CHAPTER 3

401 27 0
                                    

Hawak ko ang kamay ng anak kong si Hyacinth nang lumabas kami sa kaniyang silid. Hindi ko alam kung ano naman ang naiisip ngayon ng anak ko nang malaman niyang magkakaroon siya ng bagong Yaya, marahil ay iniisip na naman niya kung paano siya gagawa ng paraan upang mapalayas ito. Sa murang edad ay makikita na talaga ang kamalditahan sa kaniya, hindi ko siya masisisi. Dahil kalinga ng isang ina talaga ang hinahanap niya bagay na hindi ko na maipagkakaloob sa kaniya mula ng pumanaw ang kaniyang ina.

Dumating na kami sa sala kung saan nadatnan kong kausap ni Aling Theresa ang kapatid niyang si Aling Beth at ang nirekomenda nitong magiging bagong Yaya ni Hyacinth.

Nakatalikod ang babaeng may taas na 5'7, mahaba ang light brown nitong buhok, maputi at may magandang hubog ng katawan. Nakasuot ito ng white shirt na medyo hapit sa kaniyang katawan at itim na maong pants.

“Good Morning po, Señorito Leonardo,” nakangiting bati ni Aling Beth nang makita niya ako.“Sa'yo din, Hyacinth,” patuloy niya ng bumaling siya ng tingin sa anak ko.

“Siya ba?” seryosong wika ko habang nakatingin sa babaeng nakatalikod.

Ibubuka pa sana ni Aling Theresa ang bibig niya upang sagutin ang tanong ko ng lumingon na ang babae. At sa hindi ko malaman na dahilan ay napatulala ako sa kaniya ng ilang segundo. She owned the most beautiful eye smile in the whole universe when she's smile, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at kahit walang make-up ay natural ang kaniyang ganda.

And she looks familiar, saan ko nga ba siya unang nakita?

“Opo Señorito, si Ahnika po,” nakangiting wika ni Aling Beth.

“Ate!” Masiglang sigaw ni Hyacinth na mabilis bumitaw mula sa pagkakahawak sa kamay ko upang salubungin ng mahigpit na yakap ang magiging bagong Yaya niya.

Now, I already remember her. Siya 'yung kasama ni Hyacinth kahapon.

CONCEPCION POV

Around seven in the morning nang magtungo kami sa Hacienda Alvaro dahil inirekomenda ako ni Aling Beth sa amo ng kapatid niyang si Aling Theresa bilang mag-Yaya sa anak ng amo nito. Ito ang unang beses na malalayo ako kay Inay at sa kapatid ko, pero ok na rin dahil saan ko naman pupulutin ang twenty thousand weekly. Sabi naman ni Aling Beth ay every Sunday daw ang Day Off ko, pero depende parin 'yun sa amo ko na si Señorito Leonardo daw ang one of the richest man in the world. Pero kahit siya pa ang isa sa pinakamayaman na nilalang sa mundo ay wala parin akong pakialam sa kaniya.

Pagpasok palang sa malaking gate ng Hacienda Alvaro ay mamamangha kana agad sa malawak na taniman ng mga magagandang klase ng bulaklak sa paligid tulad ng Tulip, Rose, Sunflowers, Orchids at Daisy. Ang matitingkad nitong kulay ang siyang mas nagpapaganda sa paligid pagpasok palang ng gate.

Nakasakay kami ni Ate Beth ng kotse na sumundo sa amin kanina, nakadungaw ako sa bintana habang manghang-mangha sa nakikita ko. Ilang kilometro din ang layo ng main gain patungo sa mismong Hacienda kung saan may malaking fountain sa harapan nito.

Malungkot akong umalis kanina sa bahay nang magpaalam ako kay inay at sa bunso kong kapatid dahil mamimiss ko sila ng sobra, pero napalitan ang lungkot sa aking mukha nang makarating na kami dito sa Hacienda Alvaro dahil nakaka-wala talaga ng stress ang ganda ng paligid.

Sosiyal din pala dito sa Hacienda dahil may taga-bukas ng pintuan ng kotse na naka-suot ng itim na pang-americana. Ngumiti ako sa lalakeng nagbukas ng pintuan nang makababa na ako ng mabangong kotse, ngumiti din naman siya sakin. Nakasunod lamang sa'kin si Aling Beth na tila hindi na namamangha sa ganda ng Hacienda dahil marahil ilang beses na siyang nakarating dito.

“Mabuti naman at nakarating na kayo,” malumanay na dinig kong wika ni Aling Theresa ngunit hindi ko siya nilingon at tinapunan man lang ng tingin dahil abala ang aking mata sa ganda ng loob ng Hacienda.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now