PROLOGUE

1.3K 52 7
                                    

CONCEPCION POV

“Pauwe na ako 'Nay,”

Nang matapos ang pakikipag-usap ko sa aking ina ay tinago ko na ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko. Pauwe na ako mula sa pag a-apply ng trabaho, marami-rami na rin ang napasahan ko ng resume mula kaninang alas-siyente ng umaga. Sana kahit man lang isa sa kanila ay may tumawag sa'kin for Job interview. Kailangang-kailangan ko talaga makahanap ng trabaho dahil ilang buwan na kaming hindi nakakabayad sa Bahay at ilang pinagkakautangan.

Wala akong dalang payong kaya tiis-ganda nalang sa tirik na tirik na sikat ng araw. Medyo masakit narin ang paa ko dahil sa suot kong sandals na may 2inch na heels. Kung bakit kasi sinunod ko pa ang advice ng pinsan kong si Lorraine eh mag a-apply palang naman ako, hindi pa naman 'to interview. Sabi niya kasi mas maganda daw kapag presentable, oo nandoon na ako pero feeling ko naman hindi ako makakapag sapatos ng isang linggo dahil sa paltos sa paa ko.

“Daddy...“ Agad akong napalingon matapos kong marinig ang hikbi ng batang babae.

Sa hindi kalayuan, katabi ng nakaparadang tricycle. Nakita ko ang batang babae na sa tingin ko ay nasa edad limang taong gulang pa taas pa lamang, umiiyak ito habang nakaupo.

Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan na ang batang babae na sa tingin ko ay kanina pa umiiyak.

“Bakit umiiyak ang baby girl?” malambing na wika ko, agad naman siya nag-angat ng kaniyang ulo saka nagpungas-pungas ng mata. Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko ngunit mas lalo lang siya umiiyak.

Napatingin sa amin ang mga taong nagdaraan, akala yata nila ay pinaiyak ko ang batang ito. Umupo ako saka hinaplos ang buhok ng batang babae bago ako nagsalita,“Tahan na, bakit ka ba umiiyak? Nasaan ang mommy mo? Ang daddy mo?” malumanay na wika ko 'wag lang matakot sa akin ang batang ito.

Hindi siya nagsalita at sa halip ay umiling lang ito.

“H'wag kana umiyak, tahan na. Sasamahan nalang kita na hanapin 'yung Mommy at Daddy mo, basta 'wag kana iiyak ok?” pagpapatahan ko sa batang paslit na sa tingin ko ay nawawala. Ngunit walang epekto dahil patuloy parin ito sa pag-iyak habang sinasambit ang salitang ‘Daddy’.

“Wag kana umiyak Baby girl, lilibre nalang kita ng Ice Cream. Gusto mo ng Ice Cream?” nakangiting wika ko kahit wala naman talaga akong pera pambili ng Ice Cream dahil singkwenta pesos nalang ang pera ko na gagamitin ko pamasahe pauwe. Sinabi ko lang 'yun para tumahan siya sa pag-iyak, ganon din kasi ginagawa ko sa pamangkin ko kapag umiiyak sinasabi ko bibilhin ko siya ng Ice Cream. Pero nagulat ako nang tumigil siya sa pag-iyak at tumango ito.

“G-Gusto ko ng Ice Cream,” anito at pumiyak pa dahil sa kakaiyak.

“S-Seryoso ka ba?” pag-uulit ko, takteng yan! Mukhang maglalakad pa yata ako pauwe nito ah.

“O-Opo, gusto ko po ng Ice Cream,” wika ng bata sabay singhot ng sipon nito. Hindi na siya umiiyak ngayon matapos kong tanungin siya kung gusto niya ng Ice Cream.

Hawak ko ang kamay niya nang tumawid kami sa kabilang kalsada. Mga tricycle at motorsiklo lang naman ang dumadaan sa kalyeng ito, sa kabila ay may malaking sari-sari store na may bilihan din ng Ice Cream. Abot tenga ang ngiti ng batang babae habang namimili ng flavor ng Corneto. Napatampal na lang ako sa noo ko ng mapagtanto ang na maglalakad nga ako pauwe.

“Ang tanga-tanga mo Concepcion Ahnika Del Fuego!” bulong ko sa sarili ko habang binibigkas ang buo kong pangalan.

“Ate, ito po 'yung gusto ko. Para po tig-isa tayo,” nakangising wika ng batang babae na kanina ay todo sa pag-iyak.

Ngayon ko lang din napansin na may dimple pala siya sa kanang pisngi niya na mas lalong nagpa-cute sa kaniya. Gwapo siguro Daddy nito, ay! pakialam ko ba kung sino tatay niya?!

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa magandang ngiti ng batang babaeng na nasa harapan ko.

“A-Ate?” pagtataka ng batang babae saka lamang ako nabalikan ng wisyo. 

