Chapter 19

998 51 0
                                    

Koal's POV

Araw na ng sabado ngayon at maaga akong nag-impake ng mga gamit ko para maaga din akong makarating sa probinsya namin. Kinulit ko na talaga si boss kagabi sa chat pero wala epek parin.

Inayos ko nalang ‘yung sarili ko sa harap ng salamin at naglagay narin ng kaunting lipstick at saka, pulbo sa mukha ko. Nakasuot ako ng hanggang above the knee, dress ngayon.

Dahilan upang malantad ang napakaputi kong balat. Habang ang aking buhok naman at naka-ponny tail lamang ito. This is my first time seeing myself na naka-ponytail ‘yung buhok ko.

“Bagay din naman pala sa akin,” may ngiting saad ko sabay kuha ko ng aking cellphone sa ibabaw ng aking kama at nagtipa upang tawagan si Francine.

Makalipas ang ilang minuto ay may sumagot narin sa kabilang linya. Kinakabahan ako, bakit ba kasi galit siya sa akin? “F-Francine? Gusto mo bang umuwi sa probinsya natin? ‘Diba, may kamag-anak karin doon?” kinakabahang turan ko.

“Bakit mo ako kilala? Sino kaba? ‘Yong kilala kong Koal Lee, ay hindi nagtatago ng sekreto sa akin.” Diretsahang saad sa akin ni Francine sa kabilang linya dahilan upang mapayuko nalamang ako, at mapahigpit ang kapit ko sa aking cellphone.

Galit nga siya….at alam ko na kung anong dahilan, siguro nakita niya ‘yong video.

“P-Pasensya na Francine, hindi ko nasabi sa’yo. Ayoko lang naman kasi na madamay ka pa, sasabihin ko rin naman sa ‘yo lahat pagkatapos kong lumuwas kila mama. Pangako ‘yan.”

“Wala ka bang, tiwala sa akin Koal? Dati pa kitang napapansin na halos hindi ka na lumabas sa CEO office at halos 10pm ka na din umuuwi. Dati rati nga, sabay pa tayong umuwi ng 7pm eh, kasi takot kang mag-taxi dahil napakamahal ng bayad.

Pero…bakit gan’to? Bakit nagbago ka na?” Mahabang lintana ni Francine sa akin dahilan upang mas lalo pang mapahigpit ang kapit ko sa cellphone. Sabay nag-uunahang nagsibagsakan ang aking mga luha.

“P-Pasensya—”

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng bigla nalang niya akong binabaan ng tawag, dahilan upang yumog-yog na ang magkabilaan kong mga balikat at impit na mapahagulhol nalamang.

Kaibigan ko na si Francine simula pa noong High School kami, pero dito lang kami sa kompanya mas lalong naging malapit sa isa’t-isa. Tumingin na muna ako sa aking relo alas-sais na pala ng umaga, kailangan ko ng magmadali.

Kasalukuyang nag-aantay na ako ng taxi ngayon upang maaga akong makarating sa amin. Nang mabisita ko rin ‘yong foundation na sumuporta rin sa aking pag-aaral dati.

Napangiti nalamang ako ng mapait habang inaalala ang pag-uusap namin ni Francine kanina. Masakit din pala masabihan ng ganoon basta galing sa pinakamamahal mo at tinuturing mo ng kapatid.

Napaangat nalamang ako ng tingin habang nakatanaw sa bughaw na kalangitan, upang maiwasan kong tumulo ulit ang aking mga luha sa magkabilaan kong mga mata.

Bumalik nalamang ako sa reyalidad ng may malakas na busina akong narinig dahilan upang mapatalon ako sa gulat. Sabay baling ko ng masamang tingin doon sa sasakyan.

Ngunit nanlaki agad ang mata ko ng makita ko si boss na nakahilig lang sa kotse nito. Natulala din naman ako ng mapansin ko ang damit na suot nito ngayon. H-Hindi naman ako nananaginip ‘no?

Sabay kurot ko sa aking pisngi, “Aray!” totoo nga na nakasuot lang talaga siya ng black t-shirt at jeans. Habang ang buhok naman nito na kasing kapareho ng kulay abo ay nakatago lang sa suot-suot na kulay black din na cap niya, sapat na upang matakpan ang pilat nito sa mukha.

