Ramses in Niraseya (Kabanata 29)

Start from the beginning
                                    

            Habang pinipilit ni Ramses na kausapin ang ama ay bigla na namang nagbago ang paligid. Nakita nya ang apoy na ibon at agad nya itong sinundan.

            Hindi nya agad naabutan ang ibon kaya’t tumigil sya sa paglakad at tumingin sa paligid. “Anong gusto mong ipakita sa’kin dito? Wala namang ta – ” Nakarinig sya ng nagbubulungan kaya’t pinakinggan nya itong mabuti at hinanap kung saan nanggagaling ang naririnig.

            Paglikong-pagliko nya nakita nya si Ginoong Domte kausap ang babaeng may taklob na itim ang mukha.

            “Muntik na akong mapahamak. Bakit kasi ang tagal umepekto ng mahikang itim mo sa Greena na yun.” Naiinis na bulong ni Ginoong Domte.

            “Pasalamat ka at dumating ako at nagamitan ko pa sya ng mahika. Ipapahamak mo pa ako sa mga kapalpakan mo,” sagot ng babaeng nakaitim. “Ngunit tulad ng ipinangako ko, ibabahagi ko na sa’yo ang itim na mahika. Baka magamit mo yan.” Napatigil ang babae at tumingin sa direksyon ni Ramses. Bigla syang naging usok at tsaka nawala.

            “Sinong kinakausap mo dyan, Domte?” tanong ni Maestro Boro na biglang sumulpot sa likuran nya.

            Dahan-dahan namang lumingon ang ginoo sa kausap. “Nalulungkot lang po ako at parang hindi ko kayang makitang ipinagluluksa natin ang dalawa sa ating mga estudyante,” paliwanag nito.

            “Ganun ba? Sumama ka na sa’kin at may mahalaga akong anunsyo.” Nagpatuloy sa paglakad si Maestro Boro at sumunod na din si Ginoong Domte. Kasundo din nila si Ramses na hindi pa din naiintindihan ang totoong nangyayari.

            Nakarating sila sa labas kung saan ang lahat ng guro at mga estudyante ay umiiyak. Nasa gitna ang dalawang kahon na may nakalagay na mga bulaklak sa ibabaw.

            “Ang mga katawan ng batang ito ay uuwi na sa kanilang mga pamilya. Hindi man makatarungan ang naging kabayaran sa pagkamatay ni Lutiso, ay hindi pa din naipaglaban ni Greena ang kanyang sarili. Ikinalulungkot ko na kailangan pang may mangyaring ganito sa Silko.” Itinaas ni Maestro Boro ang kanyang kamay at lumabas ang malalaking pakpak ng kahon. Dahan-dahan itong umaangat sa lupa. “Humayo na kayo, Lutiso at Greena.”

            May mga puting ibon ang nagsidatingan. Pinalilibutan nila ang dalawang kahon kung saan nakalagay ang mga katawan nila Lutiso at Greena. Ilang sandali pa ay naghiwalay ng direksyon ang dalawang kahon kasama ang kanya-kanyang ibon na parang tagapaghatid.

            “Makakauwi na sila,” pagpapatuloy ng matanda. Ibinaba na nya ang kanyang kamay at nanahimik sandali.

            Tumingin ito kay Ginoong Domte. “Ngayon, ang pagpapatapon sa gurong si Domte ang aking ipahahayag.”

            Nagulat si Ginoong Domte sa narinig at dahan-dahan syang umaatras papalayo sa lugar na iyon. “Anong ibig nyong sabihin?” Nanginginig na tanong nito.

            Hindi na nya nagawang lumayo pa dahil nahawakan na sya ng mga kawal. Nilapitan sya ni Maestro Boro at may inilagay sya sa tekan nito. “Kaparusahan yan sa kapangahasang iyong ginawa. Hindi mo magagamit ang iyong tekan.”

            “Hindi ko po maintindihan maestro,” nahahabag na sabi ni Ginoong Domte.

            “Pinangahasan mong bigyan ng pang unang lunas si Lutiso ng hindi nasusuri ang kanyang kalagayan?” tanong ni Maestro Boro.

            Hindi agad nakasagot si Domte at tumingin sa mga taong naroroon. “Sya ang kusang lumapit sa’kin. Humingi sya ng tulong para malunasan ang kanyang nararamdaman dahil ayaw nyang makahadlang iyon sa pagiging pinakamalakas sa Silko.” Tumingin ito kay Maestro Boro. “Pero wala na akong ibang ginawa.”

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Where stories live. Discover now