Ayaw ko na ee. Ayaw ko ng bigya pa ng dahilan  ang sarili kong masaktan muli. "Then, explain Abelaine." at tinraydor na naman ang mata ko dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko. "Makikinig ako."

Pero ilang minuto na ang nakakalipas hindi parin siya nagsasalita. Mataman lang siyang nakatingin sa'kin habang nanggigilid ang luha. Di kalaunan ay siya na mismo ang nagbawi ng tingin sa'kin at mas piniling yumuko na lang. "I'm sorry." bulong niya pero sapat lang para marinig ko.

Marahas kong pinunas ang luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Pero para lang akong tanga dito dahil wala namang nangyayari. Kada punas ko, may babagsak na namang luha. "See? Hindi mo na nga maipaliwanag sa'kin ngayon mismo ang nangyari." mabibigat ang paghinga na nagawa ko. "Bakit Abelaine? Bakit tayo naging g-ganito?" garalgal na tanong ko.

Napatingin na lang ako sa kalangitan ng wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Mapait akong napangiti. Mukhang kampi ang panahon ngayon sa sakit na nararamdaman ko.

"Kayang kitang intindihin Abelaine, pero hindi palagi." madiin kong nakagat ang labi wag lang makagawa ng malakas na iyak.

Mariin na napapikit pa ako nang marinig ko ang mahihinang paghikbi niya. "H-hindi ko sinasadya Sela." garalgal na tugon niya. "Hindi ko sinasadya." mahinang dagdag pa niya.

Napayuko ako. At hinayaang tumulo ng tumulo ang luha ko dito sa tuhod ko. Grabe rin ang diin ng pagkakakagat ko sa labi ko para lang hindi mapahagulgol ng malakas. Pakiramdam ko pa nga, hirap na hirap na akong makahinga ngayon.

"Akala ko ba, ako p-palagi? Sa lahat ng sitwasyon at sa lahat ng pagkakataon?" nahihirapang tanong ko sa kanya.

"Lahat ng sinabi at pinaramdam ko sayo ay totoo." ganting sagot niya. "Malinis ang motibo ko sayo una pa lang."

I gulped hard. "Then why are you hurting me so bad?" buong tapang ko siyang tiningnan na katulad ko kanina, ay nakayuko rin. "Ano ba talaga 'ko sayo? Panandaliang saya? Kilig? Init? Ano Abelaine?" gusto ko siyang saktan ngayon. Gustong-gusto ko siyang pagsasampalin para kahit papaano, mabalik ko sa kanya ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa, hinang-hina ako. "Ano?" tanong ko pa sa namamaos na boses.

"Sela hindi." maagap na sagot niya. "Kahit kailan hindi ka naging panandalian sa'kin." she added.

Inirapan ko siya. Ayan na naman siya, magsasabi na naman siya ng kung anu-anong salita para ano? Para umasa na naman ako. "You know what, it's amazing how can you break my heart and I can still love you with all the little pieces." naghihinang napangiti ako. "But I'm tired Abelaine." and yes, I cried so hard. "I'm tired of all this shits."

"Sela no." marahas niya pang pinunasan ang pisnging basang-basa na dahil sa luha niya. "Maaayos natin 'to. Kaya nating ayusin 'to. Just." she reached for my hand. "Trust me, p-please."

I shook my head while my tears still flowing in my face. "How can I trust you this time Abby?" sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko habang nakatingin sa nagsusumamong mata niya. "I trusted you yet you tricked me."

"Sela please, don't." halos yumuyugyog na ang balikat niya dahil sa sobrang iyak.

I smiled weakly. "I focused too much fixing you but I lost myself."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon