Chapter 10

1.3K 54 0
                                    

Koal's POV

Kasalukuyan akong nag-aala Dora ngayon dito sa bahay ng boss ko. Curious kasi talaga ako kung ano yung malaking kuwarto na naroon sa second floor. "Grabe, ang laki talaga ng bahay ng Greek god na ’to,” Habang pa linga-linga sa buong paligid. “Paano kaya niya nililinis ‘to?” shunga, syempre may tagalinis siya, sabad naman ng kontrabida kong utak.

“Jusko, kung magkakabahay man lang ako ng gan’to ka haba yung hagdan, mas mabuti pang wala nalang akong bahay.” Parang tanga kong turan sa ‘king sarili, sabay hinto ko sa pinto ng malaking kuwarto na ‘to.

Ano kaya, nasa loob?

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may nagsalita sa aking likuran.

“What are you doing?”

"Kabayong palaka!” Gulat na turan ko sabay baling ng tingin sa ‘king kung sino yung nag-salita. “Boss naman! Parati ka nalang sumusulpot kung saan saan!" Sigaw ko rito sabay hagod ko sa ‘king dib-dib, upang maibsan naman ang aking kaba.

"You’re not aloud in that room, Miss. Lee, bumalik na tayo sa ibaba." May diin na sabi niya, at nag-walk out na naman, ewan ko ba rito kay boss, ang hirap intindihin ng ugali jusko. Mahirap na nga intindihin ang sitwasyon ng trabaho ko, dumagdag pa ‘to.

Pero bago paman ako tuluyang makababa sa hagdan tinanaw ko muna ulit ang kuwarto na ‘yon.

Bakit kaya, naka lock ‘yon? Piping turan ko sa aking sarili, at nagpatuloy na sa paglalakad.

"So….back on the business," Pagsisimula pa ni boss, at inilapag ang isang brown envelope sa ‘king harapan. Kasalukuyang nasa sala kami ngayon at dinidiscuss ko kay boss, ang mga dapat niyang pirmahan na mga papeles. “Para saan ‘to boss?” Nagtatakang tanong ko rito, at kinuha ang envelope.

Dahan dahan kong binuksan ang ibinigay ni boss sa ‘kin at napahinto agad ako dahil sa aking nabasa.

Contract:
Don’t you dare say to other people about my scars, or else, patatalsikin kita sa Kompanya.
This contract will be valid, once you sign it.

Binalingan ko kaagad si boss, ng hindi makapaniwalang tingin.

Ganon naba ako kababaw, sa paningin niya?

“You need to sign that contract, Miss. Koal.” Pagsisimula pa nito, sabay inom niya ng tubig na nasa harapan niya, at nag dekwatro. “Para masigurado kong wala kang ibang pag-sasabihan tungkol rito sa pilat ko.” May diin na saad niya at tiningnan ako sa mata, habang ako naman ay lihim na naikuyom ang aking kamao at napangiti nalang ng pagak sa tinuran ni boss.

Ganito ba ‘yong feeling ng mga lalaki, kapag hindi namin sila pinagkakatiwalaang mga babae? Kung gan’to man…ang sakit pala.

“Ganyan kaba talaga boss?” Biglaang saad ko rito sabay baling ko ng tingin sa gawi niya. “Hindi mo ba naiintindihan, kung bakit sunod ako nang sunod sa ‘yo?”

“Miss. Koal, I’m not interested—“

“Dahil ipinangako ko sa sarili ko, na kapag makita ko ulit ‘yong taong nagligtas sa ‘kin doon sa rooftop! Ay mamahalin ko siya ng buo!” Biglaang sigaw ko kay boss sabay tapon ko sa papeles na ibinigay niya sa ‘kin, “Ganoon naba kababaw tingin mo sa ‘kin boss? Kung gusto ko man ipagsabi ‘yang tinatago mo, matagal ko ng ginawa!” hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses, alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil sekretarya niya lang ako.

Pero hindi ko gustong may itinatago ako sa kaniya, gusto kong alam niya lahat tungkol sa ‘kin.

“Miss. Koal—“

My Unknown Boss ||COMPLETED||Where stories live. Discover now