss ‘yon.

Ngunit natigilan nalang bigla ang dalaga sa pag-lalakad ng mapansin niyang puro kulay black talaga ang naka pinta na kulay dito, kahit saan kaman tumingin.

“’Diba uso dito ang ibang kulay? Required ba talagang black?” Saad ni Koal sa kanyang sarili at hindi na nagpatumpik-tumpik pa’t pumasok na sa pinto. And then she freeze out because of what she saw.

“B-Boss!” Gulat na turan ng dalaga sabay pasok agad nito sa loob. “Boss! Tama na ‘yan! Ano ba!” Sabay hawak agad ni Koal sa kaliwang braso nito upang mahila niya ito at mapigilan niyang untugin na naman ulit nito ang sarili nitong ulo sa pader.

“Just die! Just fucking die! You, idiot!” Galit na galit na sigaw ni Grey sa kanyang sarili. Habang si Koal naman ay pilit itong pinapalayo sa pader, ngunit imbes na huminto ang binata ay mas lalo pa nitong nilakasan ang pag-untog ng kaniyang ulo.

Sabay suntok na ng kanang kamao nito sa pader at malakas na iwinakli ang kamay ni Koal, dahilan upang mapa-upo ang dalaga sa sahig sa lakas ng impact no’n.

“Just fucking! Get out of here! Ms. Lee!” nagpipigil sa galit na sigaw ni Grey sa dalaga.

Koal felt a liitle pang, in her chest. Hindi dahil sa sinigawan siya ng kaniyang boss. It’s because of what she is seeing right now. A very miserable version of her boss. Hindi na ‘to bago sa kanya dahil hindi naman ito ‘yung unang pagkakataong nagkaganito ito, but…but this is different.

“Pero Boss—“

“Leave.” May diin na saad ni Grey sa dalaga sabay talikod nito. Habang nagkalat pa ang dugo sa kabuuan ng pagmumukha ng binata, dahil sa lakas ng pag-untog nito sa sarili nitong ulo kanina. Nakita naman agad ‘yon ni Koal, dahilan upang mapayuko nalamang ang dalaga.

“Ayoko.” May pinalidad na sabi ng dalaga at dali-daling tumayo mula sa kaniyang pag-kaka-upo sa sahig. Sabay takbo agad nito sa direksyon ng binata at sakto namang lumingon ito sa direksyon niya.

Akmang hihinto na sana si Koal sa pagtakbo ng bigla nalang siyang natipalok. Parang nag-slowmotion naman agad ang lahat ng nakapalibot sa dalaga sabay sabi nito sa binata…”Boss, tabi!”

Malakas na sigaw niya sa binata ngunit huli na ang lahat dahil napako rin ang binata sa kinatatayuan nito. Dahilan upang malakas na magkabungguan ang mga ulo nila at sabay na nawalan ng balance ang mga katawan nila. Dahilan upang matumba silang pareho sa sahig.

“Fuck! Damn it!” daing pa ni Grey sabay baling ng tingin sa nakapa-ibabaw sa kaniyang babae, “Fuck. Ms. Lee, I know you’re awake. Bumangon ka na diyan.” May pagbabantang saad ng binata sa dalaga sabay yug-yog nito sa balikat ni Koal.

Habang ang dalaga naman ay nakapikit parin at nagtutulog-tulugan na animo’y parang wala itong naririnig. Dahilan upang mapabuntong hininga nalamang si Grey at hinay-hinay niyang pangkuin ang dalaga at ipinahiga nalang muna ito sa kwarto niya.

“Alam kong gising ka, Ms. Lee. I’ll just give you 10 minutes to rest. And then, leave this apartment.” Sabay pabalang na isinarado nito ang pintuan at kasabay din no’n ang paglabas ng mabigat na hininga ni Koal sa kanyang mga labi, na kanina niya pa gustong pakawalan.

“Bakit ko ba ‘to ginagawa?” parang tangang tanong ni Koal sa kaniyang sarili sabay pikit mata nitong dinama ang lamig na nagmumula sa aircon ng kwarto na ‘yon. Syempre dahil gusto mo siya…at kinain na nga siya ng kanyang sariling antok.




My Unknown Boss ||COMPLETED||Where stories live. Discover now