Chapter 14

1.2K 51 0
                                    

Koal's POV

“Pa’no ka nakapasok dito?” seryosong tanong sa akin ni boss, habang ako naman ay naka-upo lamang sa kaharap na inuupuan niya.

Kasalukuyang nasa sala kami ngayon, at namamangha parin talaga ako sa mga nakikita ko dito sa loob ng apartment ni boss. Napakalaki kasi ng apartment niya and take note. May sobrang laki pa ‘tong mansyon. Grabe, bilyonaryo na ata ‘to si boss.

“Syempre Boss, sa pinto,” Sabay turo ko pa sa pinto, at napa hawak naman ‘to sa sarili niyang mukha na para bang may nasabi akong mali. Ano ba kasing klaseng tanong ‘yan? Syempre sa pinto naman talaga dadaan ‘diba? Alangan namang sa bintana?

“Ms. Lee, tinatanong ko kung pa’no mo nalaman ‘tong apartment ko. Hindi ko tinatanong kung saan ka pumasok na pinto.” parang nagpipigil ng galit na turan niya sa ‘kin dahilan upang ma’pa ‘ohh’ ako.

“Kayo naman kasi Boss, hindi kayo complete sentence kung magsalita,” sabay ngiti ko rito, pero tinarayan lamang niya ako. Kung malaman ko lang talaga sino ang ina ng boss ko, itatanong ko talaga rito kung ipinaglihi ba niya ito sa ampalaya.

“’Wag mong ibahin ang usapan Ms. Lee, pa’no ka nakapasok? Isa ka rin ba sa mga alagad ni Ema?” Tanong ni boss sa ‘kin, sabay tungka niya sa dala-dala niyang baso na may lamang whisky.

“Ano bang pinagsasabi niyo Boss? Ema? Sino ‘yon? At saka…sinundan lang naman kita dahil ano…” huwag mong sabihin koal, ‘wag mong sabihin! Reklamo naman ng aking kontrabidang utak.

“For what?” naiirita na nasaad ni boss, dahilan upang mapapikit nalang ako at mapakapit sa laylayan ng aking damit.

“K-Kasi! Nag-aalala ako sayo! Lalo na no’ng nakita kong nanginginig ang kamay mo no’ng pumunta ka ng hospital. Gusto kitang tanungin kung anong nangyari dahil nag-aalala ako.

Gusto kitang i-comfort kahit na alam kung hindi mo naman sasabihin sa ‘kin kung anong dahilan ng panginginig ng kamay mo. Lalo na kanina….” Sabay mulat ko ng aking mata at napatingin sa kaliwa niyang pagmumukha, kung saan matatagpuan mo ang pilat niya.

“Nakita kitang sinasaktan ang sarili mo, at parang dinudurog mo ‘tong puso ko.” Mahinang saad ko sabay turo ko sa dib-dib ko. “Dahil ba sa pilat mong ‘yan? Kaya sinasaktan mo ang sarili mo, ha?” Sabay turo ko sa pilat nito dahilan upang mapaiwas siya ng tingin sa akin.

“Sinong—“
“Why do you care that much for me huh?” pambabara niya pa sa gutso kong sabihin, “I’m not the person who you think I am, Ms. Lee. You’re just my secretary kaya habang maaga pa… umalis ka na. Just do your job.”  Sabay tayo nito mula sa kanyang pagkakaupo sa mahabang sofa at tinalikuran na ako. Napayuko nalang ako ulit.

Bakit ko ba kasi ipinipilit ang sarili ko kay boss? Bakit?
Sabay pahid ko sa sarili kong mga luha at napatayo nalamang do’n sabay sukbit ko na ng aking bag. Akmang hahakbang na sana ako ng bigla nalang lumitaw sa harapan ko si boss.

Kasabay din naman nito ang pagpatak ng aking mga luha sa kaniyang harapan. Dahilan upang yakapin kaagad niya ako ng napaka-higpit, kaya napahagulhol nalang akong bigla sa mga bisig niya. Akala ko talaga ‘to na ang huling pagkikita namin at baka sesantahin na niya ako bilang sekretarya niya.

“Shhh sorry, I just got carried away, okay?” Sabay hagod niya sa likod ko, at napa-tango-tango naman agad ako. Ito ba ‘yung tinatawag nilang marupok? Siguro oo nga, pero kung si boss lang rin naman ang dahilan ng karupukan ko…okay na okay lang.

“So…hindi mo na ako sese-santahin?” Tanong ko sa kaniya sabay angat ko ng aking paningin dahilan upang magtagpo ang mga mata namin. Para naman siyang na kuryente at agad na lumayo sa ‘kin habang kunot noo niyang binalingan ako ng tingin.

My Unknown Boss ||COMPLETED||जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें