XXXVI : ALEK

104 14 6
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Iisang alaala ang laman ng aking mga bangungot gabi-gabi, sa nagdaang sampong Pagdilat.

Selda ng Darkborne Castle. Ang liwanag sa buong palasyo. Pagpaslang sa Dark Majesty. Ang pagsabog ng liwanag.

Amaris . . . At ang kanyang paglaho.

Saan siya pumaroon? Nang magising ako sa isang lumang palasyo na kalaunan ay natukoy ko bilang mula sa Earos, ang tanging pamilyar na mukha lamang na aking natagpuan ay kay Danil.

Bumigat ang aking dibdib, ang mainit na luha ay mabilis na nabuo sa aking mga mata. Hindi ko ito mapigilan. Sa aking pagkakahiga, hindi na lamang ang aking katawan ang hindi makontrol, kundi maging ang akin ding damdamin. Sa isang iglap, ako'y bumitak sa paghagulgol.

Noong ako'y nagkamalay limang Pagdilat na ang nagdaan . . . si Inay . . . ay tuluyan nang pumanaw.

Noong aming sinalo ang malawak na tipak ng itim na bato kung saan nakasagupa ni Amaris ang Dark Majesty kasama ang ilan pa, aming ibinuhos ang lahat ng aming enerhiya. Subalit habang amin iyong ginagawa, si Inay ay naglaan ng kanyang enerhiya para sa amin, enerhiya na hindi maglalaho pilitin man namin itong pakawalan.

Dahil sa kanya . . . kapalit ng kanyang buhay . . . kami ni Danil ay nakaligtas.

"Alam ni Inay na atin iyong ikamamatay." Sinundan ko ang pinagmulan ng magaan na boses sa gilid ng aking kama. Isang musmos. Kayumangging buhok at mga mata, maamong hitsura. Bagaman bahagyang nabura sa kanyang anyo ang kamusmusan, siya'y inosente pa rin sa aking mga mata. Hawig ni Inay sa lahat ng bahagi.

"Danil . . ." Pinigilan ko ang aking mga luha. Ang mahina kong mga kamay ay pilit kong ini-angat at inabot siya. "Nais kong masilayan ang liwanag mula sa kalangitan. Maaari mo ba akong matulungan?"

Ang kanyang palad ay sumakop sa akin mga balikat. Ang kanyang enerhiya ay unti-unting sumalin sa akin, na tila ba normal lamang at walang mga nangyari. Napakabilis nyang gumaling at magbalik ng lakas, isa sa kanyang mga natural na kakayahan. At habang hawak ko ang kanyang kamay, ako'y mayroong pansamantalang lakas upang kahit papaano ay makatayo nang mas matagal.

Mula sa pagkakahiga ay marahan akong umangat sa pag-upo, at unti-unti ako'y bumaba sa kama at tumungo sa isang pakurbang bintana ng lumang palasyo ng Menova, Earos (kung saan kami ay kinupkop ng mga samahang sumagupa sa mga Darkborne, mga kasamahan ni Amaris). Kami ay nasa itaas ng bundok, sa ibaba ay ang buto-butong itim na kagubatan, at sa kagiliran ang karagatan at mga munting bayan.

Subalit napakalaki ng pagbabago sa aking pagdungaw. Ang madilim na mundo ng Zamarro ay nababalutan na ng manipis na liwanag, na sa bawat Pagdilat ay pakapal nang pakapal. Ang walang hanggang Zukos sa kalangitan ay unti-unting nagninipis. At sa aking alaala ay muling kumislap ang kaganapan kung saan ang kalangitan ay nagwala, habang ang Zukos ay winawasak ng napakalakas at napakalawak na enerhiya.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now