CHAPTER 4

427 25 0
                                    

Matapos ang pag-uusap namin ni Leo ay dinala na ako ni Aling Theresa sa magiging kwarto ko. Si Aling Theresa ang Mayordoma dito sa Hacienda Alvaro at ang chika, siya din pala ang dating Yaya ni Leo.

Samantala, umalis na si Aling Beth dahil maglalaba pa daw siya. Nagbilin naman ako na ikamusta nalang ako kay Nanay at sa kapatid ko, at 'wag din sila mag-alala dahil uuwe naman ako sa susunod na Linggo upang magdala ng panggastos. Mabuti nalang at twenty thousand weekly parin ang sahod ko kahit medyo na-bwiset yata sa'kin si Leo kanina. So? Ako rin naman nabi-bwiset sa kaniya.

Kung hindi lang talaga dahil sa pera ay hindi ako magti-tiyaga na magtrabaho dito sa Hacienda lalo pa't alam kong makakasama ko siya ng limang-beses sa isang linggo. Gwapo sana kasi ang sungit, parang pinaglihi sa sama ng loob.

“Aling Theresa, salamat po pala sa pag recommend sa'kin. Kailangang-kailangan ko po talaga ng trabaho dahil pinapalayas na po kami doon sa tinitirhan namin,” malumanay na wika ko pagpasok namin sa magiging silid ko.

“Wala 'yun iha, noong nabanggit kasi sakin ni Señorito Leo na naghahanap siya ng magiging Yaya ni Hyacinth ay ikaw agad ang naisip ko. Kaya tinawagan ko agad ang kapatid kong si Beth upang itanong kong itresado ka ba. Alam ko kasi na mahilig ka sa bata kaya hindi ka mahihirapan na mag-Yaya kay Hyacinth. Nagulat nga ako na magkakilala na pala kayong dalawa, saan nga pala kayo nagkakilala?” ani Aling Theresa.

Naupo ako sa single-bed na siyang magiging higaan ko bago ko sinagot ang tanong ni Aling Theresa.“Kahapon po kasi pauwe na ako galing sa pag a-apply ng trabaho. Tapos narinig ko 'yung batang umiiyak, si Hyacinth pala 'yun. Nahabag ang malambot kong puso kaya nilapitan ko 'yung batang babae, tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Pero puro lang siya Daddy habang tuloy sa pagpalakat ng iyak. Naisip ko na tanungin siya kung gusto niya ng Ice Cream, ang kapal nga ng mukha ko magtanong eh si-singkwenta nalang pera ko sa wallet pamasahe ko pa sana pauwe. Akala ko iiling siya, pero pumayag siya Aling Theresa. Kaya ayon, no choice si ako kaya nilibre ko siya ng ice cream. Pero makita ko palang 'yung ngiti niya, ang gaan-gaan na sa pakiramdam,” pagki-kwento ko habang seryoso namang nakikinig sa akin si Aling Theresa.

Bahagya naman napangisi si Aling Theresa dahil sa kwento ko.

“Alam mo ba, lahat ng nagiging Yaya ni Hyacinth ay hindi nagtatagal sa kaniya. Isang linggo palang nagpapa-alam na ang mga nagiging Yaya ni Hyacinth kay Señorito Leo na aalis na sila dahil hindi nila kinakaya ang ka-malditahan nito. Kaya natutuwa akong unang araw palang ay magkasundong-magkasundo na kayo ni Hyacinth,” nakangiting wika ni Aling Theresa. Naantig naman ang aking puso't damdamin dahil sa sinabi niyang 'yun.

“Talaga po bang maldita si Hyacinth? So, mana lang po pala siya kay Le---ibig ko pong sabihin ay Señorito Leo,” wika ko.

“Naku, sinabi mo pa. Like father like daughter ika nga,” natatawang saad ni Aling Theresa.

“Matanong ko po pala, nasaan na po ang mommy ni Hyacinth? Talaga po bang wala na siyang mommy?” usisa ko, naalala ko kasi na nabanggit sa akin ni Hyacinth kahapon na wala na siyang mommy.

“Namatay ang mommy ni Hyacinth matapos siyang ipanganak nito, na nagdulot ng matinding depresiyon kay Señorito Leonardo. Makalipas ang ilang taon ay nakilala naman ni Señorito si Ma'am Natasha, ang babaeng muling nagpa-ibig sa kaniya,” pagki-kwento ni Aling Theresa.

“Masalimuot din pala ang buhay pag-ibig ni Señorito Leo. Close naman po ba si Hyacinth kay Natasha?” muling usisa ko, hindi naman ako chismosa 'no? Oo, hindi talaga.

“Dalawang taon na mula ng ipakilala ni Señorito si Natasha kay Hyacinth ngunit hanggang ngayon ay malayo parin ang loob ng bata sa magiging soon-to-be step mother niya,” wika ni Aling Theresa kasunod ng pagbuntong hininga.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now