CHAPTER 7

384 27 0
                                    

LEO POV

Wala pang ilang sandali matapos akong makabalik sa loob ng Hacienda at madatnan si Natasha na umiinom ng tsaa sa sala ay dumating narin sina Concepcion at Hyacinth.

Nagulat na lamang ako ng lumapit si Hyacinth kay Natasha at humingi ito ng sorry. Kitang-kita ko naman sa mga mata ni Natasha ang labis na tuwa ng unang beses siyang yakapin ni Hyacinth, samantalang nahagip naman ng aking mata ang matamis na ngiti na gumuhit sa labi ni Concepciom habang minamasdan ang sina Hyacinth at Natasha na magkayakap.

“Señorito Leo, handa na po ang pananghalian,” wika ni Fatima na isa sa mga kasambahay ko. Si Fatima ay halos ka-edad ko lang pero may dalawang anak na ito dahil maaga itong nag-asawa.

Tinanguan ko na lamang siya at kaagad narin itong umalis.

“Kumain na muna tayo,” anyaya ko. umalas narin mula sa pagkakayakap sina Natasha at Hyacinth na ngayon ay pinupunasan naman ni Natasha ang luha sa kaniyang pisngi. Matagal niyang hinintay na mayakap si Hyacinth na bukal sa kalooban nito.

Tumayo na si Natasha saka sinukbit ang sling bag niya habang si Hyacinth naman ay lumapit kay Concepcion na hanggang ngayon ay nakangiti parin sa aking anak.

“Sumunod kana kay Daddy mo, kakain na daw kayo. Ako na munang bahala maglipit dito,” wika ni Concepcion kaya napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

“Sino may sabi sa'yong maiiwan ka dito? May ibang magliligpit niyan, sumabay kana sa amin sa pananghalian,” seryosong pagkakasabi ko bago siya talikuran.

“Isasabay ba talaga natin sa Lunch ang Yaya ni Hyacinth? Hindi ba't may sariling dining room ang mga kasambahay mo dito?” pagtatala ni Natasha habang magkahawak-kamay kaming naglalakad patungo sa dining room.

“Hindi naman kasambahay si Concepcion, Yaya siya ni Hyacinth. Isa pa, sigurado rin akong hindi papayag si Hyacinth na sa ibang dining room kumain ang Yaya niya,” wika ko.

“Sabagay, pero alam mo ba? Natutuwa ako na nayakap ko si Hyacinth sa unang pagkakataon. Hindi ko rin inakala na hihingi siya sa akin ng sorry kanina. Kaya nga hindi ko mapigilang hindi umiyak,” wika ni Natasha habang natatawang pinupunasan ang kaniyang luha sa pisngi.

Pagdating sa dining room ay hinila ko ang upuan upang makaupo si Natasha, saka ako naupo sa palaging pwesto ko—sa pinaka center ng long table.

Nakahanda na sa lamesa ang limang na putaheng pinaluto ko kanina sa tatlo kong kusinera. Ginataang Tilapia at Ginisang Ampalaya na paborito ni Hyacinth, Chicken Curry na paborito ni Natasha at Adobong Baboy na paborito ko.

Hindi talaga ako nagpapawala ng Ginisang Ampalaya at Ginataang Tilapia dahil hindi kumakain si Hyacinth ng ibang ulam maliban sa dalawang ulam na iyon. Hindi talaga siya nagsasawang ulamin 'yun sa nakalipas na ilang taon.

Maya-maya ay dumating narin sina Hyacinth at Concepcion, bago umupo si Concepcion ay pinaupo niya muna si Hyacinth at sinandukan ito ng kanina sa plato niya.

“Anong gusto mong ulam?” nakangiting tanong ni Concepcion kay Hyacinth, minamasdan ko lamang sila.

Hindi naman nag atubili si Hyacinth na ituro ang malaking mangkok na naglalaman ng Ginisang Ampalaya at ang isa ay Ginataang Tilapia na nasa harapan niya.

“Mahilig ka rin sa Ginisang Ampalaya at Ginataamg Tilapia? Parehas pala tayo,” nakangising wika ni Concepcion habang sinasandukan ng ulam si Hyacinth.

“H'wag mo masiyadong pakatitigan ang Yaya ni Hyacinth, baka bigla nalang siya malusaw,” sarcastic na wika ni Natasha sapat lang upang marinig ko habang nagsasandok ng kanin sa plato niya.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now