XXIV : ALEK

80 12 13
                                    

ALEK

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALEK


Ang misyon ay dalhin si Amaris sa Dark Majesty. Kung paano ko iyon gagawin ay nakadepende na sa akin.

Subalit ang pagdala ko sa kanya sa Earos (sa kapuluhan ng Galora) ay hindi upang mailapit siya sa Dark Majesty, kung hindi upang siya'y sandaling mailayo. Kung siya'y aking dadalhin sa Dark Majesty, nais kong magkaroon siya ng depensa. Nais kong mas makilala pa nya ang kanyang kakayahan, kahit sa maikling panahon lamang. Kaya naman mas pinili kong mamalagi ng isa pang Pagdilat sa Zamarro bago bumalik sa Earth. At sa Earos, ang parteng ito ang aking natagpuang pinakamainam. Malayo sa mga bayan.

Habang kami ay taimtim sa pagtahak ng kagubatan, kakaibang enerhiya ang humatak sa aking damdamin. Isang pagtibok ng dibdib, mula sa mahina at malayong puwersa.

Walang ibang pumasok sa aking isipan kundi si Danil.

Subalit ako'y hindi natuwa.

Bagaman daglian at agad naglaho ang enerhiya ay naiwan sa aking damdamin ang katangian nito (ang panghihina, ang kalayuan).

Danil. Nabalot ng takot ang aking kalooban bago ko pa man ito mapigilan. Danil.

Marahil akin iyong nabigkas, pagka't sumilay sa aking paningin ang nababagabag na mukha ni Amaris na siyang nagbalik sa akin sa realidad.

"Paumanhin?" Ibinaon ko ang enerhiya sa aking isipan.

"Mayroon kang sinasabi kanina."

Bahagya akong napailing. "Napapaisip lamang."

Mas napukaw ang kanyang atensyon sa akin at alam kong mayroon siyang katanungan, ngunit bago pa nya ito masambit ay isang mahabang kidlat ang gumunit sa kalangitan kasabay ang pagdagundog ng malakas ng kulog. Siya'y napapikit, habang ako'y bahagyang napayuko.

Ang malalaking patak ng ulan ay nagsimulang bumagsak sa akin (mas malaki kumpara sa ulan ng Earth).

"Lumisan na tayo rito," usal ko at bumaba pa ng gubat tungo sa paanan ng bangin. Akin siyang dinala sa isang isla.

Sa paanan ay naghihintay ang isang itim na kabayo.

"Ang kalangitan sa Zamarro ay ilang beses na mas mabagsik sa Earth," sigaw ko mula sa ragasa ng ulan at mga dagundong, habang akin siyang inaalalayan paakyat ng kabayo.

"Saan tayo papunta?"

Hinila ko ang lubid at ang kabayo ay nagsimulang umusad. "Mayroong ilang kabahayan sa kabilang bahagi ng isla. Doon mayroon tayong masisilungan."

Sa patag na bahagi ay sinuong namin ang kulupon ng mga puno, at bagaman may kalakihan ang isla, maya-maya ay natanaw ko na ang ilang kabahayan at mga munting dilaw na liwanag sa mga ito.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now