CHAPTER 9

944 40 48
                                    

Isang linggo narin ang nakakaraan mula ng mamasukan ako bilang Yaya ng nag-iisang anak ng isa pinaka-mayamang tao sa mundo na si Señorito Leo. Wala naman akong naging problema bilang Yaya ng kaniyang anak na si Hyacinth na limang-taong gulang palang pero kung mag-isip akala mo nasa 20's na. Ang problema ko lang talaga ay ang Daddy niya na ang sungit sa akin at lagi kasi naka-poker face kapag nagkakatinginan kaming dalawa. Minsan hindi ko alam kung masungit ba talaga siya o hindi lang talaga niya ako gusto bilang Yaya ng anak niya.

Bigla ko tuloy naalala 'yung gabi na nakatulog ako sa kwarto ni Hyacinth. Itinanggi niya pa kinabukasan na kinumutan niya ako gamit ng suit niya, nagha-hallucinate daw ako. Tsk, ginawa pa akong sinungaling.

Ayaw lang niya aminin na concern siya sa akin nang gabing 'yun kasi nilalamig na ako sa lakas ng aircon sa loob ng kwarto ng anak niya.

“Ate Ahnika, babalik ka po ba agad?” malungkot na wika ni Hyacinth habang nakahawak sa laylayan ng blouse ko. Day Off ko kasi ngayon kaya uuwe muna ako sa bahay para mapasiyalan ko naman sila Nanay at ang kapatid ko.

“Of course Baby, babalik din agad si Ate Ahnika bukas. But for the meantime, uuwe muna ako para pasiyalan naman ang Nanay at ang kapatid ko. Be good girl habang wala ako ah,” wika ko nang lumuhod ako sa harapan niya upang magtama ang aming mga mata.

“I will miss you Ate Ahnika. I promise na magpapakabait po ako,” anito saka yumakap sa akin. Ngunit maya-maya din ay kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Hyacinth nang marinig kong magsalita si Leo.

“Here's your salary for 1week, dinagdagan ko nalang din 'yan dahil nabanggit sa akin ni Aling Theresa na naghahanap ang Mama mo nang bagong mauupahan dahil pinapalayas na kayo,” malumanay ngunit seryosong wika ni Leo nang iaabot sa akin ang puting sobre.

Kinuha ko 'yun at saka ako tumayo bago nagsalita,“Salamat po, Señorito,” wika ko. Tumango lamang siya saka sinenyasan si Franco—ang personal driver niya na ihatid na ako pauwe sa amin.

“Bye Ate Ahnika,” matamlay na wika ni Hyacinth habang kumakaway sa akin. Nakita ko rin ang namumuong luha sa kaniyang mata na ano man sandali ay babagsak na. Para tuloy dinudurog ang puso ko, hindi naman ako matagal na mawawala dahil bukas na bukas din ay babalik ako dito sa Hacienda. Pero masiyado na kasi akong na-attach kay Hyacinth to the point na sobrang hirap sa akin kapag hindi ko siya nakikita. Kung pwede ko nga lang siya isama paguwe ko sa amin ay ginawa ko na, kaso hindi pwede.

“Bye too Baby Hyacinth, don't be sad ok? Babalik naman si Ate Ahnika bukas,” wika ko saka ko pinilit na ngumiti. Nakatayo lamang si Leo sa likuran ni Hyacinth.

Bago ako tuluyan umalis ay hinagkan ko si Hyacinth sa noo. Bawat hakbang ko palayo sa batang si Hyacinth ay parang ang bigat-bigat sa pakiramdam, parang dinudurog ang puso ko. Sandali ko siyang nilungon bago ako sumakay ng kotse, tumutulo na ang luha niya habang kumakaway sa akin.

Pinilit kong ngumiti upang matakpan ang lungkot sa aking mga mata bago tuluyan sumakay sa kotseng itim na maghahatid sa akin pauwe. Nang maisara ang pintuan at makaupo ako ng maayos ay muli kong tinignan si Hyacinth na nakatingin parin sa akin. Tinted ang bintanang salamin ng kotse kaya hindi ako kita sa loob, ngunit kitang-kita ko ang malungkot na mga mata ni Hyacinth.

Ini-start na ni Franco ang engine ng kotse ngunit nananatili akong nakatanaw kay Hyacinth hanggang sa umaandar na ang kotse. Isinandal ko ang aking likuran sa upuan at saka mariing ipinikit ang aking mga mata kasabay ng unti-unting pagtulo ng aking luha.

Makalipas ang halos isang oras na biyahe, kasama na ang traffic ay nakauwe din ako sa aming munting tahanan. Sa pintuan palang ay nakita ko na ang malapad na ngiti sa labi ng bunsong kapatid na si Constantino Agustine. Linggo ngayon kaya wala siyang pasok sa eskwela.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now