"Matagal narin kaming nakakatanggap ng death threats." seryosong sambit ni Justin dahilan para lingunin ko siya.

Napakunot noo naman ako. "Death threats? At kanino naman galing?"

"Hindi namin alam." Si Rans na ang sumagot. "Siguro, galing sa mga kakumpetensya ni Daddy sa business." dagdag pa niya.

Napahinga muli ako ng malalim. Isa lang 'yan sa dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa ganyang klaseng trabaho. Kung hindi ako ang mapapahamak, pwedeng ang pamilya ko.

"Then, what's your plan?" pagtatanong ko pa.

"Plan?" pagak pa siyang natawa dahilan para napakunot muli ang noo ko. "I don't think I need a plan." her lips formed into a weak smile. "I'm dying Abelaine, alam mo 'yan."

Nanghihinang napayuko ako. Oo nga pala, ako ang kasama niya sa bawat Chemotherapy na nagawa niya, noong kami pa.

"Lalabas muna 'ko." nahihimigan ko pa ang pamamaos sa boses ni Justin ng sabihin niya 'yon.

"Wala namang nangyari ee." she cried again. "Pinabagal lang ng mga gamot ang buhay ko, pero in the end mamamatay din naman pala 'ko."

"Rans." Naalerto ako. Mabilis kong inabot ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. "Don't say that, mabubuhay ka. Makakasurvive ka, you can defeat them."

She shook her head, still flowing the tears in her face. "I can't Abby." she sobbed. "Nasa Survival rate na 'ko kung saan mahirap ng malabanan itong sakit ko."

Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit lang.

"At saka, ayaw ko narin. Pagod na ko Abby. Pagod na kong gabi-gabi kong iniinda itong masakit sa'kin." she looked up, and smiled. "Pagod na pagod na 'ko."

Napayuko na lang ako at doon mas piniling ilabas lahat ng luha ko. Oo, niloko niya ko, sinaktan niya 'ko, pero hindi naman niya siguro deserve ang ganito.

-----

Hihikab-hikab ang naglalakad ngayon dito sa Hallway. Anong oras na ba ko nakatulog kagabi? Madaling araw na nga ata. Bukod kasi sa hindi ako dinalaw ng antok, binantayan ko rin si baby kagabi, madaling araw na kasi hindi pa natutulog yung bata, si Sela naman tulog na tulog kagabi. Kaya imbes na gisingin siya, ako na lang nagbantay sa bata.

Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa loob ng room ko ng biglang mag-alburuto naman itong cellphone ko. Wala sa sariling kinuha ko 'yon at sinagot ang tawag.

"Hello, sino 'to?" tanong ko pa sa tila nanglalambot na boses.

( "Abby si Justin 'to, nasan ka?" )

Kumunot ang noo ko. Para kasing hirap na hirap siyang magsalita ng sabihin niya 'yon. "Nasa school bakit?"

( "Puntahan mo si Rans please. May um-ambush sa'kin. Mat ta-..." )

Hindi ko hinayaang matapos niya ang dapat na sasabihin at agad akong kumaripas ng takbo. Hindi ko nga alam kung napatay ko ba ang tawag.

Dere-deretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa labas at agad na pumara ng jeep.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon