CHAPTER 2

480 30 0
                                    

Matapos kong magbihis ay agad narin ako lumabas ng silid, ilang hakbang lang naman kusina na tapos sala. Hindi naman kasi malaki ang inuupahan naming bahay. Problema pa nga namin kung saan kami kukuha ng pangbayad dahil ilang buwan na kaming delay, buhat ng matapos ang six months contract ko sa fast food chain na pinapasukan ko noon.

Naupo na ako sa mono-block na upuan at saka hinarap ang pagkain. Gutom na gutom narin talaga ako kaya agad ko ng nilantakan ang pritong talong matapos ko itong isawsaw sa toyo na may kalamansi.

“Dahan-dahan sa pagkain anak, baka mabulunan ka,” pag aalala ni Nanay na nasa harapan ko at binabantayan akong kumain.

“Kumain ka na ba 'Nay? Pasensya kana, chalagang gutom na----” Hindi ko natuloy ang sasabihin matapos akong mabulunan agad naman akong inabutan ni Nanay ng malamig na tubig na agad kong ininom.

“Kakasabi ko lang, magdahan-dahan sa pagkain,” mahinahong wika ni Nanay.

“Pasensya na po,” wika ko saka muling sumubo ng kanin na may kasamang ulam.

“Siya nga pala anak, nagpunta dito si Aling Beth, 'yung kapatid ni Aling Theresa na nagta-trabaho sa Hacienda,” panimula ni Nanay.“Ang sabi niya, nangangailangan daw 'yung amo niya ng Yaya sa anak nitong Babae na limang taong gulang,” patuloy ni Nanay.

“Yaya? Saan naman daw 'yun Nay? Stay in ba?” magkakasunod na tanong ko. Wala naman kaso sa'kin ang maging Yaya dahil mahilig ako sa mga bata, sana lang mabait ang maging amo 'ko. Hindi tulad sa mga nababalitaan ko sa TV na minamaltrato 'yung mga kasambahay.

“Sa may Hacienda Alvaro daw, yung anak ni Señorito Leonardo ba 'yun? 'Yung anak niyang babae ang aalagaan mo kung sakali. At oo 'nak, stay in pero may day off naman daw tuwing Linggo,” wika ni Nanay.

“Ok not bad,” wika ko kasabay ng buntong hininga at muling sumubo ng pagkain.

“Bakit parang malungkot ka? May problema ba, anak?” malumanay na tanong ni Nanay sa akin. Mother instinct nga naman. Kahit sabihin kong ok lang ako, hindi siya titigil hanggat hindi ko sinasabi ang totoo.

“Yung photo-album Nay, naitago mo pa pala 'yun?” panimula ko.

“Naglinis kasi ako ng mga gamit kanina 'nak. Para kung sakaling papalayasin na tayo dito, atleast nailigpit na 'yung ibang gamit. Tapos nakita ko 'yung photo-album na 'yun sa isa mga karton na nasa ilalim ng papag. Kasama 'yun ng mga dating laruan ng bunso mong kapatid,” pagki-kwento ni Nanay.

“Dapat kasi sinunog na 'yun una palang,” wika ko habang sinasawsaw ang pritong talong sa sawsawan.

“Puno ng masasayang alaala mo 'yun kasama si Michael, kahit na ba bigla kana lang niya iniwan noong pinagbubuntis mo 'yung anak niyo. Hindi mo parin mai----” Hindi natuloy ni Nanay ang sasabihin ng magsalita na ako.

“Pwede po ba 'nay? H'wag niyo na sana mababanggit 'yung pangalan ng lalakeng bigla nalang akong iniwan noong panahon na kailangan ko siya,” matigas na pagkakasabi ko.

“Pasensya kana anak,” malumanay na wika ni Nanay.

“Bukas na bukas din, sunugin niyo na 'yung photo-album na 'yun. Nagawa niya kaming talikuran mag-ina noon, kaya walang dahilan upang itago ko pa ang mga litrato naming dalawa,” seryosong saad ko habang pilit na pinipigilan ang pag agos ng luha mula sa aking mata.

Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko habang ginugunita sa aking isipan ang nangyari anim na taon na ang nakakalipas.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagtalikod at sa responsibilidad niya noon bilang ama ng magiging anak ko o magiging anak namin.

I'M INLOVE WITH MY BOSS (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now