“N-Nakapili kana ba? Babayaran ko na,” saad ko at napabuntong hininga ng kunin ko ang singkwenta pesos na laman ng pitaka ko.“Ito po 'yung bayad,” wika ko ng iabot sa tindera na halos kasing edad lang yata ng Nanay ko ang bayad para sa Ice Cream na binili ng batang ito.

“Sakto na, wala ng sukli,” aniya nang mapansin na kanina pa ako nakatayo sa harapan niya.

“A-Ah ganon po ba, sige po,” wika ko at dali-dali na kami lumabas ng sari-sari store.

Pagdating sa labas ay naupo kami sa upuang yari sa semento na nasa gilid ng tindahan, lutang ang isip ko kung paano ako uuwe mamaya. Habang ang batang katabi ko ay tuwang-tuwa na nilalantakan ang Ice Cream na 25pesos pala ang isa. Gusto kong ibalik 'yung isang Ice Cream para makuha ko 'yung 25pesos kaso naisip kong hindi parin pala sapat 'yun na pamasahe ko.

“Bakit po ayaw mo kainin 'yung Ice Cream mo Ate? Malulusaw na po 'yan,” kunot-noo na tanong ng batang babae, bahagya ko naman siyang nilingon.

Napangisi ako nang makita ang mantsa ng chocolate sa pisngi niya, kinuha ko ang panyo sa loob ng sling bag ko at pinunasan ang magkabilang pisngi niya.

“Ubusin mo nalang 'yan, para hindi kana umiyak. Pero matanong ko lang, nasaan ang Mommy at Daddy mo? Saan ka nakatira? Para ako nalang----” napatigil ako sa pagsasalita ng mapagtanto na wala na pala akong pera.

“W-Wala na po si Mommy, sabi ni Daddy she died noong ipanganak ako,” malungkot na wika ng batang babae. At parang nalungkot din ako, wala na rin kasi akong ama. Kaya naman alam ko ang pakiramdam na hindi kompleto ang pamilya.

“Eh ang Daddy mo? Nasaan siya? Sigurado akong nag aalala narin siya sa'yo ngayon,” wika ko.

Pero hindi na siya kumibo at nilantakan nalang ang Ice Cream na hawak niya na unti-unti ng nalulusaw dahil sa tindi ng sikat ng araw.

“Hyacinth, anak?!” Sabay kaming napalingon ng batang babae na katabi ko matapos namin marinig ang boses na iyon.

I saw a man wearing a white long-sleeve with color navy blue necktie, black slacks and black shoes. Bakat na bakat sa suot niyang long-sleeve ang matipunong pangangatawan nito, may tangkad itong 6'2, light brown ang kulay ng kaniyang buhok, matangos ang ilong, mamula-mula ang kulay ng kaniyang balat kapag naaarawan, perfect jawline, perfect eyebrows at ang mapang-akit nitong mga mata.

“Daddy!” sigaw ng bata na kanina lang ay nasa tabi ko ngunit ngayon ay nakayakap na sa kaniyang ama.

“Saan ka ba nagpupupunta? Akala ko nasa likod lang kita kanina, alam mo bang sobra mo 'kong pinag-alala?” wika ng ama ng batang babaeng nag ngangalan na Hyacinth habang hawak ng nakaluhod na ama ang magkabilang braso ng batang babae saka 'to muling niyakap.

Hindi ko namamamalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan sila, in fairness sa daddy ni Hyacinth ang gwapo mukha pang masarap....masarap mag luto ng itlog Hehehehe.

“S-Sorry Daddy,” wika ni Hyacinth na naluluha na.

“Uuwe na tayo, ang dumi-dumi na ng damit mo,” mahinahon ngunit seryosong wika ng kaniyang ama saka tumayo mula sa pagkakaluhod.

“Sandali lang po Daddy,” pigil ni Hyacinth saka ako nilingon. Maging ang daddy niya ay napatingin din sa'kin.

Hele pereng tenge grebe meketeteg..

“Pwede po ba natin siyang ihatid sa bahay niya? Nilibre niya po kasi ako ng Ice Cream kanina,” suhestiyon ni Hyacinth

“Naku hi---” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita na ang Daddy ni Hyacinth.

“May pera siya panlibre sa'yo, pero wala siyang pera pamasahe pauwe?” sarcastic na pagkakasabi nito.

Ay gag* 'to ah! Hoy kung hindi dahil sa anak mo may pera pa sana ako pamasahe pauwe. Lintik!

“Uuwe na tayo Hyacinth, dahil kailangan ko pang bumalik sa opisina,” seryosong wika ng lalakeng ang gaspang ng ugali.

“Pero Daddy,” giit ni Hyacinth dahil gustong-gusto talaga niya akong ihatid pauwe. Mabuti pa 'yung anak eh, marunong tumanaw ng utang na loob pero 'yung ama, never mind.

“Hyacinth!” tumaas na ang tono ng boses ng kaniyang ama kaya wala ng nagawa ang batang si Hyacinth kundi ang umalis na.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now