2. Cinderella Version 2.0

Start from the beginning
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng building. May thirty minutes pa ako para sa saktong time ng pagpasok. Binati ako ng guard and I smiled at him politely.

Pagpasok ko sa loob, hindi ko maiwasang punahin ang tingin ng mga empleyado. They're looking at me weirdly. Pakiramdam ko'y meron silang alam na hindi ko alam. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad sa elevator.

Solo akong lulan ng elevator. Walang nakaka-paranoid na tingin ng mga tao. Buong floor ang sakop ng opisina ni uncle Lucas. Sa labas naman nito nakalagay ang circular desk ng kanyang secretary which is me. At isang mahabang sofa, para sa mga client na maghihintay pa sa labas.

Walang pinagbago, maliban sa babaeng nakaupo sa secretary's chair. Lumapit naman ako rito at ngumiti. Nang maramdaman nito ang presensya ko ay agad na nag-angat ito ng tingin.

"Do you have an appointment scheduled today, ma'am? Your name please." she asked.

Natigilan ako. "Uhm..." What do I say? Pareho yata kaming confused na dalawa.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"Pardon. But who are you?" hindi mapigilan isatinig.

I didn't want to offend her, but it sounded offensive. Gusto kong kastiguhin ang aking sarili.

Nangunot ang noo nitong nakatingin sa akin. "What?" Naguguluhang tanong ng babae.

"What are you doing outside Sir Lucas Eduardo's office? 'Di ba officially for secretary ang desk na ito?"

"Why I shouldn't be here? I'm the secretary, obviously," she rolled her eyes. Ngumisi ito nang mapang-uyam. "Are you stupid or just plain dumb? Oops, no offense meant. I'm asking a question,"

Hindi ko pinansin ang mayabang niyang turan.

"You mean temporary?"

"No. I was just hired last week," sabi niya na nakapagpakunot sa aking noo. "Why am I even telling it to you? It's none of your business." Lalong tumaas ang kilay nito. "At mukha ba akong pang-temporary lang?"

Wait... what?

Uncle Lucas hired someone to be his secretary. At hindi temporary. Does that mean... he didn't fire me!

Maybe, he did for my absences.

Paano ako?

Bakit ba nagsabay -sabay ang konsumisyon ko sa buhay?

Bakit bigla na lang akong nawala sa picture? Mas hindi ko alam kung mao-offend ako sa tono ng pananalita ng babaeng nagpakilalang sekretarya. I mean, she doesn't know me personally, pero nangibabaw ang salitang temporary na para bang nang-uuyam sa kalagayan ko ngayon. I was Dylan's long term, but swapped with a temporary happiness.

The mockery.

I shrugged it off. I have to stay positive, no matter what. Positivity na lang ang mayroon ako. Of course, there's always a reason for everything. Ang dami kong toxic positivity sa katawan. Pero ngayon, kailangan ko maging positibo kung hindi baka lalong gumuho ang lahat sa akin.

Muli kong nginitian ang babaeng nasa harapan ko na para bang walang tensyong nangyari sa aming dalawa. Cool pa naman ako, kailangan kong mas lawakan ang pang-unawa. I cleared my throat.

"Miss, and'yan ba ang boss mo?"

Tumango ito. "But wait "

Nagmadali akong naglakad papasok ng office. Alam ko ang kalakaran, malamang hindi na ako makakapasok ng opisina ni uncle kung maghihintay pa ako ng appointment. Hindi na ako nag-abalang pakinggan ang kanyang sekretarya sa patuloy nitong pagtawag sa akin.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Where stories live. Discover now