Chapter 23

1.1K 56 0
                                    

Koal's POV

Pakanta-kanta lamang ako ngayon habang abala sa pag-iimprinta ng mga papeles para sa  susunod na schedule ni boss.

Magana ang araw ko ngayon sa tuwing naiisip ko kung pa’no niya ako inihatid kagabi sa inuupahan kong bahay. Nag-prisinta na nga akong ako nalang mag-d-drive, pero hindi siya pumayag baka daw ma aksidente pa kami.

Natigil nalang ako sa aking pagpapantasya ng may bumatok sa aking ulo kaya napalingon ka agad ako sa likuran ko.

“Masakit---”

“Gaga ka! Hindi mo naman sinabing si Boss Grey pala ‘yong kahapon! Pa’no na ‘yan? Mawawalan naba ako ng t-trabaho?” mahinang saad niya sa aking at kinaladkad pa ako patungong comfort room. Sabay lock niya ng pinto. Mabuti nalang at walang ibang tao rito.

Humagalpak naman agad ako ng tawa dahil sa tono ng pananalita ni Francine ngayon. Kung ikukumpara mo ito kahapon ay para itong tigre. Pero ngayon…para na itong natatakot sa isang leyon. Haha.

“Huwag mo ‘kong matawan-tawanan diyan Koal. Bakit kasi ‘di mo ako—”

“Sinabihan kita na siya nga si Boss Grey, pero sinabihan mo lang ako, na baka kulang lang ako sa tulog,” saad ko habang hindi ko parin mapigilang matawa.

“Pero ‘yung pilat niya….’yon ba ang rason kung bakit ‘di siya nagpapakita sa publiko?” nawala naman agad bigla ang ngiti sa aking mukha at napalitan agad ito ng lungkot ng maalala ko kung pa’no niya nakuha ang pilat niyang iyon.

“Oo, ‘yon ang dahilan Francine. Kaya nga wala akong lakas ng loob na sabihin sa’yo ‘yung totoo, dahil alam ko na gano’n ‘yong magiging reaksyon mo. Susugurin mo siya.” Bigla naman agad na nanlumo ang mukha niya dahil sa aking sinabi sabay yakap niya sa akin at hinagod ang aking likuran.

“I’m sorry Koal, kung sinabihan kaagad kita ng kung ano-ano. Hindi ko man lang naisipang tanungin ka,” napangiti naman agad ako at niyakap narin siya pabalik.

“Okay lang, kasalanan ko din naman eh, naglihim ako, kaya pasensya na rin.” Sabay hilig ko ng aking ulo sa kanyang balikat.

“Ano ba! Masyado na tayong ma-drama, balik na tayo sa office.” Saad ko sabay hakbang na namin papaalis doon sa loob ng comfort room.

Kanina pa ako maraming ginagawa dito at ngayon ko lang napansin, na ako lang pala nasa loob nitong opisina, “Nasaan na kaya si Boss?” takang tanong ko sa aking sarili sabay baling ng tingin sa malaking painting dito sa loob ng CEO office.

Sinabi niya kasi sa akin na konektado lang pala ito sa apartment niya dito sa loob ng kompanya.

Kung nalaman ko lang ng mas-maaga, eh ‘di sana, hindi na ako nagpakahirap sumuong sa mga nagkakandaliitang mga pintuan na ‘yon. At dito nalang pumasok imbes na doon.

Mamaya ko nalamang hahanapin si boss kung tapos ko na ang mga trabaho ko. Sigurado naman akong nasa loob lang siya ng kanyang apartment at nagpapahinga. May mga katanungan rin akong gusto itanong na sigurado akong masasagot iyon lahat ni Sir. Mark.

Napabuga nalamang ako ng isang malakas na butong hininga sabay kuha ko ng baso at uminom ng tubig.

“Nakakapagod,” mahinag saad ko sa aking sarili’t kinuha na ang mga ga-bundok na papeles na dapat ng ma pirmahan ni boss. Ilang araw ba kasi siyang hindi pumirma? Kailangan na ‘to bukas! Naman, oh.

Tutuloy na sana ako sa CEO office ng biglang may tumawag sa aking pangalan kaya napalingon agad ako sa aking kanan. Sir. Mark? Anong ginagawa niya dito? May kailangan ba siya kay boss?

My Unknown Boss ||COMPLETED||Onde histórias criam vida. Descubra agora