CHAPTER 6

451 24 0
                                    

Hindi na ako kumibo sa sinabi ni Estomar, baka nga nagpahangin lang siya at inakala naman ni Carol na umalis ito.

“Sige, makakaalis kana,” seryosong wika ko kay Estomar at agad narin itong umalis. Nakita ko pang sinundan siya ng tingin ni Natasha.“Naabutan ko na nag-uusap kayo ni Estomar kanina, anong pinag-uusapan niyo?” usisa ko.

“W-Wala naman, tinanong ko lang siya kung nasaan ka,” ani Natasha nang bumaling siya ng tingin sa akin.“Nasaan nga pala si Hyacinth?” patuloy pa ni Natasha.

“Nasa kwarto inaasikaso ng Yaya niya, pero bababa narin 'yun mamaya,” saad ko habang naglalakad kami ni Natasha patungo sa sala. 

“So, talaga palang close na close si Hyacinth sa bagong Yaya niya,” sarkastikong wika ni Natasha ngunit hindi maipagkakaila ang selos at inggit.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Natasha na halos hindi makatingin diretso sa akin ng diretso.

“Are you jealous?” seryosong tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita,“Dalawang taon ko na sinusubukan na makuha ang loob ng anak mo, pero hanggang ngayon ay bigo parin ako. Tapos 'yung Yaya niya na ngayon lang naman niya nakasama close agad niya? Kahit sino ay magseselos, Leo,” anito.

Ngumisi ako at hinawakan ang dalawang kamay ni Natasha.“Look at me,“ wika ko pero nananatiling siyang nakayuko kaya naman hinawakan ko ang baba niya at marahan itong inangat upang magtama ang mga mata naming dalawa.

“H'wag kana magselos, ok? She just Hyacinth's Yaya. And you? You will be my daughter's step mother soon,” nakangiting wika ko habang sinusubukan pagaanin ang loob ni Natasha.

“Ang ganda naman ni Baby Hyacinth, manang-mana sa mommy niya,” dinig kong wika ni Aling Theresa kaya sabay kaming napalingon ni Natasha kung saan nakita namin ang pagbaba sa hagdan ni Concepcion habang hawak-hawak ang kamay ni Hyacinth.

Sa ikalawang pagkakataon ay mula akong napatitig kay Concepcion at nang magtama ang mga mata namin ay nakaramdam ako ng kakaiba kaya naman agad kong ibinaling kay Hyacinth ang mata ko.

“Is she Hyacinth's new Yaya?” sarcastic na wika ni Natasha.

“Yes,” maikling tugon ko.

“She's beautiful, right?” muling tanong ni Natasha sa akin.

NATASHA POV

Akala ko ay mauudlot ang dapat sana'y biyaheng langit namin ni Estomar ngunit itinuloy parin namin ito. Nang matapos kami ay agad ko siyang inutusan na ihatid ako sa Hacienda Alvaro, sinabi rin niya sa akin kung paano siya nakapasok sa loob ng kotse ko. Hindi ko pala ito naisara.

Pagdating sa Hacienda, humihirit pa si Estomar ng round two mabuti nalang at hindi 'yun narinig ni Leo kundi literal na patay talaga ako.

Pagdating ko ay una kong hinanap si Hyacinth, nakasanay ko narin hanapin ang malditang batang 'yun sa tuwing magpupunta ako dito sa Hacienda, bagay na mas lalong nagustuhan sa akin ni Leo dahil kahit ayaw sa akin ng anak niya ay hinahanap ko parin ito at binibigyan ng importansiya. Sa totoo lang ay matagal ko ng gustong patulan ang batang si Hyacinth, hindi lang ako maka-tiyempo.

“She's beautiful, right?” sarkastikong tanong ko kay Leo nang mapansin kong titig na titig ito sa bagong Yaya ng maldita niyang anak.

“Yes, she is,” tugon ni Leo na labis kong ikinagulat.

“What?!” mataas na tono ng boses ko.

“I mean, of course not,” pagbawe niya ngunit huli na dahil narinig ko na ang una niyang sinabi.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now