Patakbo ko namang tinungo 'yung kinaroroonan ni boss, dahilan upang mataranta na naman ito. Masasanay na yata siguro ako sa mukha niyang parang maiihi. Haha.

“Don’t get near me—”

Hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin ng biglaan ko nalang siyang mahigpit na niyakap. Sabay sik-sik ko sa aking sariling mukha sa kanyang leeg. Dahilan upang mapasinghap ito sa aking ginawa.

Abg bango niya….

“Fuck. What are---h-hey,” parang wala man lang akong narinig sa mga pinagsasabi ni boss at mas isinik-sik ko pa ang aking ulo sa kanyang leeg. Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya habang siya naman ay napako lamang sa kinatatayuan niya at nakataas ang pareho nitong mga kamay sa ere.

Ngunit kahit pilitin ko mang hindi na isipin ang sinabi sa akin ni Francine kanina, ay bumabalik talaga ang mga katagang binitiwan niya sa aking isipan.

‘Nagbago kana’
‘Nagbago kana’
‘Nagbago kana’

Hindi ko nalang namalayan na umiiyak na pala ako habang si boss naman ay hinahayaan lamang ako sa posisyon naming dal’wa ngayon. Lahat naman sigurong nabubuhay sa mundong ibabaw ay nagbabago, pero kasalanan ko naman talaga eh, nagsinungaling ako kay Francine.

Nabigla nalang ako ng umangat ang katawan ko sa ere, “B-Boss! I-Ibaba mo nga ako!” pasigaw na saad ko rito sabay mas hinigpitan ko pa ang kapit sa leeg niya.

“Just shut-up.” May pagbabantang saad ni boss sa akin dahilan upang mapatikom agad ako ng bibig. Magtatanong na sana ako kung anong ginagawa niya dito ng bigla nalang niya akong pabalang na ihinagis sa loob ng kotche.

“Aray!” sabay baling ko ng masamang tingin kay boss pero nagkibit balikat lamang ito at sumakay na sa driver seat. At kailan pa siya natutong gumawa ng ekspresyon na ganyan?

“Boss—”

“Fasten your seat-belt Ms. Lee. Tell me your address. And I will drive you home myself.” Napakagat labi naman agad ako dahil sa sinabi ni boss. So…ito pala ang dahilan kung bakit ‘andito siya ngayon? Ang haba ng hair ko.

Sinabi ko naman agad sa kanya at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ang gwapo niya talaga ngayon, “Stop staring, I know my face is a mess.” Sabay ayos niya sa kanyang cap at pinaandar na ang sasakyan.

“Bakit mo ba palaging sinasabihan ang sarili mo ng ganyan Boss?” iritableng tanong ko rito. Palagi nalang kasi ‘yan.
“Because it’s the truth?” turan niya pabalik sa akin na para bang napaka obvious na ng sagot sa tanong ko. Napabuntong hininga nalamang ako.

“Boss, hindi lahat ng tao sa mundo ay matatanggap ka,” sabay baling ko ng tingin sa bintana at ibinalik rin kalaunan sa harapan, “Kaya kung wala mang gagawa no’n para sa’yo, pwes, gawin mo ‘yon sa mismong sarili mo.

Tanggapin mo ang sarili mo. Andiyan na yan eh, wala na tayong magagawa.” Sabay baling ko sa kanya ng tingin.

“You’re not ugly, Bos. The mindset of people are.” Wala sa sariling turan ko, sabay abante ko ng kaunti mula sa likuran upang bigyan siya ng panandaliang halik sa kanyang kaliwang pisngi. Dahilan upang mawalan siya ng konsentrasyon sa pagmamaneho.

“Fuck! Don’t do that again! I’m fucking driving here!” pagalit na wika ni boss dahilan upang mapabalik agad ako sa aking upuuan sa likod at umaktong parang walang nangyari. Habang si boss naman ay pilit ibinabalik ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.

Napangiti nalang agad ako, sabay tingin ulit sa bintana.

Sana magkaayos na kami ni Francine pagbalik ko…

Piping hiling ko sa aking isipan at hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong kinakain ng aking antok.



My Unknown Boss ||COMPLETED||Where stories live. Discover now